# 17 Happy Birthday To Us

3.2K 78 34
                                    

DEAR DIARY,

Batiin mo ako journal, birthday ko ngayon. Nadagdagan na naman ang edad ko. Ilang tumbling na lang at mawawala na ang edad ko sa kalendaryo.

Nagulat ako kanina pagpasok ko sa office. Ang daming pagkain na dumarating. Akala mo may fiesta eh. Nagtaka naman ako kasi wala naman akong pinapadeliver na pagkain. Sobrang galante naman yata ng mga kaopisina ko kung pinaghanda pa talaga nila ako.

Pagpasok ko sa loob ng pantry namin wala man lang pumansin sakin? Inihanda ko pa naman ang sarili ko sa sabay sabay nilang pagsasabi ng "Surprise" o di kaya naman ang wala sa tono nilang pagkanta ng "Happy Birthday to you". Pero wala talaga?!

OPIZMATE 1 : Uy Gwen buti nandyan ka na. Tignan mo oh ang daming pagkain.

OPIZMATE 2 : Busog na naman ang mga alaga ko nito sa tyan.

So ganun na lang yun? Wala man lang nakaalala sa kanila na birthday ko pala ngayon?!

AKO : Anong meron? Bakit madaming foods?

OPIZMATE 1 : Nagpakain si Sir Yexel. Ang galante talaga ng bago nating boss. Sana siya din pwede kong kainin.

Mukhang tanga itong dalawa kong opizmate kasi kilig na kilig ba naman kay Sir Yexel.

Teka! Nagpakain si Sir Yexel? Bakit? Alam niya ba na birthday ko ngayon?

Bilang sagot ay bigla naman pumasok si Sir Yexel sa loob ng pantry namin. Ang mga kasamahan ko sa trabaho ay bigla ba namang nagkantahan ng "Happy birthday to you...happy birthday to you...happy birthday...happy birthday....happy birthday to you!"

SIR YEXEL : Thank you everyone. Enjoy the food.

Holy syet na malufeeet! What's happening here?!

Kinalabit ko ang isa kong opizmate.

AKO : Sinong may birthday?

OPIZMATE 2 : Si Sir Yexel. Birthday niya ngayon. Hindi mo ba alam?

Aba malay ko bang birthday niya ngayon?! Basta ang alam ko birthday ko ngayon!

Sayang naman ang libreng pagkain. Nakikain na lang din ako. Inisip ko na lang handa ko ito. Oh diba tipid. Hindi ko na kailangang magpakain sa mga kaopisina ko. Ginawa na yun ni Sir Yexel para sakin.

***

Nung uwian na ay nakita ko si Sir Yexel na pasakay ng kotse niya. Agad ko siyang hinabol at tinawag.

SIR YEXEL : Yes Ms. Gwen?

AKO : Sir, gusto ko lang po batiin ka ng happy birthday.

SIR YEXEL : Thank you.

AKO : And gusto ko lang din po magthank you sa nangyari kahapon.

SIR YEXEL : No problem.

Bigla na lang kami tumahimik dalawa ni Sir Yexel. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla ko nalang siya niyaya na sumama sakin sa bar ni Hara. Doon kasi ang celebration namin ng mga kaibigan ko.

AKO : Kung gusto mo lang naman Sir at kung wala kang ibang lakad. Birthday ko din po kasi ngayon at magcecelebrate kami ng mga kaibigan ko.

SIR YEXEL : Really? Pareho tayo ng birthday pala. Happy birthday to you too. Pero hindi ba nakakahiya kung sumama ako sayo samantalang kasama mo ang mga kaibigan mo?

AKO : Naku Sir okay lang yun. Gusto ka din namang makilala ng mga kaibigan ko. Naikwento kasi kita sa kanila.

Huli na para bawiin ko ang sinabi ko. Me and my stupid big mouth. Nakita kong napangiti si Sir Yexel. Ayos! Lusot!

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon