DEAR DIARY,
So far, so good. Hindi pa naman kami nagtatagpo ng landas ulit ng bago kong boss. Masyado siyang busy para pagtuunan ng pansin ang simpleng staff na kagaya ko. Okay na din iyon na hindi niya ako napapansin. As if naman na natatandaan niya pa ako. Napakadaling kalimutan ang isang tulad ko. #HugotNaNaman
Birthday ni Maica ngayon. Isa sa mga kaibigan namin ni Hara. Medyo may saltik din iyang si Maica. Pero nakakainggit lang din minsan kasi ang daming boys na nagkakagusto sa kanya. Samantalang ako hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang forever ko. #WalangForever
Lalo akong nainggit kay Maica nung nalaman namin na hinalikan siya nung isa sa myembro ng pinakasikat na banda ngayon sa Pilipinas. Gusto ko na sanang gupitin ang mahabang buhok niya na kasing haba yata ng EDSA. Well, yung inggit ko naman kay Maica walang halong galit or insecurities. Naiinggit lang ako sa lovelife niyang bonggang bongga! Samantalang ako heto zero! Bokya!
MAICA : Huwag ka kasing atat masyado. Darating din si Mr. Right mo. Chillax ka lang.
Oh di ba ang yabang? Sige! Siya na! Siya na ang may lovelife. Ako na ang wala! Ako na ang mag-isa! #HugotNiTeresaMadlangsakay
Naisip ko lang Journal, hindi ko naman ginusto na maging single forever. Syempre gusto ko din namang magkaroon ng jowa. Tatlong taon na din mula nung huli akong makaranas ng pagmamahal mula sa isang lalaki. Hindi ko na nga yata alam kung ano ba ang pakiramdam ng inlove. Pero kung minsan namimiss ko din. Yung pakiramdam na sa umaga may magtetext sayo ng "goodmorning" tapos sa gabi may mag-go "goodnight" sayo. May magsasabi ng "ingat ka" at may magtatanong kung "kumain ka na ba?". Pero ang higit sa lahat, namimiss ko yung magsasabi sayo ng "iloveyou". Ngunit sabi ko nga sadyang pinagtripan ako ni tadhana. Dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin ibinibigay sakin ang magiging forever ko!
Nagkita nga pala kami ni Axel ulit. Invited siya sa birthday ni Maica. Bwisit nga itong mga kaibigan ko dahil inaasar nila kaming dalawa ni Axel. Tinatanong kung kelan daw ba kami magkakabalikan o kung mahal pa daw ba ako ni Axel. Mga baliw ba sila? Sa tingin niyo ba kung mahal pa ako ni Axel bakit niya ako iiwan? Kung mahal pa niya ako eh di sana hindi kami naghiwalay. HINDI NIYA NA AKO MAHAL! #Hugot
Yun ang malinaw na sagot dun. Pero yung loko, tatawa tawa lang. Hindi niya sinagot ang mga tanong ng mga kaibigan ko. So anong gusto niyang palabasin niyan?!

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.