DEAR DIARY:
Sa wakas natapos na din ang isang buwang pag-stay ko sa Isabela. Ang bilis lang talaga lumipas ng panahon. Nandito na nga ako sa airport at pabalik na ng Manila. Nakapagpaalam na din ako kina Alyna at Panda. Bago ako umalis ay ibinigay ko kay Panda ang cellphone number ko.
Sabi ni Panda ay baka hindi daw muna siya bumalik ng Canada. Tinatamad pa daw siya. Balak daw niyang libutin muna ang Pilipinas.
Eh di siya na ang maraming pera!
Nauna ng bumalik sa Manila sina Axel two weeks ago. Susunduin nalang daw niya ako sa airport pagbalik ko.
***
Isang malaking sorpresa ang sumalubong sakin sa NAIA airport pagdating ko ng Manila.
Wala si Axel. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Ano na naman kayang problema ng isang iyon?
Akala ko nga wala na akong sundo. Pasakay na sana ako ng taxi ng tawagin ako ni Hara. Kasama niya si DJ.
AKO : Oh? Bakit kayo ang nandito? Nasaan si Axel?
HARA : Sumakay ka na muna. Sa sasakyan ko na sasabihin.
Medyo kinabahan ako sa way ng pagsasalita ni Hara. Parang may something.
AKO : May problema ba?
Nagkatinginan muna yung dalawa. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
HARA : Gwen...ano kasi...si Axel.
Pagkarinig palang sa pangalan ni Axel ay tila mas lalo akong kinabahan.
AKO : Anong nangyari kay Axel?
HARA : Hindi ko talaga kayang sabihin. Mahal, ikaw na ang magsabi.
Si DJ naman ang binalingan ko. Nagtatanong ang mga mata.
DJ : Gwen huwag kang mabibigla ah. Pero kasi si Axel....
Pagkarinig ko sa sinabi ni DJ ay tila bigla akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ni hindi ko na nga nagawang isulat dito ang nalaman ko.
Hindi ko kaya.
***
A/N:
Ano nga kaya ang sinabi ni DJ? Abangan ang susunod na kabanata ng Walang Forever!
-shiaayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
