<Yexel Sebastian>
"Best wishes" nakangiting bati ko kay Gwen pagpasok ko sa hotel room na tinuluyan niya.
Today is her wedding day. Napakaganda niya. Siya na yata ang pinakamagandang bride na nakita ko.
"Thank you" nakangiting ganti niya sa akin sa salamin.
Sinadya ko talagang daanan muna siya sa kwarto niya at naabutan ko nga na inaayusan siya ng hair stylist.
"Nagkita na kayo ni Axel?" Tanong niya sakin.
"Yeah. Katatapos nga lang ng picture taking niya."
Ako ang kinuha nilang bestman sa labis na pagtataka ko. Hindi ko akalain na magiging parte ako ng entourage nila.
"You are my only brother. Sino pa ba sa tingin mo ang dapat na maging bestman ko?"
Ang sabi sa akin ni Axel nang sabihin niya sakin na ako ang magiging bestman niya.
Honestly, pakiramdam ko ay tumaba ang puso ko.
"You're so beautiful Gwen" puri ko sa kanya.
"Thank you. Ikaw din. Sobrang gwapo mo. Kumusta ka naman pala? Okay lang ba ang suit mo?"
"Yes. I'm fine. Sige maiwan na kita. Pupuntahan ko muna si Axel baka may kailangan pa siya" paalam ko pero bago ako tuluyang lumabas ng room ay muli akong lumingon sa kanya. "Welcome to the family Gwen"
"Thank you Yexel"
Napabuntong-hininga na lang ako nang makalabas ng kwarto.
Now I know. The bestman may be the "Best Man" but the bride will always be for the groom.
Life sucks!
***
I was looking at the movies that are showing today. Wala kasi akong magawa sa bahay at naisipan kong manood ng sine. Matagal na rin naman mula noong manood ako ng sine.
Nag-iisip ako ng magandang panoorin nang makarinig ako ng pagtatalo malapit sa akin.
"Ano pa bang hindi malinaw sayo ha? Break na tayo. Kaya pwede ba tigilan mo na ako. Tigilan mo na ang kakasunod mo sakin." Mataas ang boses na sabi ng babae.
"Hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabalik sa akin Caji!" Sagot naman nung lalaki.
Mukhang may pagtatalong nagaganap sa pagitan ng dalawa. Hindi ko na lang sila pinansin. But I wish na hindi sila masyadong maingay dahil hindi ako makapili ng panonoorin.
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
