Trivia

1K 28 45
                                    

<Authornim>

Hola! At dahil isang chapter na lang at tapos na ang magulong buhay pag-ibig nila Gwen at Axel ay narito ang ilang trivia mula sa kwento nila.

* Gwen's journal is composed of 70 entries while Axel's story is composed of 20 chapters. So, may final chapter pa ang story ni Axel.

* Si Yexel talaga dapat ang makakatuluyan ni Gwen. Wala naman akong balak na ipasok sa eksena si Axel. Gusto ko lang siya maging isang malaking panggulo sa kwento. Pero dahil isa ako sa mga tao na hindi makamove on sa ex at fan din ng second chances, third chances at marami pang chances ay naisip ko na bigyan pa ng isang pagkakataon sina Gwen at Axel habang ginagawa ko ang kwento. Base na din sa death threats na natanggap ko sa Gwen ng buhay ko na hindi rin nakamove on sa Ex niya. (Hello espren QueenRichelle)

* Si Thomas O'brien Perez o mas kilala bilang TOP at Panda ay hango sa pangalan ng mga crush namin ng Espren kong si QueenRichelle na si Dylan O'brien. Thomas ang name niya sa movie niyang Maze Runner. Yung TOP naman at Panda ay mga myembro ng Bigbang na siyang kinababaliwan ko.

* Ang kaibigan ni Gwen na si Hara ay mula sa name ng baby girl ko. (Hello sa napakacute kong baby josa, Empress Johara)

* Ang kaibigan naman ni Gwen na si Maica ay hango sa isa pa naming espren na si Ruijin aka AegyoDayDreamer.

* Sina Ella (akirara), Allie (WisdomDeath), Mae, Airah at Dianne (RedZymi sa totoong buhay) ay ang mga babies namin sa Daydreamers Haven.

* Ang lugar na pinuntahan ni Gwen sa Isabela ay ang lugar kung saan ako dapat ipapadala ng opisina namin. Thanks to my boss at hindi natuloy iyon. Ayokong mag-isa dun. Mamimiss ko ang baby josa ko.

* Ang Sagada kung saan nagpunta si Gwen nung buntis siya ang isa sa lugar na nasa bucket list ko na puntahan.

* Hindi ako nakakapagupdate ng kwento kapag masaya ako. Kailangan malungkot ako or broken hearted o walang love life para makapagupdate ako ng kwento. Abnormal yata talaga ako. And since wala akong love life ngayon kaya araw araw akong nakakapag update hehe :)

* Nagsimula kong isulat ang kwento na ito during my "kabitterness" times na punong puno ako ng hugot sa katawan. Kaya puro hugot si Gwen sa kwentong ito.

* It is my first story na umabot ng 111k plus reads. Kinabog niya ang baby story kong After All na umabot lang ng 60k reads pero masayang masaya na ako. What more pa kaya ang 111k reads 'diba? Uber saya na! (Kapag wala kayong magawa try niyo basahin ang After All. Iyon ang first story kong natapos. Medyo rough pa iyon dahil walang proof read at edit ang kwentong iyon habang sinusulat ko. As is where it is. Kung ano ang naisip ko, iyon ang isusulat ko. Pero proud na proud ako dun sa kwentong iyon hahaha!)

* Ang kwento kong The Boys and I ay ang kwento ng kaibigan ni Gwen na si Maica. Mas nauna kong gawin ang story niya pero mas nauna ko pang matapos ang kay Gwen. Medyo nahihirapan kasi ako kay Maica dahil ang dami niyang lalaki sa buhay at hindi niya alam kung ano ba talaga ang gusto niya o kung sino ba talaga.

* I love writing stories but it is my first time to write a journal type or dialog type story.

* Halos lahat ng kwentong ginagawa ko ay base sa mga naging karanasan ko sa buhay, mga nakikita ko o naririnig sa paligid. But there is one part of me na hindi ko kayang ibahagi sa iba. Not just I don't want to share it, rather, I can't share it. I can't put it in words. Parang ang hirap kasi. Parang kapag isinulat ko iyon, I have to let go of everything that was left on me. Inshort, hindi pa ako makamove on sa part na iyon ng buhay ko.

* For the following special chapters of this story, mga sides story iyon ng ibang characters sa kwento.

That's all for the trivia. Thank you for not giving up on me :)

Enjoy reading!

-shinayawaara

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon