# 20 #SelosPaMore

2.9K 62 33
                                        

DEAR DIARY,

Nagtext sakin yung burgis kong pinsan na si Harley. Ipapakilala niya daw ako dun kay Zed. Ayon sa memory ko ay siya yung babaeng kasama ni Harley nung gabing nalasing ako.

Sa isang sikat at mamahaling resto ang meeting place namin. Ang yaman talaga ng pinsan ko. Pwede namang sa fastfood nalang kami magkita nung jowa to be niya. Imagine kailangan ko pa maghalfday sa office dahil sa kakakulit sakin ni Harley na dapat daw ay makilala na ako ni Zed dahil aalis na daw yun papuntang ibang planeta. Sinusundo na daw kasi siya ng mga kalahi niyang Super Saiyan at kailangan pa nilang iligtas ang planet Earth laban sa pwersa nila Majinbu at Freeza!

Joke lang yun! Walang sinabing ganun si Harley. Imbento ko lang yun hehe!

Mabuti na lang at malapit lang sa office ang meeting venue namin. Isang tumbling lang.

Papalabas na ako ng area ko nang makasalubong ko si Axel. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng kulugong iyon sa opisina namin. Huwag niyang sabihing dinadalaw niya ako?

#AsaPaMoreGwen

Naalala ko ang ginawang pagkanta ni Axel nung birthday ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti. Handa na sana akong batiin siya kaya lang napako sa ere ang dapat sana ay sasabihin ko dahil ang kumag na lalaking iyon ay may bitbit na isang mukhang hipon na babae.

Nakakapit pa ang babaeng iyon sa braso ni Axel. Ni hindi man lang ako nagawang tapunan ng tingin o sulyap man lang nito. Dirediretso itong pumasok sa loob ng opisina ni Sir Yexel.

Iyon ba ang mahal pa ako???

Iyon ba ang gustong makipagbalikan sakin??

Iyon ba ang nagpakilig muli sa akin???

Iyon ba ang nag-alay sakin ng kanta at nagbigay ng regalo nung birthday ko??

Bwisit siya!

Babaero! Manloloko!

Pigil ang galit na nagpunta ako sa restroom. Bakit ko ba sinasayang ang panahon ko sa Axel na yun?!

Matapos kong makalma ang sarili ko ay lumabas na ako ng restroom. Nagtext na sakin si Harley na nandun na daw sila ni Zed sa resto.

Mabuti na lang at hindi ko na muling nakita pa si Axel. Pero ano kayang ginagawa nila sa opisina ni Sir Yexel? Saka mag-ano kaya sila nung mukhang hipon na babae?

***

Hindi na naalis ang pagiging imbyerna ko kay Axel dahil sa kamalas malasan ay muli ko silang nakita nung babae sa may lobby ng building namin. Hindi ko nalang sila pinansin at dirediretso na ako sa katapat na resto kung saan kami magkikita nila Harley. Madali ko naman silang nakita at kasama niya nga si Zed. Ipinakilala niya ako dito. This time hindi na ako lasing. Nagpasalamat ako kay Zed sa pagasikaso niya sakin nung mga panahong nalasing ako.

AKO: Huwag mo sanang isipin na lahi kami ng lasenggero ah. Nagcecelebrate lang ako nun.

Nginitian naman niya ako at sinabing okay lang naman daw yun. Nakakatuwa silang tignan ni Harley. Halata ko naman na type na type ni Zed ang pinsan ko. Ganun din naman ang pinsan ko kay Zed.

#EhDiWowSilaNaMayForever

Hindi ko pa nga nakakain ang order ko nang bigla nalang sumulpot si Axel at hilahin ako palabas ng resto. Ano bang problema nung lalaking iyon?!

***

Tinanong ako ni Axel kung bakit daw hindi ko siya pinapansin. Abenemen ako pa ba ang hindi namamansin nun?

AKO: Tigilan mo nga ako Axel. Ikaw itong hindi namamansin dyan. Saka nasaan na yung mukhang hipon na babaeng kasama mo?

AXEL : What??? Sinong mukhang hipon? Si Amy ba?

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon