VI - Locker Room

1.2K 34 24
                                        

Hello Gwen,

Nagulat ka ba sa ginawa ko? Idea ng mga kaibigan mo yun eh. Sabi nila kung di daw makuha sa santong dasalan ay daanin sa santong paspasan. Huwag kang magagalit sa kanila. Alam ko namang mahal ka nila at gusto nilang maging masaya ka. Syempre ako ang taong magpapasaya sayo!

-A.S.

***

Kanina pa ako hindi mapakali sa kakahanap kay Gwen. Wala siya sa classroom. Wala din siya sa canteen. Mabuti na lang at nakatanggap ako ng text galing kay Maica na nasa locker room daw si Gwen.

Lakad takbo ang ginawa ko para mapuntahan si Gwen. It's now or never. Baka mawalan na ako ng lakas ng loob kapag hindi ko ginawa ito ngayon.

Malayo pa lang ako ay tanaw ko na si Gwen na nag-aayos ng gamiy niya. Kasama din niya sina Maica at Hara. Si Hara ang unang nakakita sa akin at kinalabit niya si Maica. Thumbs up naman ang ibinigay sakin ni Maica.

Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang lumapit sa kanila. Medyo madaming tao din sa locker room. Palibhasa ay katatapos lang ng P.E. class ng ibang klase.

Paglapit ko kay Gwen ay hinawakan ko siya sa balikat at pinaharap sa akin sabay halik sa mga labi niya. Halatang nagulat si Gwen sa ginawa ko. Inihanda ko na ang sarili ko na masampal o masuntok niya. Subalit nagulat na lang din ako ng gantihan ni Gwen ang mga halik ko. Napangiti ako at muling ipinagpatuloy ang paghalik sa kanya.

Kapwa kami habol ng hininga ng magbitiw ang aming mga labi.

AKO : I love you Gwyneth Salazar. Will you be my girlfriend?

Pakiramdam ko ay tumigil ang takbo ng oras habang hinihintay ko ang sagot ni Gwen.

Sana umoo siya! Sana pumayag siya!

GWEN : Yes Axel! I will be your girlfriend!

Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya ng mahigpit at binuhat. Ang saya saya ko!

Maging ang mga taong nanonood sa ginawa ko ay napasigaw na din at nagpalakpakan.

Finally!

Girlfriend ko na si Gwen!

Muntik ko nang makalimutan ang mga kaibigan ni Gwen kung hindi lang tumikhim ang mga ito.

AXEL : Sorry girls! Did you captured the moment?

MAICA : Yes! We got it!

Sabay pakita sa amin ng mga camera ng mga ito. Nagkanya kanyang kuha na ang mga ito sa eksena namin ni Gwen.

MAICA : Iuupload ko ito sa youtube! Abangan niyo nalang.

GWEN : May kinalaman ba kayo dito?

AXEL : I asked them for their help. Huwag kang magalit sa kanila.

GWEN : Hindi naman ako galit. Nagulat lang ako. I just thought that they don't like you.

AXEL : Sa gwapo kong ito makakatanggi ba sila?

M&H : Excuse me???

AXEL : Biro lang. Kayo naman hindi na mabiro. Mahal ka lang talaga nila kaya gusto nilang maging masaya ka.

HARA : Tatanggi pa ba Gwen? Kung makahalik ka nga parang wala ng bukas!

Agad namang namula ang mukha ni Gwen dahilan para mapangiti ako ng tuluyan.

Kinintalan ko siya ng halik sa tuktok ng ilong niya.

AXEL : I love you Gwen. Mula ngayon akin ka na.

GWEN : I love you too Axel. Oo. Iyong iyo lang ako.

Okay na sana ang lahat. Ang sweet na ng moment kaso mga bitter yata ang mga kaibigan nito ni Gwen. Panira ng moment.

HARA : Aalis na ako. Nauumay na ako sa tamis ng nakikita ko.

MAICA : Oo nga. Ang dami na ngang langgam dito.

Tapos iniwan na nila kaming dalawa. Bahala sila sa buhay nila. Basta kami ni Gwen masaya!

***

A/N:

Pasensya sa matagal na update beybes! Bakasyon mode si Authornim. Pati utak ko nagbakasyon.

Enjoy reading!

-shinayawaara

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon