# 54 Painting

1.2K 34 11
                                    

DEAR DIARY:

Two days before Christmas.

Naiinis ako kay Axel. Hindi ko nga sinasagot ang mga tawag niya. Nakakabwisit siya! Pagbuhulin ko sila ng kapatid niya eh!

Naabutan ko sa rooftop si Panda. Hindi niya ako napansin kasi busy siya.

AKO : Anong ginagawa mo?

PANDA : Hello there Diyosa. I'm painting. The view here is nice.

AKO : Marunong ka magpaint?

PANDA : Yup. Graduated ako ng Fine Arts. Just a hobby.

AKO : Wow! Ako pangarap ko din iyan kaso walang hilig ang arts sakin.

PANDA : Different persons, different talent.

AKO : Ganda lang ang meron ako.

Tinawanan ako bigla nung kumag. Sama ng ugali.

AKO : Nagpepaint ka din ba ng tao?

PANDA : Yeah. Sometimes.

AKO : Nude painting?

PANDA : You want?

AKO : Loko ka! May boyfriend na ako noh!

PANDA : So? Hindi naman kita aagawin sa boyfriend mo. For the record, you're not my type.

AKO : Wow! Ang yabang ah. Hindi rin naman kita type noh!

PANDA : Just kidding! Bakit nga pala mukha kang badtrip?

AKO : Yung boyfriend ko kasi hindi daw makakapunta dito sa Christmas at New Year. Umasa asa pa naman ako tapos nganga lang pala.

PANDA : What's nganga?

AKO : Hay naku basta yun na yun! Mahirap magexplain.

PANDA : Cheer up Diyosa! You want me to paint you?

Tinignan ko siya ng masama.

PANDA : Just your face.

Ahh...mabuti na ang malinaw.

AKO : Sige. Galingan mo ah. Dapat maganda ako dyan.

***

After ilang minutes ay natapos din siyang i-paint ako. Infairness ang galing niya. Ang bilis at linis niya gumawa.

AKO : Pwede ko bang hingin ito?

PANDA : May bayad.

AKO : Ay grabe siya! Magkano? Huwag mahal ah. Purita lang ako.

PANDA : Spend your Christmas and New Year with me. Tutal your boyfriend will not come naman.

AKO : Hoy Panda hindi ako ganyang klase ng babae. Hindi ako babaeng mababa ang lipad ah!

PANDA : Huh? What are you saying?

AKO : Ikaw! You want me to spend the Christmas and New Year with you.

PANDA : Yeah. Samahan mo lang ako mamasyal. What are you thinking?

Fine! Madumi nga yata talaga ang isip ko. Kinuha ko ang painting sa kanya at tumayo.

AKO : Okay! Deal!

Hah! Akala ni Axel malulungkot ako na hindi ko siya kasama?! Pwes nagkakamali siya!

***

A/N:

Tsk tsk tsk! Grabe ka Gwen. Pakisabi na din kay Panda i-paint niya din ako.

-shinayawaara

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon