X - Three years

1.2K 38 28
                                        

Gwen,

Hindi ko akalain na sa paglipas ng tatlong taon ay muli kitang makikita. Hindi ko akalain na dun ka pa din nagtatrabaho sa kumpanya nila Daddy. Akala ko nagresign ka na. Kunsabagay, hindi ikaw yung tipo ng tao na basta bastang tumatalikod sa isang bagay. Hindi tulad ko.

Nabalitaan ko na si Kuya Yexel na ang nagpapatakbo ng kumpanyang pinapasukan mo. Good thing to know na hindi mo pa nadidiscover na kami ang may-ari ng pinapasukan mo. Ayoko din kasing malaman mo.

Kumusta ka na? Parang lalo ka yatang gumanda at saka sumexy ka na din. Dati kasi medyo chubby ka dahil sa mga baby fats mo. Pero ngayon sexy ka na.

Kumusta na din pala ang mga kaibigan mo? Baliw pa din ba si Maica? May sapi pa din ba si Hara?

Mahal mo pa rin ba ako?

-A.S.

***

YEXEL : Anong masamang hangin ang nagtaboy sayo dito?

Iyan ang naging bungad sakin mg Kuya ko. Hindi kami masyadong close ni Kuya Yexel dahil magmula ng maghiwalay ang mga magulang namin ay naghiwalay na din kaming dalawa. Hindi rin ako naging close sa kanya dahil karibal ang tingin ko sa kanya. Lagi na lang kasing siya ang magaling. Laging siya ang matalino. Pwes! Mas gwapo naman ako sa kanya at mas macho.

Pero dahil kapatid ko pa din naman siya ay wala akong magawa.

AKO : Kararating ko lang last week. Pinilit ako ni Mommy na puntahan ka dito. Dalawin mo daw siya sa bahay. Nalulungkot daw siya.

YEXEL : Si Mommy malulungkot? I doubt it. Kabikabila nga ang party na pinupuntahan niya.

Nagkibit balikat lang ako. Sinunod ko na ang bilin ng Nanay ko. Siguro naman isa na akong mabuting anak nun.

Nagpaalam na ako kay Kuya Yexel. Niyaya niya akong lumabas pero tumanggi ako. Ayokong maging awkward kami.

Nagmamadali akong lumabas ng opisina ni Kuya. Hindi ko yata maaatim na magpatagal pa doon. Nagulat ako paglabas ko ay nakasalubong ko si Gwen. Halatang nagulat din siya na makita ako. Hindi ako handa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ko ba haharapin si Gwen?

Dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ay binalingan ko na lang yung secretary ni Kuya Yexel at kinausap. Nakalimutan ko ang pangalan niya kasi iniisip ko si Gwen.

Wala pa rin siyang halos pinagbago. Maganda pa din siya. Paglingon ko ay wala na si Gwen. Imposible namang imahinasyon ko lang ang nakita ko kaya tinanong ko na din ang secretary ni kuya. Kinumpirma niya nga sakin na si Gwyneth Salazar ang nakita ko!

Napakaliit talaga ng mundo!

***

Dumiretso muna ako sa restroom para pakalmahin ang sarili ko. Paksyet naman kasi ang lakas ng tibok ng puso ko. Para akong nagpapalpitate! Tapos sumakit pa bigla ang tyan ko. Grabe ang epekto sakin ni Gwen.

Paglabas ko ay umaasa ako na makikita ko ulit si Gwen. Pero sabi ng guard ay nakauwi na daw siya. Mukhang hindi pa panahon para magkausap kami ulit.

***

Nakatanggap ako ng text mula kay Paul. Magkita daw kami sa isang bar sa Timog. Wala din naman na akong gagawin ay minabuti ko na ding makipagkita. Tatlong taon din kaming di nagkita ni Paul. Nakakamiss din kahit papaano yung lokong yun.

Pagdating ko sa bar na sinasabi ni Paul ay nagulat ako nang malaman kong si Hara pala ang may-ari nun.

AKO : Nice naman Hara! Big time ka na ah! Painom ka naman.

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon