DEAR DIARY,
Today is Hara's birthday. Sobrang daming nangyari. Bakit nga ba sa tuwing may okasyon kami ay ang daming unexpected things na nangyayari?
Ganito kasi yun.
Friday night palang ay nagpunta na kami ng mga kaibigan ko at sina DJ and Yexel sa private resort nila DJ para maiprepare namin ang surprise party para kay Hara. Tanging si Maica lang ang hindi sumama samin dahil siya ang magdadala kay Hara sa Laguna.
Okay naman ang naging preparation namin. Maging kami ay natuwa sa kinalabasan. Hindi naman naging OA ang decoration kahit na nagtatalo ang mga kaibigan ko dahil iba iba sila ng gusto. Ipinaalala ko nalang sa kanila na si Hara ang may birthday kaya dapat ang gusto ni Hara ang gawin namin.
Then Saturday morning ay dumating na sina Maica at Hara. Ang kaso hindi sila nag-iisa. Ay dalawa pala sila. I mean hindi lang sila ang dumating. Kasama nila sina Paul at Axel. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang kasama pa sila kaya tinanong ko si Maica. Ang sabi niya ay nasa bahay daw kasi ni Hara sina Paul at Axel nung pumunta siya kaya napilitan siyang yayain nadin ang dalawa. Sinabihan nalang nila sina Axel at Paul na may surprise kami kay Hara.
Teka...anong ginagawa nung dalawang lalaki sa bahay ni Hara ng umaga?
HARA : Doon kasi natulog si Axel kina Paul. Tapos niyaya nila akong magjogging nung madaling araw. Pinakain ko lang sila sa bahay ko.
Oo nga pala. Magkapitbahay nga pala sina Paul at Hara.
Anyways, ayun nga wala akong choice kundi ang pakisamahan si Axel kahit na ayoko.
Syempre nagulat si Hara sa naging surprise namin sa kanya. Nakakatawa lang kasi kahit na halatang nagulat siya ay pareho pa din ang ekspresyon ng mukha niya. Nagthank you siya samin pero sinabi namin na si DJ ang may idea ng lahat.
So ayun since umaga palang ay nagbreakfast muna kami. Hindi namin hinayaang tumulong si Hara dahil may niluto na naman kami ni Yexel. Sabi namin ay magpahinga muna sila after kumain dahil mga hapon namin sisimulan ang party namin.
So after kumain ay nagkanya kanya na ang mga kaibigan ko. Ang iba ay nagswimming na dun sa pool. Yung iba naman ay nagvideoke. Sina Hara at DJ ay hindi ko na nakita. Baka gumagawa na ng bata. Choz lang hehe!
Then si Yexel niyaya ako dun sa may garden.
YEXEL : Gwen, may sagot ka na ba sa tanong ko?
AKO : Anong tanong?
Oh di ba maang maangan pa ako eh alam ko naman kung ano ang tanong ni Yexel sakin. Yung tanong niya kung pwede ba niya akong maging girlfriend.
YEXEL : Will you be my girlfriend Gwen?
Napag-isipan ko na din naman ang tanong na iyon ni Yexel and I thought to myself na okay naman siya. Kahit na hindi ko pa talaga totally maramdaman sa sarili ko na mahal ko siya pero gusto ko na din naman si Yexel kahit papano. Matututunan ko naman siguro siyang mahalin.
AKO : Yexel...Ye----
Naputol ang sasabihin ko dahil bigla nalang sumulpot si Axel.
AXEL : Gwen pwede ba tayong mag-usap?
YEXEL : Can't you see we're talking?
AXEL : Hindi naman ikaw kuya ang gusto kong kausapin. Si Gwen kaya huwag kang makialam.
Then bigla akong hinawakan ni Axel sa kamay para hilahin. Ang kaso hinawakan naman ni Yexel ang kabila kong kamay. Nagmistula silang nagtatug-of-war gamit ang kamay ko bilang lubid.
Nagsasagutan na silang dalawa. Hindi ko na sila maintindihan dahil sumasakit na din ang kamay ko sa paghihilahan nilang dalawa kaya bigla nalang akong sumigaw. Nakatawag na din kami ng atensyon sa iba naming kaibigan.
AKO : Pwede ba? Kung may balak kayong mag tug of war ay huwag ang kamay ko ang gamitin niyo. Kung may balak kayong mag away ay huwag sa harapan ko!
Pareho namang natigilan yung dalawa. Ang kaso sandali lang dahil ang Axel ay bigla nalang dinuro si Yexel.
AXEL : Kasalanan mo ito eh! Feeling mo kasi ang galing galing mo! Ikaw na ang magaling! Sayo na ang lahat!
YEXEL : Ako pa ngayon ang may kasalanan samantalang ikaw itong bigla nalang sumusulpot at iniistorbo mo ang pag-uusap namin ni Gwen.
AXEL : Gusto ko lang naman makausap si Gwen. Anong problema mo?!
YEXEL : Nakita mong nag-uusap kami diba? Masyado kang bastos! Wala ka ng ginawang matino sa buhay mo.
Nagulat nalang kaming lahat dahil bigla nalang sinapak ni Axel si Yexel. Syempre gumanti naman ng sapak si Yexel. Nagbugbugan na yung dalawang magkapatid. Sigaw na ako ng sigaw at inaawat sila pero hindi sila nakikinig. Binalingan ko sina Paul at DJ at sinabing awatin nila sina Axel at Yexel. Ang kaso yung dalawa ay hindi man lang tuminag. Nakatingin lang sila dun sa dalawang nagbubugbugan.
PAUL : Hayaan mo sila Gwen matatanda na ang mga iyan. Alam nila ginagawa nila.
DJ : Kailangan nila iyan Gwen.
Ano ba naman itong dalawang ito?! Mga wala man lang pakialam sa mga kaibigan nila. Si Harabella ang binalingan ko.
AKO : Hara awatin mo sila.
HARA : Bakit ako? Ikaw itong dahilan ng pag-aaway nila.
Tapos bigla nalang akong tinalikuran ni Hara. Mukhang asar yata siya. Sabagay sino ba namang hindi maaasar kung magkakagulo sa araw ng birthday party mo.
Nainis na din ako kina Yexel at Axel kaya tinalikuran ko na din sila at sinundan ko nalang si Hara sa loob ng bahay. Narinig kong tinatawag nila ako pero hindi ko sila pinansin. Nakakaasar silang magkapatid!
To be continue nalang muna hahanapin ko pa si Harabella para magsorry.
***
A/N:
Yahoooooo! After 5 years nabuksan ko ulit ang twitter account ko haha! Ang saya saya :)
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ЧиклитAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
