DEAR DIARY,
Nagulat ako nang bigla nalang akong ipatawag ni Yexel sa opisina namin. Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali. Pagdating ko dun ay naabutan kong kausap niya si DJ.
Tinanong ko kung bakit nila ako ipinatawag. Ang sabi ni Yexel ay nagpapatulong daw si DJ. Gusto niya daw kasing isurprise si Harabella Gomez sa birthday niya sa Sabado. Well, knowing Hara, hindi iyon nagcecelebrate ng birthday niya na bongga. Nagpapainom lang iyon at nagpapakain samin.
Kaya naman kinausap ko din ang iba kong mga kaibigan at humingi ng tulong sa kanila. Napagdesisyunan namin na mag-swimming nalang kami. Actually, si Mae at Ella ang nagsabi na magswimming kami dahil hindi sila nakasama nung nagpunta kaming Batangas nila Yexel. Hindi alam ni Hara ang plano namin dahil surprise iyon ni DJ para sa kanya. Ang sweet naman.
Nag-offer si DJ na sa private resort nila sa Laguna ang gamitin namin. Grabe ang magkaibigang iyon ah mga burgis at may private resort talaga!
Eh di wow! Sila na ang mayaman!
Nagkanya kanyang toka kaming magkakaibigan ng gagawin namin para sa birthday ni Hara.
Si Maica ang magdadala kay Hara sa Laguna. Bahala na siya kung paano niya didiskartehan na maisama si Hara.
Kami ni Yexel ang in-charge sa food.
Yung iba naming kaibigan ang bahala sa pagdedecorate nung resort.
At syempre si DJ ang gagastos sa lahat. Galante! Tinatanong niya nga ako kung ano daw ang pwede niyang iregalo kay Hara.
DJ : Para kasing nasa kanya na lahat.
Eh di wow! Ginawa niyang SM Supermall si Hara.
We got it all for you!
AKO : Kahit ano naman ang ibigay mo kay Hara tatanggapin nun. Hindi naman iyon mapili eh. Pero kung wala ka talagang maisip pwede rin namang sarili mo ang ibigay mo sa kanya.
DJ : Hindi pa niya ako sinasagot pero nakahanda akong ibigay ang lahat sa kanya. Puso, isip, sarili pati na din kaluluwa.
Nagulat naman ako. Ang akala ko ay magjowa na yung dalawa pero mukhang nagpapabebe pa ang Harabella Gomez at hindi pa sinasagot si DJ. Maswerte na din si Hara kay DJ pero mas maswerte naman si DJ kay Hara dahil siya lang ang nag-iisang lalaking minahal ni Hara.
Excited na ako para sa Sabado! Mas excited pa ako kaysa sa may birthday eh. Sana lang walang hindi magandang mangyari. Sana maging maayos ang lahat.
HARABELLA GOMEZ IKAW NA NGAYON ANG MAGANDA!
***

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.