IV-Hara

1.3K 33 15
                                    

Hi Gwen,

Nagseselos ako dun sa leader niyo sa Philo. 1. Close kasi kayo saka kinukulit ka niya. Tingin ko may crush sayo yun. Naiinis din ako kasi napagalitan ako ni Mam. Hindi kasi ako nakasagot sa recitation niya. Paano ba naman kasi sa inyo ako nakatingin. Napahiya tuloy ako. Aabangan ko sa labas yung kaklase mong iyon eh. Hehe. Biro lang.

Uy teka! Next subject ko na pala. Mamaya nalang ulit kita babalikan ah.

-A.S.

***

Habang papunta ako sa next subject ko iniisip ko kung paano ko ba mapapaniwala si Gwen na seryoso ako sa kanya. Ang hirap naman din kasing intindihin ng babaeng iyon. Minsan pakiramdam ko may gusto din siya sakin pero kung minsan dinededma niya lang ako. Bakit ba ganyan ang mga babae? Para talagang bagyo. Mahirap ispelingenin.

Padabog akong naupo sa bakanteng silya sa harapan malapit sa pintuan. Baka sakaling matanaw ko si Gwen na dumaan.

Hindi pa yata nag-iinit ang pwet ko sa pagkakaupo nang magsalita yung katabi ko. May katabi na pala ako.

SEATMATE : Huwag kang umupo dyan. Ayaw kitang katabi.

Pagtingin ko yung masungit at simanguterang kaibigan ni Gwen ang nagsalita. Teka, ano nga bang pangalan nito?

AKO : Hello! Ikaw si Hara diba? Yung kaibigan ni Gwen? Magkaklase pala tayo.

Imbes na sagutin ako ay tinalikuran niya ako. Wala yatang manners ang babaeng ito. Paano kaya sila naging magkaibigan ni Gwen eh ang bait bait ni Gwen tapos maganda pa tapos matalino. Samantalang itong babaeng katabi ko oo nga at maganda pero ang sungit naman at simangutera. Akala mo laging nag me menopause.

Kinalabit ko siya para pansinin ako. Kahit na hindi ko siya trip dahil ayoko sa masungit na babae ay kaibigan pa din siya ni Gwen kaya kailangan kong magpalakas sa kanya.

AKO : Kaibigan ka ni Gwen diba? Friends na din tayo.

Dedma. Hindi niya pa din ako pinapansin.

AKO : Ililibre kita sa canteen.

Dedma pa din.

AKO : Igagawa kita ng assignment.

Dedma pa din.

AKO : Ilalakad kita kay Paul.

There!

Nagkaroon siya ng reaksyon. Hindi nga lang maganda dahil yung librong hawak niya ay hinampas niya sa mesa. Napatingin tuloy sa amin ang mga kaklase ko. Mabuti na lang at wala kaming prof.

HARA : Pwede bang tigilan mo ako sa kakakulit mo? Tagalog na iyan para maintindihan mo!

Syempre pakiramdam ko naman ay napahiya ako. Ako? Si Axel Sebastian sisigaw sigawan at ipapahiya lang ng babaeng ito? Sino ba siya?! Anong pamilya ba ang pinagmulan niya?!

AKO : Ano bang problema mo?! What did I do to you?!

HARA : You really want to know? You're noisy, you're a jerk and you're annoying! Stop approaching me and trying to make friends to me just because I'm Gwen's friend.

So alam pala niya na kaya ko lang siya kinakausap ay dahil kay Gwen. Hindi naman kaya may gusto sa akin ang babaeng ito?

AXEL : May gusto ka ba sakin kaya nagagalit ka dahil nilalapitan lang kita dahil kay Gwen?

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay tawa ng sarkastiko.

HARA : And here you are wondering why I don't like you? Ang kapal ng mukha mo.

Tapos bigla niyang hinagis yung bag ko.

Freak!

This girl is a freak!

***

A/N:

Ang sakit ng paa ko bwisit! Naipit ako ng pintuan ng bus! #siksikanpamore!

-shinayawaara

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon