DEAR DIARY,
Nilakasan ko na ang loob ko at kinausap ko si Yexel. I honestly told him what I really feel. Kahit na halatang medyo dissapointed siya sa naging sagot ko ay naintindihan niya pa din ako.
YEXEL : I know it Gwen. It's so obvious that no matter how much I tried to deny it, I just can't. Don't worry. I understand you. I'm just sad and hurt at the same time because I really like you.
AKO : Gusto din naman kita Yexel. It's just that...
YEXEL : You love Axel?
AKO : Yes.
There! Sa wakas ay inamin ko na din sa sarili ko na mahal ko pa rin si Axel.
Hinawakan ni Yexel ang kamay ko.
YEXEL : I understand Gwen and I wish for your happiness. I hope we can still be friends.
AKO : Oo naman. You are a great friend Yexel and I'm happy to be your friend.
YEXEL : Thank you Gwen but remember if that stupid brother of mine hurt you again, I'm still here for you.
AKO : Thank you Yexel. Maswerte ang babaeng mamahalin mo.
Hay! Sa wakas medyo nakahinga na din ako ng maluwag. Kahit na medyo mahirap ang mambasted ay mas okay na maging honest tayo sa nararamdaman natin.
***
Sumunod kong kinausap si Axel. Hindi ko nga alam kung saan ko siya matatagpuan. Mabuti na lang at sinabi sakin ni Hara na nasa bar daw si Axel at Paul kaya naman doon nalang ako dumiretso after kong makausap si Yexel.
Hinanap ko si Axel sa loob ng bar. Medyo hindi ko siya makita dahil maraming tao. Pinuntahan ko nalang si Hara na ngayon ay nagsisilbing barista.
AKO : Bakit ikaw ang nandyan? Nasaan ang barista mo?
HARA : Nakipagtanan sa boyfriend niya.
AKO : Ha? Seryoso? Lalaki ang barista mo diba?
HARA : Joke lang. May sakit hindi ko na pinapasok. Kawawa naman.
AKO : Mga joke mo Harabella hindi nakakatawa. Kawawa ka din kasi ang dami mong customers. Ano bang meron?
HARA : Wala naman. Minsan talaga madaming tao lalo na ngayon tutugtog ang Equinox. May mga naghihintay pa nga sa labas.
AKO : Oo nga. Buti nga nakilala ako nung bouncer niyo kaya pinapasok agad ako. Talaga? Nandito ang Equinox ngayon? Kaya naman pala. Gusto mong tulungan kita?
HARA : Ano namang alam mo sa pagbabarista?
AKO : Wala. Turuan mo ako.
HARA : Huwag na alam ko namang si Axel ang dahilan ng pagpunta mo dito. Hanapin mo nalang siya dyan.
AKO : Ang dami kayang tao paano ko siya hahanapin? Pahingi nalang nga muna ng alak.
Actually medyo kailangan ko ng pampalakas ng loob bago ko hanapin at kausapin si Axel.
DJ : Hi Gwen.
Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si DJ sa harapan ko.
AKO : Uy! Ikaw pala. Kumusta? Anong ginagawa mo dito?
DJ : Okay naman. Dinadalaw ko si Bella (sabay baling kay Hara) Hello Girlfriend! Namiss kita.
Akmang hahalikan ni DJ si Harabella nang lumapat ang labi nito sa palad ni Hara.

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.