DEAR DIARY,
"Why take the risk for a second chance if there is a new chance?"
Iyon ang sinabi sakin ni Maica nung ikinuwento ko sa kanila ang naging pag-uusap namin nila Yexel at Axel. Sabi ko nga sa inyo hindi fan ng second chances si Maica.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto naming mga girls ngayon. Hinayaan muna namin ang mga boys dun sa labas kasi mukhang badtrip pa din si Harabella. Pero imbes na suyuin namin siya ay heto ang problema ko ang pinag-uusapan namin.
ELLA : Pero everybody deserves a second chance.
ALLIE : True. But does everybody deserves it?
MAE : That maybe true but I think Axel deserves it.
DIANE : Sina Popoy at Basha lang ang may second chances.
AIRAH : Pwede rin namang magkaroon din sina Gwen at Axel. Ako na lang....ako na lang ulit!
Wala akong makuhang matinong sagot sa mga kaibigan ko!
AKO : Umayos nga kayo. Hindi niyo naman ako tinutulungan sa problema ko.
HARA : Hindi naman kasi kami dapat ang tinatanong mo kundi ang sarili mo. It's very obvious kung sino ang gusto mo. You like Axel. Because if you really like Yexel hindi ka maguguluhan ng ganyan. You can easily choose Yexel over Axel! But you can't! So it's either may diperensya ka sa utak kaya hindi ka makapagdesisyon ng maayos o sadyang gusto mo lang na pinag-aagawan ka nung dalawang magkapatid!
Mukhang sumabog na yata ang inis ni Harabella sakin. Syempre medyo naoffend ako sa sinabi niya pero may point naman sya. Ayoko lang tanggapin na tama siya.
MAICA : Ang harsh nun ah.
AKO : Okay lang yun Maica. Tama naman si Hara. Magulo talaga ang utak ko. Tama ka. Oo hanggang ngayon ay mahal ko pa din si Axel. Ayoko lang tanggapin sa sarili ko dahil ayoko nang masaktan ulit. Ayoko nang magkamali uli.
HARA : Gaano ka naman nakakasiguro na kapag si Yexel ang pinili mo ay hindi ka masasaktan? Huwag kang magmahal kung takot kang masaktan. Parte ng pagmamahal ang sakit.
ELLA : Tama si Hara. Pwedeng sa umpisa okay kayo ni Yexel pero kapag tumagal na ay magbabago na din siya.
DIANE : Oo nga. Atleast diba mas okay yung masaktan ka man atleast masaya ka naman dahil mahal mo yung pinili mo.
MAICA : Hay! Oo na talo na ako. Sige na Gwen. Huwag ka nang matakot na sumubok ulit kay Axel. Hindi naman katulad ni Brix si Axel. Malay mo this time love is sweeter the second time around pala sa inyo.
ALLIE : Pero syempre bago iyon kausapin mo din si Yexel nang mabuti. Be honest with him.
Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan kahit na brutal magsalita kung minsan. Nagthank you ako sa kanila at niyakap silang lahat. Syempre kinausap ko din si Hara.
AKO : Sorry ah kung medyo naiinis ka na sakin.
HARA : Sorry din sinulatan ko ang journal mo.
AKO : Okay na yun. Quits na tayo.
AIRAH : Pwede na ba nating simulan ang party? Nagugutom na ako eh.
Nagpasya na kami lumabas ng kwarto pero nagpahuli ako dahil gusto ko munang makausap si Hara.
AKO : Sinabi ko pala kay DJ yung isinulat mo sa diary ko.
HARA : Bakit mo sinabi?
AKO : Bakit? May inilagay ka ba dun na bawal kong sabihin kay DJ? Mag-usap kayo ng maayos. Ang swerte mo na kay DJ. Halata naman na mahal ka niya. Nagulat nga siya sa mga sinabi ko. Akala niya daw okay na kayo.
HARA : Bahala siya. Hayaan mo siya.
AKO : Isa ka ding matigas ang ulo eh.
HARA : Atleast sakin walang mag-aaway.
Naputol lang ang pag-uusap namin ni Hara nung sitahin kami ni Maica na ang bagal daw naming maglakad.
***
Sa wakas ay naganap na din ang celebration party namin para kay Hara. Hindi ko pa nakakausap sina Yexel at Axel. Kina Maica kasi ako dumidikit at hindi ko hinahayaan na mapag-isa ako. Hindi ko pa sila kayang harapin dalawa. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob.
Habang nagkakasayahan kami ay nagulat kami nang biglang tumayo sa harapan si DJ. Hiniram niya yung microphone na gamit namin sa pagvivideoke.
DJ : Harabella Gomez taxi ka ba?
HARA : Hindi.
AKO : Baliw! Ang sagot mo dapat ay BAKIT.
HARA : Kailan pa naging sagot sa tanong niya ang bakit? Tinatanong niya kung taxi ako eh hindi naman ako taxi. Tao ako.
Nahampas tuloy namin si Hara. Pilosopo tasyo eh!
AXEL : Hara pick up line iyon. Sumagot ka na ng bakit at napapahiya na si Dylan.
Baliw din itong mga boys dahil talagang pinagtatawanan nila ang pamamahiya ni Hara kay DJ.
AKO : Pwede bang kahit this time lang Hara huwag mong pairalin ang pagiging matalino at pilosopo mo. Maging normal na tao ka muna ngayon.
HARA : Oo na. Oh bakit?
DJ : Kasi habang tumatagal lalo akong napapamahal.
Awwwww!!!!!
Bigla kaming nagtiliang mga girls pati yung mga boys ay nakisigaw na din. Inaasar nila si DJ.
Pagtingin namin kay Hara ay halata namang pinipigilan niya lang ang ngiti niya.
DJ : I'm sorry kung naiinis ka sakin. Sorry hindi ko alam. I thought okay tayo but you are right. Paano tayo magiging okay if I can't tell you what I really feel for you. I love you Harabella Gomez! Mahal kita! Mahal na mahal kita mula ulo hanggang paa! Will you be my girlfriend?
Tapos bigla nalang lumuhod si DJ sa harapan ni Hara at may inilabas na singsing! Paksyet! Niyayaya niya lang maging girlfriend si Hara pero singsing na agad ang inilabas niya. Ano to diretso kasalan na? Ang sweet!
Lahat kami ay nagsigawan na ng Say Yes!
HARA : No. I don't want to be your girlfriend.
DJ : Ha? Ayaw mo? Bakit?
Tingin ko parang maiiyak na si DJ. Badtrip na Harabella Gomez ito at talagang ipinapahiya si DJ. Kawawa naman.
HARA : Joke lang! Ako pa ba ang tatanggi? Yes na yes!
Ayun niyakap na ni DJ si Hara. Baliw na babaeng iyon.
Oo na naniniwala na ako sa forever!
Sila na ang may forever!
***
A/N:
Magbebreak din kayo >_<
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Genç Kız EdebiyatıAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
