DEAR DIARY:
Kinausap ako ng supervisor ko kanina. Nawindang nga ako kasi sabi niya kailangan ko daw pumunta sa Isabela kung saan may itinatayo kaming bagong project at bilang isang Accountant ay kailangan ang serbisyo ko. Binalak ko pa ngang umangal ang kaso ay nasermunan ako ng supervisor ko. Management decision daw yun.
Ibig sabihin si Yexel ang nagpapatapon sakin sa Isabela? Bakit? Dahil ba binasted ko siya?
Kaya naman agad kong pinuntahan si Yexel sa opisina niya at kinompronta. Animo isa akong torong susugod.
AKO : Bakit mo ginawa yun?
YEXEL : What?
AKO : Bakit mo ako ipapadala sa Isabela?
YEXEL : Well, the project needs you and you are the only one na pwede kong ipadala. Your colleagues have their own project to handle.
AKO : Pero bakit sa Isabela? Hindi ba pwedeng dito lang sa Metro Manila? Ang layo layo nun. Wala akong kilala dun. Saka bakit ngayon pa kung kailan magpapasko at bagong taon?
YEXEL : Your contract states that you will be assigned to different location as need arises and besides temporary lang naman ito. Mga two months lang.
AKO : Kahit na isang buwan lang yan ayoko dun.
YEXEL : I don't think you are in a position to refuse Ms. Gwen.
Ms. Gwen??? So ano yun pormal pormalan na ang drama niya ngayon?
YEXEL : I'm still your boss and the owner of the company you are working for. So my words here are rules.
Promise gusto kong sapakin si Yexel nung sinabi niya yun! Talagang ngayon ipapamukha niya sakin na boss ko siya?
AKO : Okay Sir. Thank you for your time.
Fine! Kung gusto niyang maging pormal ang relasyon namin eh di sige!
Ang saklap lang dahil mukhang magpapasko akong mag-isa. Kung kailan pa naman hindi na dapat malamig ang pasko ko ngayon.
Nakakaasar talaga si Yexel! Bwisit siya! Bitter!
***
A/N:
Merry Christmas to all of you! Kaway kaway sa mga SMP diyan!
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
أدب نسائيAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.