DEAR DIARY;
Medyo haggard ang lola mo from work kaya naman naisipan ko munang lumabas ng kwarto para maglibot sa hotel pagkauwi ko galing sa site. Hindi ko na isinama si Alyna kasi kavideo call niya yung jowa niyang porendyer. Eh di wow! Siya na ang may ka-forever!
Sa may rooftop ng hotel ako napdpad. Nakakatuwang pagmasdan ang langit dahil bukod tanging liwanag ng mga bituin lang ang nakikita ko. Wala pa ngang buwan.
Naupo ako sa may lazy chair na nandoon at sinubukang i-skype si Axel kaso hindi siya nakaonline. Sinubukan ko ding tawagan ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot. Baka busy pa siya or hindi pa nakakauwe ng bahay. Kaya naman naisipan ko nalang tawagan si Maica.
AKO : Bru! Mag online ka sa skype. Videocall tayo.
MAICA : Demanding lang ang peg? Hindi ako pwede ngayon. Nandito ako sa gig ni Killian. Babye na!
Sabay baba ng telepono. Ang bait naman talaga ng kaibigan ko. Pinagpalit talaga ako sa boyfriend niya?! Ang daya!
Sunod kong tinawagan si Harabella.
AKO : Bru magonline ka sa skype. Videocall tayo.
HARA : Wala akong net. Naputulan ako.
AKO : Ha? Bakit ka naputulan? Hindi ka nagbayad ng bill mo?
HARA : Nakalimutan ko.
AKO : Grabe ka ang yaman yaman mo hindi ka nagbabayad ng bill.
HARA : Ang sabi ko nakalimutan ko. Hindi ko sinabing wala akong pambayad. I can buy you. Your friends and this club.
Baliw talagang Harabella yun. Ginamit pa ang famous line ni Anne Curtis.
AKO : You can't buy me dahil hindi ako for sale. You can't buy my friends dahil friends mo din sila. Higit sa lahat you can't buy that club dahil pag-aari mo talaga iyan. Nabaliw ka na naman!
HARA : Sinubukan ko lang kung maganda pakinggan kapag ako ang nagsabi. Kontrabida ka. Babaan kita ng telepono dyan!
AKO : Eh kasi naman nabobored ako. Hindi ko naman makausap si Axel dahil hindi sinasagot ang phone niya. Si Maica naman nasa gig daw ni Killian.
HARA : Kaya ako ang iniistorbo mo? Third choice mo na lang ako?
AKO : Huwag kang maarte dyan. Gumawa ka ng paraan at mag online ka.
HARA : Teka hihiramin ko muna yung cellphone ni DJ. Dun ka nalang sa account niya tumawag.
AKO : Hindi kami friends.
HARA : Eh di i-friend mo.
Mayamaya lang ay kausap ko na sa skype si Harabella. Mabuti pa siya kahit na kasama niya si DJ ready pa din siya na kausapin ako samantalang si Maica dinedma lang ako. Lagot sakin yung babaeng yun pagbalik ko ng Manila.
HARA : Kumusta ka naman dyan?
AKO : Okay naman. Mabait naman ang mga kasama ko kaya lang nabobored na talaga ako.
HARA : Ganun talaga. Tiis tiis lang. Para sa ekonomiya.
AKO : Ikaw kumusta ka naman? Kayo? Kumusta kayo dyan? Kumusta kayo ni DJ?
HARA : Okay naman ako. Okay naman ang barkada. At okay naman kami ni DJ. Mahal ko pa din naman sya. Tanungin mo ako ulit bukas baka nagbago na isip ko.
AKO : Baliw ka! Huwag mo ng pakawalan iyang si DJ. Wala ka ng makikitang tulad niya.
HARA : Wala din siyang makikitang tulad ko.
AKO : Oo naman. Nag-iisa ka lang na abnormal sa mundo.
HARA : Wow! Nagsalita ang normal. Kumusta kayo ni Axel? Hindi pa ba kayo nagbebreak?
AKO : Baliw ka talaga! Kakabalikan lang naman break agad.
HARA : Malay mo lang diba? Baka may makita ka dyang iba. Ipagpalit mo si Axel.
AKO : Baliw! Wala naman.
Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko yung lalaki sa eroplano. Bad!
Madami pa kaming napagusapan ni Hara bago siya nagpaalam dahil pupunta na daw sila sa bar niya. Naisipan ko na ding bumalik sa hotel room ko nang may mapansin akong lalaki na nakaupo din dun sa lazy chair malapit sakin. Wala na sana akong balak na pansinin pa siya kaya lang napatingin siya sakin.
Yung lalaki sa eroplano!
Teka!
Umiiyak ba siya?!
Wait lang journal babalikan kita. Kinakausap ako nung lalaki.
***
A/N:
I'm a very bad author. Binitin ko na naman kayo. Ano kayang pag-uusapan nung dalawa? Makitsismis tayo kay Gwen hihi!
P.S.
Ang trapik!!!!! Malelate na ako sa trabaho!
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
