Hi Gwen,
Ayan ah Gwen na ang tawag ko sayo. Sabi mo kasi sakin mahaba ang Gwyneth.
Natutuwa akong makilala ang mga kaibigan mo. Masaya silang kasama kahit na may pagkamasungit yung kaibigan mong sina Hara at Maica. Natutuwa ako na ipinakilala mo sila sakin kasi ibig sabihin tinatanggap mo na ako na bahagi ng buhay mo. Okay lang kahit kaibigan muna. Doon naman nagsisimula ang lahat diba?
Malay mo sa future maging tayo din. Wala namang masamang umasa. Libre naman ang mangarap.
-A.S.
***
"Okay Class, I will assigned you in your perspective group for your research paper. Count yourselves to five"
Pinagbilang kami ni Ma'am mula one hanggang five tapos lahat ng one magkakasama, yung two ganun din and so forth. Ang malas nga kasi akala ko magiging kagrupo ko si Gwen kaso number two siya at number three naman ako. Malas talaga.
AKO : Hi Gwen, tara lunch tayo sa canteen.
GWEN : Libre mo?
AKO : Oo ba. Eat all you can pa!
Sabay kaming pumunta sa canteen ni Gwen. Pakiramdam ko naman ay nasa alapaap ako at lumilipad ang mga paa ko. Heaven ang feeling!
Paksyet! Ang corny ng datingan ko. Kung nalalaman siguro ni Paul ang naiisip ko baka pinagtawanan na ako nun.
GWEN : Kumusta ka naman?
AKO : Heto gwapo pa din.
GWEN : Ay grabe siya! Ang lakas ng hangin ah.
AKO : Bakit? Hindi ba ako gwapo? Bayaran mo lahat ng kinakain mo.
GWEN : Sabi ko nga gwapo ka.
Tapos tawa siya ng tawa. Natutuwa naman akong panoorin siya habang tumatawa kahit na alam kong ako ang pinagtatawanan niya.
AKO : Gwen, may boyfriend ka na ba?
Bigla tuloy siyang nasamid sa biglang tanong ko. Mukhang nagulat yata siya.
GWEN : Ano ba namang tanong iyan. Biglaan naman masyado.
AKO : Wala lang naisip ko lang itanong. Baka kasi may boyfriend ka tapos kapag nakita niya tayong magkasama ay bigla nalang may sumapak sa akin dito.
GWEN : Huwag kang mag-alala dahil wala namang sasapak sayo dahil wala naman akong boyfriend.
AKO : Bakit wala?
GWEN : Eh kasi wala naman akong matipuhang boboyprenen kaya wala.
AKO : Ako nalang.
GWEN: Ha?
AKO : Ako nalang boyfriend mo.
Seryoso ako sa sinabi ko pero bigla ba naman akong tinawanan ni Gwen. Ano yun?!
GWEN : Alam mo ikaw, sobrang funny mo. Muntik na tuloy akong maniwala sayo.
AKO : Gwen seryoso ako.
GWEN : Hay naku Axel Sebastian, galingan mo pa ng konti ang acting mo at mapapaniwala mo na ako. Pwedeng pang Famas ang acting mo eh.
Nakakainis naman itong babaeng ito. Bakit ba ayaw niyang seryosohin ang sinabi ko? Seryoso naman ako ah.
Ay ewan! Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae kung minsan.
***

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.