DEAR DIARY:
Apat na araw nalang at magkikita na kami ni Axel. Excited na ako! Kinuwento ko na nga din si Axel kay Alyna. Nakakatawa nga kasi kilig na kilig yung bruha.
Nagkita ulit din pala kami ni Panda. Hindi ko alam pero mukhang parang naging instant friends kaming dalawa. Maybe because wala siyang ibang kilala dito sa Isabela or sadyang friendly lang talaga ako.
Ang sabi niya sakin ay nakausap na daw niya yung girlfriend niya at tinanong ito. Nung una daw ay nagdeny pa yung girlfriend niya hanggang sa umamin din. Ayun nakipagbreak na daw sya.
Grabe noh? Akala ko dati lalaki lang ang manloloko. May mga babae din pala talaga na malakas ang loob. Grabe sila!
Tinanong ko si Panda kung anong plano niya ngayon. Ang sabi niya since nakabakasyon siya ng isang buwan ay baka maglibot daw siya. Wala daw kasi siyang pamilya dito sa Pilipinas dahil nasa ibang bansa ang pamilya niya. Ayaw naman daw niyang bumalik na ng Canada.
Mabuti naman at natauhan din siya at nakipagbreak dun sa manlolokong girlfriend niya. Grabe talaga! Yung ganung kagwapong lalaki ay lolokohin lang niya? Eh di wow!
Tinanong niya ako kung ano daw ang plano ko sa Christmas. Sabi ko darating ang boyfriend ko. Biniro pa nga ako ni Panda na ipakilala si Axel sa kanya. Nung tanungin ko siya kung bakit sabi niya dahil daw friends kami.
Pag-iisipan ko kung ipapakilala ko siya kay Axel. Baka kasi iba ang isipin ni Axel kapag nalaman niyang nakikipagfriends ako sa lalaki.
Bahala na.
***
A/N:
On the way to Montalban Rizal. Maggagala muna si Authornim :)
-shinayawaara
![](https://img.wattpad.com/cover/46184832-288-k571577.jpg)
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.