DEAR DIARY,
So ayun nga. Sinabi ko kay Yexel ang mga ten facts about me which is:
1) Takot ako sa ipis!
2) First love ko si Channing Tatum
3) Favorite color ko ay red
4) Mababaw ang luha ko kapag nanoood ako ng mga sad movies
5) Bata palang ako ay naulila na ako sa magulang at ang parents ni Harley na ang kumupkop sakin
6) Madalas akong magcutting class nung highschool
7) Varsity player ako ng volleyball nung college
8) Kapag malungkot ako mas gusto kong mag-isa para makapag-isip isip.
9) Mahilig akong kumain ng chocolates or any sweets lalo na kapag stress.
10) Gusto ko ang mga lalaking kahit hindi gwapo basta napapatawa ako.
Ang sagot naman ni Yexel sa Ten Facts niya ay:
1) Dalawa pa lang ang nagiging girlfriend niya.
2) Graduate siya ng Business Management sa UP at may MBA degree siya sa Harvard.
3) Blue ang favorite color niya.
4) Basketball ang favorite sport niya at varsity player siya nung highschool.
5) Si DJ ang nag-iisang kaibigan niya na tumagal. Kadalasan daw kasi ay nakakaaway niya ang nagiging kaibigan niya dahil sa babae. Bukod tanging si DJ lang ang hindi niya nakaaway.
6) Hindi sila masyadong close ng mommy niya dahil sa daddy niya siya lumaki.
7) Madalas daw silang mag-away ni Axel nung mga bata sila dahil matigas daw ang ulo ni Axel at pasaway.
8) Japanese food ang favorite niyang cuisine.
9) Mahilig daw siyang magluto lalo na kapag hindi siya busy at nasa bahay lang siya.
10) Gusto niya daw ako!
Oy! Hindi ko inimbento ang huling sagot ni Yexel ah. Talagang sinabi niya iyan.
Ang bibigat naman ng mga facts about him. Waley na waley ang sagot ko. Pero okay lang yun, happy naman ako kasi may mga bagay akong nalaman tungkol kay Yexel.
***

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.