DEAR DIARY,
Tapos na din ang bakasyon ko. Grabe yun ah, tatlong entry agad ang sinakop niya dito sa journal ko. Medyo nakakatamad pumasok sa office pero inisip ko nalang na makikita ko si Sir Yexel kaya ginanahan na din ako pumasok.
Pagpasok ko ay nagkasalubong kami sa hallway. May kausap siya sa cellphone pero nung nakita niya ako ay nginitian niya ako.
Okay na. Kumpleto na araw ko!
Medyo madaming work loads na dapat gawin pero keri ko naman. Then nung lunch break nagulat ako nung may natanggap akong text message galing kay Sir Yexel.
Papalicious : Kumain ka na ba?
Yes my dear diary! Ayan talaga ang sinave ko na name sa number ni Sir Yexel.
Pasimple naman akong napangiti sa tanong niya. Agad akong nagtype ng message bilang reply.
Me : Hindi pa. Katapos ko lang gawin yung report.
Sending message....
Habang hinihintay ko na magsend ang reply ko ay mabilis akong naglagay ng powder sa mukha ko. Mukha na kasi akong nagmamantika.
Check operator services.
Powtek! Sa dami naman ng pagkakataon na makakalimutan kong magpaload ay bakit ngayon pa?! Hindi naman kasi ako mahilig na magtext kaya hindi ako madalas magpaload pero nakakainis naman!
Mayamaya ay muling tumunog ang cellphone ko.
Papalicious : Gusto mo akong samahan?
Hay naku! Ano ba namang buhay ito. Hindi tuloy ako makapagreply sa kanya. Kainis!
Papalicious : Busy ka? Lunch break na ah.
Kung alam mo lang na wala lang akong load kaya hindi kita mareplyan.
Balak ko na sanang isumpa ang sarili ko sa pagiging kuripot ko nang bigla nalang tumunog ang cellphone ko.
Tumatawag si Papalicious! Agad ko naman itong sinagot.
AKO : Hello Sir.
YEXEL : Busy ka?
AKO : Hindi naman po. Sorry hindi ako makareply. Wala akong load eh.
Narinig kong tumawa si Sir Yexel sa kabilang linya.
YEXEL : I see. Akala ko galit ka na sakin kaya hindi mo ako nirereplyan.
AKO : Naku Sir hindi ako galit sa inyo.
YEXEL : That's good to hear. Kumain ka na ba?
AKO : Hindi pa po.
YEXEL : Come on. Let's eat.
AKO : Ha? Tayong dalawa lang?
YEXEL : Oo. Ayaw mo ba? May bagong bukas na resto malapit dito. Try natin. Eat all you can yun.
AKO : Eat all you can talaga? Anong tingin mo sakin matakaw?
YEXEL : Hindi naman. Malakas ka lang kumain.
AKO : Ganun din yun eh!
YEXEL : Joke lang. Tara na. Hintayin kita sa lobby.
AKO : Sa parking lot na lang tayo magkita. Huwag na sa lobby. Mamaya may makakita pa sa atin ay maissue pa tayo.
YEXEL : Ikaw bahala. Sige I'll see you there.
Nagmamadali akong nagsuklay ng buhok at naglagay ng pabango sa pulse point ko. Nang makuntento ay bumaba na ako sa parking lot kung saan naghihintay si Sir Yexel.
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.