DEAR DIARY;
It's my first day sa work. Ipinakilala ako nung Project Manager namin sa mga makakasama ko sa trabaho. Mababait naman sila at winelcome nila ako. Ang kaso puro sila lalaki. Mabuti na nga lang at kasama ko si Alyna kaya hindi ako masyadong naiilang.
Medyo okay naman ang first day ng job ko. Medyo may mga dapat ayusin pero kaya ko naman. Walang wala pa ito sa ginagawa ko sa Manila. Ang problema lang talaga ay ang pagka-homesick ko.
Two weeks nalang at Christmas na. Nakakabwisit. Although si Axel ay madalas ko namang katext or kavideo call still namimiss ko pa din sila. First day palang pero feeling ko hindi na ako tatagal.
***
Nagyaya si Alyna na may dinner daw kami sa hotel. Sagot nung Project Manager namin bilang pawelcome nila sakin. Ang babait naman nila. Nagpalit lang ako ng damit at sumama na kay Alyna.
Mga kalog at mahilig mag jokes ang mga kasama ko kaya naman nag-enjoy ako. Sa kalagitnaan ng dinner namin ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Axel kaya naman nag-excuse ako sa kanila at naghanap ng medyo tahimik na lugar.
AXEL : Babe kumusta ka naman dyan? Namimiss na kita.
AKO : Okay naman ako dito. Mababait ang mga kasama ko. Miss na miss na din kita Babe.
AXEL : Kung pwede lang talaga kitang puntahan dyan ngayon ginawa ko na.
AKO : Okay lang. Naiintindihan ko naman.
AXEL : Basta lagi kang mag-iingat dyan ah. Puro lalaki pa naman ang kasama mo dyan. Huwag kang titingin sa iba.
Natawa naman ako sa sinabi ni Axel. Mukhang nagseselos pa ang boyfriend ko.
AKO : Ano ka ba?! Wala kang dapat na ikabahala dahil puro may edad na ang mga kasama ko dito. May mga pamilya na ang mga iyon. Saka huwag kang mag-alala dahil wala namang gwapo dito kaya hindi talaga ako titingin sa iba.
AXEL : Talaga? Mabuti naman kung ganun. Sige Babe dinner ka na ulit. Tawagan mo nalang ako kapag nakabalik ka na sa hotel niyo. Eat well ah. I love you.
AKO : I love you too.
Nang maibaba ko ang tawag ay nagulat ako nang mapansin kong hindi lang pala ako nag-iisa.
Malaking packing tape!
Yung lalaking sinukahan ko sa eroplano ay nakatayo ilang dipa mula sa akin at naninigarilyo. Gaano ba ako kaabsorb sa pag-uusap namin ni Axel kaya hindi ko napansin na may kasama pala ako.
Mukhang nakilala niya ako dahil nakatitig siya sakin. Ang creepy! Nakakahiya! Baka galit siya sakin sa nangyaring aksidente sa eroplano.
Balak ko sana siyang kausapin para humingi ng sorry nang tanguan niya lang ako at pumasok na sa loob ng hotel bago pa man ako makapagsalita.
Teka!
Nandito din siya sa hotel?!!
Lord naman, sabi ko po huwag Niyo nang hayaang magkita ulit kaming dalawa diba? Bakit ganun?!
***
A/N:
May bagong lalaki hihi...mabuti pa si Gwen sagana sa boylet. Ako kaya kelan? Hahaha!
-shinayawaara
![](https://img.wattpad.com/cover/46184832-288-k571577.jpg)
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.