Gwen,
I'm sorry! Hindi ko sinasadya ang nagawa kong pagsigaw sayo. Hindi ko sinasadyang pagsalitaan ka ng hindi maganda. Hindi ko sinasadyang masaktan ka. Sorry Gwen. Sorry talaga!
Sana mapatawad mo ako.
-A.S.
***
Gulong gulo na ang isip ko. Kung ano ano ng katangahan at kagaguhan ang nagagawa ko. Ilang araw na din akong hindi kumakain. Puro pag-inom na ang ginagawa ko. Ilang araw na din akong hindi umuuwi ng bahay namin. Sa bahay ni Paul ako ngayon nakatira. Pinagtataguan ko din kasi si Amy.
Saka sabi ng Daddy ko ay hindi na daw niya ako anak. Itinakwil na niya ako. Wala namang magawa si Mommy. Si kuya Yexel hindi ko rin naman kinakausap.
***
Muli kong sinubukang kausapin si Gwen kaya naman pinuntahan ko siya sa bahay nila. Gusto kong mag sorry sa kanya. Gusto kong bumalik siya sakin dahil mahal na mahal ko siya. Kahit na lumuhod man ako sa harapan niya at magmakaawa ay gagawin ko. Mahalin at tanggapin lang niya ako ulit.
Subalit hindi inaasahang tagpo ang naabutan ko pagdating ko sa bahay ni Gwen. Bago pa man ako makakatok ay bumukas na ang pinto at iniluwa ang isang lalaki. Sa pagkakaalala ko ay siya yung lalaking kasama ni Gwen sa Isabela. Hindi ko na matandaan kung anong pangalan niya.
Anong ginagawa niya sa bahay ni Gwen? Bakit sila magkasama?
Halatang nagulat din si Gwen at yung lalaking kasama niya nang makita nila ako. Kahit na nagulat ako ay ako ang unang nakabawi. Pinangibabawan ako ng selos kaya naman agad kong sinuntok yung lalaking kasama ni Gwen. Marahil dahil nabigla ay agad itong bumagsak sa unang suntok ko palang.
Nagulat namang nagsisigaw si Gwen.
Gwen : Oh my God Axel! Ano ba?!!
Sigaw niya sa akin at inalalayang makatayo yung lalaking kasama niya dahilan para mas lalong sumama ang loob ko.
Ako : Heto bang lalaking ito ang ipinalit mo sakin Gwen? Ito ba ang dahilan kaya ayaw mo akong kausapin? Ito ba ang dahilan kaya ka nakipaghiwalay sakin?! Ito ba Gwen ha?! Ito ba?!!! Sumagot ka!
Lalaki : Huwag mong sigawan si Gwen, Pare. Hindi totoo ang iniisip mo.
Mukhang nakabawi na ito at tinangka akong hawakan at kausapin subalit itinulak ko ito palayo. This time mukhang nakahanda na ito kaya hindi ito bumagsak sa sahig.
Ako : Huwag mo akong matawag tawag na Pare! Hindi tayo magkumpare!!!! Tarantado ka din 'no!
Ang sarap niyang bugbugin ulit. Gusto kong basagin yung pagmumukha niya!
Gwen : Axel tama na! Alam mo kung ano ang dahilan kaya ako nakipaghiwalay sayo! Huwag mong idamay si TOP dahil wala siyang kinalaman dito.
So TOP pala ang pangalan nung lalaking kasama ni Gwen. Nakakapang-init ng ulo na mas kinakampihan pa niya iyon at ipinagtatanggol kaysa sakin.
Ako ang dapat na kinakampihan niya!
Ako lang ang dapat na mahalin niya!
Ako ang dapat na piliin niya!
Ako : So iyang lalaking iyan talaga ang kinakampihan mo?!! Gaano ka ba kalandi Gwen at hindi ka pa nakuntento sakin?! Bakit?! Mas magaling ba siya sa kama kaysa sakin?! Sabihin mo!
Alam ko na may mali na sa mga sinasabi ko subalit ganito yata talaga ang nagagawa ng nabubulagan ng selos at sakit.
TOP : Gwen, pumasok ka na sa loob. Ako na ang bahala dito.
Ako : Huh?!!! Ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka!
Sino ba itong lalaking ito para utusan si Gwen?
TOP : Pare, saka na kayo mag-usap ni Gwen kapag hindi ka na nakainom. Umalis ka na muna. Magpapahinga na si Gwen.
Ako : Sinabing hindi tayo magkumpare ang kulit mo din 'no! At sino ka para utusan ako ah!
I know that I am being unreasonable. Subalit sadyang hindi nagpa-function mg maayos ang isip ko. Hindi ko alam kung dala ba ito ng puyat, alak o ng selos. O baka all of the above.
TOP : Hindi kita inuutusan. I'm just saying that Gwen needs to rest and please lang huwag mo na siyang istressin pa.
Pinigilan ni Gwen si TOP sa pagsasalita at hinarap ako. May galit sa mga mata niya. Masakit na makita ko ang ekspresyon na iyon sa mukha ni Gwen. Gusto kong hawakan ang mukha niya at sabihing hindi ko sinasadyang masaktan siya.
Gwen : Axel please lang. Umalis ka na. At ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo. Oo! Niloko kita! Boyfriend ko si TOP! Mas magaling siya sa kama kaysa sayo! Ayan! Masaya ka na?! Kaya pwede ba layuan mo na kami?! Pakasalan mo na ang babaeng nabuntisan mo!
Ako : Syet Gwen! Hindi ko nga nabuntisan si Amy! Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?! Ang sabihin mo ginawa mo lang excuse iyon para hiwalayan ako dahil may iba kang lalaki!
Gwen : Oo! May iba akong lalaki! Kaya nga nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko na may nabuntisan kang babae! Pwede na kitang hiwalayan. Kaya umalis ka na! Hindi na kita mahal!
Pagkasabi noon ni Gwen ay pumasok na siya sa loob ng bahay niya at hinila papasok si TOP. Pilit kong kinakatok ang pinto niya upang pagbuksan ako subalit nanatiling bingi si Gwen.
Padausdos akong naupo sa labas ng pinto ng bahay ni Gwen. Hindi ko na din napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ang sakit sakit!
Gusto kong magalit subalit hindi ko alam kung kanino ba talaga ako dapat na magalit. Gulong gulo na ang isipan ko.
Naramdaman ko na lang na may taong nakatayo sa harapan ko. Pag-angat ko ng paningin ko ay mukha ni Hara ang nakita ko. Hindi siya nagsasalita. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Ano bang bago dun? Natural namang ganun ang mukha ni Hara.
Ako : Huwag mo muna akong sermunan ngayon pwede? Kotang kota na ako eh. Ang sakit sakit na.
Napayuko na lang ako upang itago ang muling pagtulo ng luha ko.
Hindi siya umimik. Akala ko nga ay umalis na siya. Mas mabuti na sigurong umalis na muna siya dahil hindi ko pa kayang makipag-usap ng matino sa tao ngayon. Baka kung ano na naman ang magawa ko.
Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Hara.
Hara : Tahan na. Uuwi na tayo.
Para akong batang inalo matapos makipag-away sa kalaro dahil inagawan ng candy. Sa yakap na iyon ni Hara ay pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi sa mundong tila pinagkaisahan ako.
***
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
