#30 Kwento mo sa pagong

2.1K 54 19
                                    

DEAR DIARY,

Ako...na yata ang pinakamagandang babae sa mundo!

MAICA : Tumigil ka Gwyneth! Mas maganda pa rin ako sayo!

Ang epal ni Maica, panira ng trip. Nagagawa nga naman ng broken hearted.

Nakakatawa lang isipin na tila nagkapalit na kami ng mundo ni Maica. Siya na itong bitter at ako naman ang better! Bwahahaha! Panapanahon lang iyan.

Nakipagkita sakin si Maica at nagyayang magvideoke kahit na alam naman naming pareho na pareho kaming tone deaf. Hala sige lang! #KantaPaMore #VideokePaMore

Hindi namin sinama si Hara kasi busy siya kay DJ. Eh di wow! Siya na masaya. Siya na may lovelife.

Masaya lang ako ngayon kasi may natanggap akong bulaklak mula kay Yexel sa office. Nakakaloka nga iyong lalaking iyon kasi parang gusto niyang ipangandalakan na may something sa aming dalawa. Pakiramdam ko tuloy ang haba ng hair ko kasi inggit na inggit sa akin ang mga officemate ko. Pati nga si Maica iniinggit ko din kaso sinusungitan lang ako.

MAICA : Tse! Noon kulang na lang ay magtayo ako ng flowershop sa dami ng natatanggap kong bulaklak kaya hindi ako maiinggit sa bulaklak mo.

AKO : Noon iyon. Eh ngayon hindi na.

Wala lang. Trip ko lang siyang asarin. Makabawi man lang sa kagandahan niya haha!

MAICA : Seryoso Gwen, totohanan na ba iyang sa inyo ni Yexel?

AKO : Hindi ko rin alam Maica. Sabi ni Yexel he likes me daw and he wants me to be his girl.

MAICA : Like? Hindi Love? His girl? Not his girlfriend?

Medyo naguluhan naman ako sa ibig ipahiwatig ni Maica kaya tinanong ko siya ulit. Alam naman niyang ilang gigabytes lang ang capacity ng utak ko.

AKO : Pwedeng pakiexplain sa term at language na maiintindihan ko? Alam naman nating lahat na si Hara ang pinakamatalino sating tatlo kaya huwag mo na akong pahirapan.

MAICA : Ganito kasi iyan. Okay sige siguro sa ngayon like ka palang ni Yexel dahil masyado pang maaga para maging love ka niya. Kaya lang bakit his girl ang sinabi niya? Nilinaw mo ba sa kanya kung anong ibig sabihin nun?

So syempre dahil ako si mahina ang pick up ay tinanong ulit si Maica. Ang sabi niya sakin knowing Yexel's past relationship daw na hindi nagcocommit agad ay baka magaya lang daw ako sa mga naging girl companions ni Yexel. Hindi seryosohan. Fling fling lang. Dapat daw maging girlfriend ako ni Yexel para seryoso.

Ayoko mang isipin na tama si Maica pero mukhang tama talaga siya. Kailangang linawin ko muna kay Yexel kung ano ba talaga ang balak niya sakin. Ayokong maging fling lang.

MAICA : Wow ah! Kung makapag inarte akala mo kagandahan siya.

Hinampas ko tuloy si Maica. Ang epal niya eh.

***

Nang mapagod at mapaos kami ni Maica sa kakakanta ay sa wakas tinigilan na din namin ang pagvivideoke. Naghanap kami ng makakainan dahil pareho kaming nagutom sa ginawa namin.

Hindi ko naman akalain na sa dami ng restaurant dito sa Greenbelt ay sa iisang restaurant pa kami magkikita ni Axel. Actually halatang nagulat din siya nang makita kami ni Maica.

Binati niya lang kami. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang makitang may kasamang ibang babae si Axel. Sa totoo lang hindi na ako dapat magulat pa dahil mula naman nang magkahiwalay kami ni Axel ay ibat ibang babae na talaga ang nakikita kong kasama niya.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang nasasaktan ako na makitang sweet si Axel dun sa babaeng kasama niya.

Hmpft! Hindi naman siya maganda. Maputi lang!

Bitter lang Gwen? Affected much??

MAICA : Hoy! Kanina mo pa tinititigan yang menu. Umorder ka na. Gutom na ako.

AKO : Sa tingin mo girlfriend ba ni Axel yung kasama niya o fling lang?

MAICA : Ha??? Eh ano naman sayo kung girlfriend yun ni Axel? Pakialam mo ba?

AKO : Wala naman. Nagtatanong lang.

MAICA : Nagtatanong lang? Aba hoy Gwyneth umayos ka nga dyan. Sino ba talaga kina Yexel at Axel ang gusto mo?

AKO : Matagal na kaming wala ni Axel.

MAICA : Pero gusto mo pa din siya? Mahal mo pa din siya?

AKO : Hindi na noh!

MAICA : Weee?? Tigilan mo nga ako Gwen. Sa akin ka pa ba magdedeny?

AKO : Hindi ko na nga gusto si Axel.

MAICA : Okay fine. Kunwari naniniwala ako. Hindi mo na gusto si Axel. Kung ganun don't act like a jealous girlfriend kapag nakikita mong may babaeng kasama si Axel. Sarap mong saktan eh.

Hindi na lang ako sumagot kay Maica. Hahaba lang ang usapan namin at ayoko ng maging topic si Axel.

Ako indenial?? Hindi noh! Hindi ko na talaga gusto si Axel.

Weee??? Hindi nga ba talaga? Kwento mo sa pagong Gwen.

***


Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon