Gwen,
Please naman kausapin mo ako. Please naman hayaan mo akong magpaliwanag. Walang nangyari sa amin ni Amy. Hindi ako ang tatay ng anak niya. Ikaw lang Gwen. Ikaw lang ang babaeng mahal ko. Ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko. Ikaw lang ang gusto kong maging ina ng magiging anak ko.
Ikaw lang Gwen. Kaya sana naman paniwalaan mo ako.
Please lang makinig ka sana sakin.
-A.S.
***
Ilang beses kong tinangkang kausapin si Gwen subalit hindi niya ako kinakausap. Nakarating na sa kanya ang balita tungkol sa amin ni Amy. Hindi ko nga siya nagawang sunduin noon sa airport nung araw ng balik niya sa Manila dahil isinugod namin sa ospital si Daddy. Inatake kasi siya sa puso dahil galit na galit ang Daddy ni Amy at inaway si Daddy. Nagbanta ito na ipu-pull-out ang lahat ng shares nito sa kumpanya namin. Mukhang hindi nakayanan ni Daddy ang stress kaya siya inatake.
Naguilty naman ako dahil alam kong ako ang may kasalanan sa nangyari kaya hindi ko magawang iwan si Mommy sa ospital sa pagbabantay kay Daddy. Pinakiusapan ko na lang si Hara na siya na ang sumundo kay Gwen.
At mukha ngang hindi lang pagsundo kay Gwen ang ginawa ni Hara. Sinabi na din niya ang tungkol kay Amy dahil hanggang ngayon nga ay hindi ako kinakausap ni Gwen.
***
Nakatanggap ako ng text mula kay Hara na nasa bar daw niya ngayon si Gwen. Napilit daw nila itong lumabas ng bahay. Agad naman akong nagmaneho papunta sa bar upang makita at makausap si Gwen. Gusto kong mag-explain sa kanya.
Masama ang tinging ibinigay ni Gwen sa mga kaibigan niya pagkakita niya sa akin sa bar. Hindi niya marahil inaasahan ang pagsulpot ko.
MAICA : Mag-usap muna kayo. Gwen, pakinggan mo muna si Axel sa sasabihin niya.
HARA : Huwag kang mag-alala Gwen, kapag tapos niyong mag-usap ay nakahanda na ang nga bouncer ko na bugbugin si Axel.
Pagkatapos ay iniwan na nila kaming dalawa ni Gwen.
Nilapitan ko si Gwen at tinangka kong hawakan ang kamay niya subalit umiwas siya at humakbang palayo sa akin.
Gwen : Kapag lumapit ka pa sakin ay ihahampas ko itong bote sa ulo mo!
Wala naman akong nagawa kundi ang bumuntong hininga.
Ako : Gwen, paniwalaan mo sana ako. Walang nangyari samin ni Amy.
Gwen : Huwag mo na akong lokohin pa Axel. May mga ebidensya na nagsasabing may nangyari sa inyo. Paano mo ipapaliwanag iyon?! Nakakasuka ka! Nakakadiri ka!
Ako : Hindi totoo ang mga pictures na iyon Gwen. Oo aaminin ko na magkasama nga kami ni Amy noon pero walang nangyari samin.
Gwen : Bakit kayo magkasama noon on the first place?
Ako : It was a party organized by my parents. Iyon yung time na hindi kita napuntahan sa Isabela. Amy's family was invited too. Sa hotel na pag-aari ng pamilya nila ginanap yung party. Nagkita lang kami doon. Hindi ko nga alam kung ano nang nagyari. Nagising na lang ako na nasa hotel room na ako. I was drunk I guess pero alam ko kung may nagalaw akong babae o wala. Besides, Amy was not even there nung magising ako.
Mukhang hindi pa rin niya ako pinaniniwalaan kaya nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag.
Ako : Nung bumalik ako galing Isabela nagpunta si Amy sa bahay and claiming na nabuntis ko nga siya but that's not even possible. Hindi ko siya pinaniniwalaan but she threaten us na kapag hindi ko siya pinanagutan ay ikakalat niya ang mga larawan naming dalawa. But I swear na hindi ako iyon!
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
