DEAR DIARY,
Medyo masakit ang ulo ko pagbangon ko kaninang umaga. Wala nga sana akong balak pumasok kaya lang tinawagan ako ng supervisor ko. Kailangan daw kumpleto kami ngayon dahil darating daw ang bago naming boss. Imagine hindi ko nga alam na may bago pala kaming boss! Ang sabi anak daw yun ng may-ari ng kumpanya.
Medyo bangag pa ako pero kailangan ko pumasok. Ayoko namang masabon ng walang banlawan ng supervisor ko. Nagtrycycle ako palabas ng village namin. Doon nalang ako mag-aabang ng taxi. Subalit mahigit 30 minutes na akong naghihintay ay wala pa ding akong taxi na masakyan. Palibhasa ay rush hour. Sakto naman na dininig yata ni Lord ang panalangin ko dahil may humintong taxi sa harapan ko na walang sakay. Bubwelo na sana ako para pumasok ng bigla akong singitan ng isang matangkad na lalaki. Six footer yata siya. Pakiramdam ko nanliit ako bigla. Well, maliit naman talaga ako. Flat 5" lang ako.
Lalaki: Sorry Miss nagmamadali lang ako.
Yun ang sinabi niya sakin at pumasok na ng loob ng taxi. Hindi ako halos nakapagsalita sa nangyari. Napakaungentleman ng hudyo! Hinding hindi ko kakalimutan ang mukha ng lalaking iyon! Sa susunod na makita ko siya mata niya lang ang walang latay!
Nakasakay din naman ako ng taxi. Iyon nga lang late ako halos ng 30 minutes. Nasermunan tuloy ako ng bisor ko. Gusto ko sana magexplain kaso lalo lang iinit ang ulo niya sakin. Magsisimula na sana akong magtrabaho nang sabihin sakin ng bisor ko na pinapatawag daw ako ng bago kong boss. Lahat daw ng late ay pinatawag. Nag-ikot na pala yun sa opisina namin kaso dahil late ako hindi ko siya naabutan.
Medyo kinakabahan ako pati na din yung iba ko pang mga kasama na late din. Atleast hindi ako nag-iisa. May karamay ako kapag sinermunan ako. Nagturuan pa nga kami kung sino ang kakatok samin hanggang sa huli ay ako ang naging taya. Dahan dahan akong kumatok. Nung narinig ko ang boses na pinapapasok na kami ay binuksan ko ang pinto.
Sabay sabay kaming bumati sa nakatalikod ko na boss. Hindi ko siya maaninag kasi ang taas ng upuan niya.
May kiming ngiti sa mga labi na inihanda ko ang sarili ko just to have one of the biggest surprise in my life dahil pagpihit paharap ng boss ko ay halos mapanganga ako!
Siya! Siya ang taong sinumpa ko na yata! Siya ang taong huling huli kong gugustuhing maging boss!
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Literatura FemininaAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.