DEAR DIARY,
Pinatawag ako ng bago kong boss. Hindi ko alam kung ano ang trip niya at bigla niya akong pinatawag. Hindi naman ako late.
AKO : Sir pinapatawag niyo daw po ako? (Hindi ako ngumingiti para kunwari seryoso at kagalang galang ako)
YEXEL : Yes. Have a seat please.
Umupo ako sa upuan sa harap ng malaking table niya. Ang seryoso naman masyado ng mukha nitong boss ko. Gwapo sana kaso ang mahal ng ngiti.
#GwapoAlertBAklaOBabaero?
AKO : Sir, uunahan ko na po kayo. Hindi po ako late ngayon.
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Siguro kasi alam ko na ayaw ng bago kong boss ang late.
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko? Nag-eexplain lang naman ako.
YEXEL : Wala naman akong sinabing late ka.
AKO : Wala nga po. Inuunahan ko lang kayo kasi baka po isipin nyo na late ako.
YEXEL : No. Hindi ako ganun kababaw na tao.
So anong gusto niyang palabasin niyan? Mababaw akong tao sa pag-iisip ng ganung bagay? Nakakaimbyerna siya ah!
AKO : Eh Sir bakit niyo nga po pala ako pinatawag?
YEXEL : Actually, I just wanted to say sorry. Sorry kung naagawan kita ng taxi the last time.
Holy cowcow! Naaalala niya pa pala iyon?! So ibig sabihin nakilala niya ako at natandaan?
AKO : Natatandaan niyo po ako Sir?
YEXEL : Of course. Hindi naman ako ganun katanda para makalimot agad. Actually last week ko pa nga sana gustong humingi ng sorry sa iyo kaso naging busy lang ako since bago pa lang ako dito sa posisyon ko. I'm sorry. What should I call you? Miss Salazar or Gwyneth?
Pati ba naman ang kung ano ang itatawag niya sakin kailangan ko pang problemahin?
AKO : Kayo po ang bahala Sir.
YEXEL : Masyadong pormal ang Miss Salazar. Wala ka bang nickname?
AKO : Gwen po.
YEXEL : Okay. GWEN it is. Again, I'm sorry. First time lang nangyari sa akin iyon kaya hindi ko makalimutan. I feel so ungentleman at that time pero sobrang nagmamadali na lang talaga ako nun.
AKO : Ang yaman yaman mo Sir pero hindi ka makabili ng sarili mong sasakyan at kailangan mo pa mang-agaw ng taxi ng may taxi.
Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang sumapi sa akin para sagutin ko ang big boss ko ng ganun. Kung minsan talaga kinukulang ako ng hangin sa utak. Mamaya magulat na lang ako na may memo for insubordination na ako nito paglabas ko palang ng opisina niya.
YEXEL : First, I have a car. Ang kaso nasiraan ako malapit dun sa area kung saan tayo nagkita. I don't know how to fix car so I called the towing company to fix my car. Sobrang nagmamadali na ako para maghintay pa na maayos yun. Second, it's not your taxi. Not unless you are the driver or operator of that taxi wala kang karapatan na sabihin na nang-agaw ako ng taxi ng may taxi.
Talking about ungentleman and nakakaimbyerna! Ganyang ganyan talaga siya! Sino ba naman ang hindi maiinis niyan? Nagsosorry daw siya pero kung makapanlait wagas na wagas. Napakaseryoso pa ng mukha niya habang sinasabi niya yan kaya pakiramdam ko eh hiyang hiya na ako. Feeling ko ang bobo ko para sa kanya. Nakakainis siya!
AKO : Tama ka Sir na hindi ko nga po taxi yun but it is very unethical and ungentleman na mang-agaw ng taxi at maningit sa pila. I was there first. Almost kalahating oras ako naghihintay ng taxi dahil ayokong malate pagkatapos bigla mo nalang akong sisingitan dahilan para malate ako na ikaw din naman ang dahilan.
Fine! Nakapagtaray na ako. Hindi na talaga ako magtataka kung madadagdagan ang atraso at nakapending "Memos" ko dahil sa pagsagot ko ng pabalang sa kanya.
YEXEL : That is why I said I am sorry.
Saan ka naman nakakita na nagsosorry pero nakasimangot ang mukha?
AKO : Okay lang po yun Sir. Boss ko kayo kaya dapat sumunod ako sayo. Kung trip niyo akong agawan ng taxi sa susunod ay tatanggapin ko. Sanay naman na ako na inaagawan.
Okay fine Gwen! Magdrama ka dyan. Pairalin mo ang kabitteran mo sa buhay. Subukan mo kayang tignan ang hitsura ng boss mo habang sinasabi mo iyan sa kanya.
Nakakunot ang noo ni Sir Yexel. Kung seryoso ang mukha niya mas mukha siyang seryoso ngayon dahil napakawalang sense yata para sa kanya ang mga sinabi ko.
YEXEL : Look here Ms. Gwen, I don't know and I don't care about your personal issues in life. I already said I'm sorry so you can get out of my office now and return to your workplace.
Grabe! Ganun ganun lang niya ako itrato! Porket ba Boss siya kung makapag utos siya ay animo Hari?! Nakakaimbyerna talaga siya.
Tumayo na ako at naglakad na malapit sa pintuan. Subalit bago ako lumabas ay lumingon pa ako kay Sir Yexel.
AKO : Just a piece of advice Sir, kung magsosorry po kayo, try niyo ngumiti para naman malaman na sincere kayo sa pagsososrry niyo. Hindi po yung magsosorry nga kayo pero parang kayo pa ang may galit.
Pagkasabi ko nun ay lumabas na ako ng opisina niya. Hindi na ako lumingon dahil sobrang naiinis na ako. Wala na akong pakialam kung bukas na bukas din ay may MEMO for insubordination na ako.
I don't care! Dahil bukas na bukas din ay magreresign na ako! Ayoko maging boss si Sir Yexel!
Kaya goodbye Sir!
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
