DEAR DIARY:
Yohoo! Happy 50th entry sayo. Biruin mo tumagal tayo ng ganito?! Thank you sa walang sawang pakikinig sa mga drama ko sa buhay!
Alam mo ba kinausap ako nung lalaki kagabi. Hindi na lang kita nabalikan agad kasi inantok na din ako. Nung una nga akala ko hindi ako yung kinakausap niya. Pero kasi kami lang naman ang tao dun sa rooftop. Not unless may nakikita siya na hindi ko nakikita diba?
Anyways, hindi niya sinabi sakin ang pangalan niya. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya ang pangalan ko. May pamystery effect pa kaming nalalaman diba? Okay lang yun. Pareho lang naman kaming strangers sa bawat isa. Saka sabihin man niya sakin ang pangalan niya hindi rin ako sigurado kung iyon ba talaga ang tunay niyang pangalan. Baka alias lang niya iyon. Ang sabi niya sakin tawagin ko nalang daw siyang Panda. Hindi ko alam kung bakit. Basta iyon ang sabihin niya. Papakialaman ko pa ba? Ang sabi ko naman sa kanya tawagin niya nalang akong Diyosa! Oh! Walang basagan ng trip! Huwag ka ng umangal.
Nakita kong medyo umiiyak si Panda. First time kong nakakita ng lalaking umiiyak. Akala ko noon panget tignan kapag umiyak ang lalaki pero nung nakita ko siyang umiiyak bakit ang gwapo pa din niya? Nasaan ang hustisya dun? Samantalang ako ang panget ko umiyak. Unfair!
Anyway, nagkwento siya sakin. Ang sabi niya kaya daw siya nagpunta sa Isabela ay para isurprise sana ang girlfriend niya. Isang taon na din daw kasi silang di nagkikita mula nung umuwi ang girlfriend niya dito. Galing pa pala siyang Canada. Doon sila nagtatrabaho ng girlfriend niya. Tapos one year ago ay umuwi ng Pilipinas ang girlfriend niya dahil namatay daw ang tatay nun. Nagresign na din daw sa trabaho yung girlfriend niya dahil kailangan daw siya ng nanay niya. Pero lagi naman daw silang nag-uusap dalawa. Kaya ayun nga namiss niya daw ang girlfriend niya kaya nag-leave siya sa work ng isang buwan para makasama ito. Ang kaso imbes na ang girlfriend niya daw ang masurprise ay siya itong nasurprise dahil pagpunta niya daw sa bahay nung girlfriend niya ay ang tatay nito ang sumalubong sa kanya. Yung tatay na buong akala niya ay patay na. Akala pa nga daw niya minumulto na siya. Hindi pala siya kilala nung tatay nung girlfriend niya dahil never niya pang nameet ang family nito. Nung hinanap niya daw yung girlfriend niya ang sabi nung tatay daw ay nasa Maynila na daw ito nakatira kasama ang asawa nito. Bagong kasal lang daw ito apat na buwan ang nakalipas. Nabuntisan daw kasi.
Sobrang sakit daw ng naramdaman niya. Feeling daw niya ay pinagtakluban siya ng langit at lupa. Sabagay kung ako man din ang nasa sitwasyon niya baka mas masahol pa sa pag-iyak ang ginawa ko.
Hindi ko alam kung bakit nagawa niyang mag-open sakin kahit na hindi naman kami close. Siguro sobrang bigat lang talaga ng nararamdaman niya at ako ang available na taong nakita niya. Naawa naman ako tuloy sa kanya. Sabi ko nalang ay makakahanap din siya ng ibang babaeng deserving para sa kanya.
Sana maging okay na si Panda. Gwapo naman siya. For sure makakamove on yun agad.
***
Kinuwento ko kay Axel yung naging pag-uusap namin ni Panda. Mula dun sa aksidente sa eroplano ay sinabi ko sa kanya. Ayoko namang maglihim kay Axel. Baka mamaya pagmulan pa ng away namin. Ang sabi lang niya sakin ay may tiwala naman siya sakin at naiintindihan naman daw niya. Tinanong din pala niya ako kung gwapo si Panda. Sabi ko mas gwapo pa din siya at mahal ko siya. Ayun. Mukhang kuntento naman siya sa sagot ko.
Hay! Naaawa talaga ako kay Panda! Kumusta na kaya yun ngayon? Hindi naman kaya bigla nalang yun magpakamatay sa sobrang deppresion? Naku po! Huwag naman sana! Ang daming babae sa mundo. Huwag siyang magpakabaliw sa babaeng hindi naman siya pinahahalagahan.
Sana maging okay na si Panda.
***
A/N:
Naaadik ako ngayon sa Bigbang. Yung Panda ay nakuha ko na nickname nila kay Seungri hehe! Ang kyut lang hehe!
-shinaywaara

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.