<Thomas O'brien Perez>
They said that a woman getting married is the most beautiful girl on her wedding day. Tila ba naging golden rule na iyon ng mga kababaihan. Kailangan ang bride ang pinakamaganda sa lahat.
I admit that Gwen is really beautiful. Kahit na tatlong buwan pa lang ang nakakalipas mula ng maipanganak nito si Baby Zeke ay napakaganda pa rin nito. Mabilis na bumalik kasi sa dati ang katawan ni Gwen. Hindi siya masyadong tumaba di tulad ng ibang nagbubuntis.
Masaya ako para kina Gwen at Axel na natagpuan na nila ang kanilang happy ever after but at the same time hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.
Gusto ko na rin naman ang magkaroon ng pamilya. Gusto ko na rin namang makakita ng babaeng mamahalin at makakasama ko habang buhay.
After the reception ay umalis na din ako agad subalit hindi muna ako umuwi ng bahay. Sa isang bar sa Quezon City ako dumiretso.
Medyo maraming tao. Palibhasa ay weekend at happy hour.
"Hello there handsome" may mapang-akit na ngiti ang ibinigay sa akin ng isang babaeng tumabi sa akin sa bar.
"Hi" tipid na bati ko. Wala ako sa mood na makipag-flirt.
"Mind if I keep you company?" She said as she slowly run her fingers to my thighs.
"Sorry. I prefer to be alone"
Halatang naasar ang babae sa hantarang pagtanggi ko.
"Hmpft! Akala mo kung sinong gwapo" asar na sabi nito at inirapan pa ako bago tuluyang umalis.
"Girls"
Napailing na lang ako bago muling umorder ng alak.
I don't have time to mingle with everyone especially girls.
My ex-fiancee just broke my heart, the closest girl I have is already married and the girl that I have a crush on, may boyfriend naman.
I know na gwapo ako pero bakit parang ang malas ko naman yata sa pag-ibig?
"Waiter, alak nga. Yung nakakalasing ah! Yung matapang. Yung kaya akong ipaglaban!" Sabi ng babaeng biglang tumabi sa akin sa harap ng bar counter.
Dahil sa narinig kong sinabi niya ay napatingin ako sa kanya.
"What?!" Singhal niya sa akin.
"Nothing" kibit balikat na sabi ko at iniwas na ang paningin sa kanya.
"Your drink Ma'am" sabi ng bartender at inilapag sa harap ng babae ang isang baso ng alak.
"Matapang ba ito?" Muling tanong nung babae.
"Hard po iyan Ma'am. Best seller namin"
Hindi ko na narinig na sumagot ang babae. Napansin ko na lang sa sulok ng mata ko na ininom na niya ang alak na binigay ng bartender.
"Yuck! Ang pait naman nito. Kasing pait ng love life ko."
Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan na bigyan ng atensyon ang babaeng katabi ko. Maybe because she reminds me of someone base on the way she talks. Para siyang si Gwen. Hindi ko nga lang maaninag masyado ang mukha niya dahil medyo dim ang ilaw sa bar.
Hay naku! Naglalasing nga ako dahil kasal ni Gwen ngayon pero heto at iniisip ko rin naman siya.
Muling ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa babaeng katabi ko. Napatingin ako sa katawan niya. She's wearing a black dress na hapit sa katawan at hanggang gitna ng hita ang haba. Medyo nakikita ko ang legs niya dahil nakaupo siya. Kahit na madilim ang lugar ay napansin ko na maputi ang babae.
Well, one of my weakness.
"Problema mo? Kanina ka pa tingin ng tingin ah?!" Muling sita nito sa akin.
I know that I don't want to interact with anyone today but I can't help myself with this girl. Para bang she has something that makes me want to look and know her more.
Parang may magnet na naghihila sa akin na kausapin ang babaeng balak makipag-away sa bartender o sa kung sino mang makausap nito at naghahanap ng alak na kaya siyang ipaglaban.
Funny girl!
"Why are you alone in a place like this?" Hindi mapigilang tanong ko.
"Bakit? Nakasaad ba sa Philippine Constitution na kailangan by group kapag iinom?" Pagtataray niya sakin. "Saka pwede ba, hindi tayo friends kaya huwag kang tanong ng tanong kundi iisipin ko na isa kang pervert na gustong umiskor sa akin."
Kakaiba din ang tama sa utak ng babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit ba kinakausap ko pa siya. Maybe because attractive ako sa mga matataray na babae. But enough with those girls. Tama na muna ang pambababae. Balak ko na sana siyang talikuran at huwag ng pansinin nang matigilan ako.
Nang matapatan ng liwanag ang mukha niya ay ganun na lamang ang gulat ko.
Kilala ko siya!
At hindi ko lang siya basta kilala.
Magbago man ang ayos niya ay makikilala ko pa din siya.
Dahil siya ang first girlfriend ko.
Siya ang first love ko.
"Johana?"
***
A/N :
Hello hello hello!
Natatandaan niyo pa ba si Johana? Kung sino man ang nakakatanda kay Johana ay bibigyan ko ng premyo bwahahaha! Ibig sabihin, super avid reader ka ng lahat ng kwento ko :)
Give me three (3) characteristic / description about "Johana". Just type your answer in the comment section. The best answer will be given a chance to be the next heroine in my story.
Domo arigato minasan :)
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.