# 66 Impossible Request

1.3K 34 13
                                        

DEAR DIARY:

Pagkatapos ng masaksihan ko sa bahay nila Axel ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa labas ng hotel na tinutuluyan ni Panda. Hindi ko alam kung bakit doon ako dinala ng mga paa ko.

Halatang nagulat naman si Panda nang makita ko.

PANDA : What brought you here Diyosa?

Bago pa man ako makapagsalita ay bigla nalang ulit tumulo ang luha ko. Naguguluhan man ay hinila ako papasok ni Panda sa loob ng kwarto niya.

PANDA : What happened Diyosa?

AKO : Si Axel....

Iyon lang ang nasabi ko at umiyak na naman ako. Ang sakit sakit kasi talaga.

Niyakap naman ako ni Panda.

PANDA : Hush Diyosa.  Don't cry. Alam mong masama sayo ang mastress.

AKO : Nakita ko kasi si Axel na may kahalikang ibang babae. Yung babaeng nabuntisan niya. Akala ko pa naman wala talaga silang relasyon pero niloko niya lang ako.

PANDA : That jerk! Hayaan mo na siya. He don't deserve someone like you.

AKO : Paano na ako ngayon TOP? Paano ako magsisimula ulit?

PANDA : Gwen. You're strong. You're brave enough to handle this kind of situation. You have your friends. You have me. Hindi ka namin iiwan.

AKO : Seryoso yun?

PANDA : Promise. Cross my heart and hope to die.

Tinitigan kong mabuti si Panda. Inaarok ko kung seryoso siya sa sinabi niya.

AKO : Kung talagang seryoso kang tulungan ako, ilayo mo ako dito.

Iyon ang sinabi ko kay Panda na halatang ikinagulat naman niya.

I'm desperate and depressed. Gusto kong magpakalayo at bukod tanging si Panda lang ang makakatulong sakin.

***

"Gaga ka ba?"

Iyan ang sinabi sakin ni Hara nang sabihin ko sa kanya ang sinabi ko kay Panda. Pagkagaling kasi sa hotel ni Panda ay sa bar ni Hara ako dumiretso.

HARA : Anong trip mo sa buhay te? Tama bang sabihin mo dun sa tao na ilayo ka? Boyfriend lang?

AKO : Hindi mo akp naiintindihan Hara. Iyon lang ang tanging paraan na alam ko para makalayo kay Axel.

HARA : At bakit dun sa lalaking iyon ka magpapatulong? You don't even know him that long.

AKO : I know pero alam ko at nararamdaman ko na mapagkakatiwalaan ko si TOP. Besides, kapag sa inyo ako nagpatulong ay matutuntong agad ako ni Axel.

Halatang hindi pa rin kumbinsido si Hara sa sinabi ko pero sadyang magulo lang talaga ang isip ko na.

HARA : Hindi pa rin ako kumbinsido sa balak mo and I totally disagree with it. Pero kung may isang bagay man akong sigurado, I feel that, that guy TOP can be trusted. Nararamdaman ko yun.

Kung may isang bagay din akong sigurado ay once na sinabi ni Hara na mapagkakatiwalaan ang isang tao ay 99% na totoo iyon. Kaya naman gumaan ang loob ko.

AKO : Pero Harabella huwag kang maingay ah. Sayo ko lang sinabi ang balak ko. Kahit kay Maica huwag mong sasabihin kasi baka biglang madulas iyon at masabi bigla kay Axel nang hindi niya sinasadya.

Panatag ang loob ko na magsabi kay Hara dahil kahit na ibitin mo mang patiwarik iyan ay hindi talaga iyan aamin. Ganun katigas ang ulo niyan.

HARA : Oo na. Basta bago ka umalis kakausapin ko muna iyang TOP na iyan.

AKO : Oo. Hinihintay ko pa din naman ang sagot ni TOP kung papayag ba siya.

HARA : Kung ako sa kanya hindi ako papayag. Ginawa mong takbuhan iyong tao at take note hindi lang simple ang hinihingi mo. Lalabas na parang nagtanan kayong dalawa kapag inilayo ka niya. Ay ewan naguguluhan ako sayo!

Alam ko naman na magulo talaga ang plano ko pero bahala na. Hihintayin ko pa ang sagot ni TOP pero sana pumayag siya.

***

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon