DEAR DIARY,
Saturday.
This is it pansit!
Mabuti nalang at dala dala ko itong journal ko kaya hindi ko makakalimutan ang mga mangyayari ngayong araw na ito. Baka kasi sa sobrang excitement ko ay makalimutan ko na kung anuman ang mangyayari.
Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon. Madaling araw palang ay umalis na kami para maaga kami makarating ng Batangas. Infairness ang hirap magsulat habang umaandar ang sasakyan namin.
Ako, si Maica, si Hara at yung boyfriend ni Maica ang magkakasama. Sasakyan nung boyfriend ni Maica ang gamit namin. Hindi nakasama yung iba naming kaibigan dahil may mga biglaang lakad daw.
Ang epal nga nitong sina Maica at Hara dahil nakikibasa dito sa sinusulat kong journal eh.
MAICA : Gwen isulat mo diyan sa journal mo ang ganda ganda ni Maica.
Ang kapal ng mukha diba?
HARA : Kaninong resort ang pupuntahan natin?
AKO : Secret.
Ayokong magkwento sa kanila kasi baka madulas pa ako. Mabuti nalang at hindi na sila nag-usisa pa.
To be continue nalang mamaya kasi nahihilo na ako sa ginagawa ko.
***
Nung nakarating kami sa resort ay agad kaming sinalubong ni Yexel. Tuwang tuwa nga si Maica nung makita si Yexel. Talandeng babae akala mo hindi kasama ang jowa niya kung magpacute kay Yexel! Samantalang si Hara naman ay ang sama ng tingin saming dalawa ni Yexel pero naglalambing na niyakap lang ni Yexel si Hara na hindi ko naman nagustuhan!
Pasimple pa itong boss ko eh! Hindi naman kaya siya talaga ang may gustong makasama si Hara at ginawa niya lang dahilan si DJ?
Binigyan kami ng kwarto ni Yexel. Magkakasama kaming tatlo nila Hara at Maica samantalang hiwalay na kwarto naman yung sa jowa ni Maica.
Mayamaya ay kinatok kami ni Yexel sa kwarto. Nakaready daw ang meryenda. Mabuti nalang at may caretaker sina Yexel dun sa resort nila. Naabutan namin sa dining area si DJ. Kagabi pa pala sila nandito ni Yexel. Kung minsan parang gusto ko na magduda sa dalawang iyon kung sino sa kanila ang bakla. Si Hara hindi na maipinta ang mukha. Mukhang papalpak pa yata ang plano namin ni Yexel na paglapitin yung dalawa.
Inobserbahan ko naman ang reaksyon ni DJ nung makita niya si Maica. Ang balita ko kasi ay nanligaw siya kay Maica. Past tense na dahil may boyfriend na si Maica eh. Pero base sa nakikita kong reaksyon niya parang hindi naman big deal na nakita niya si Maica. Nginitian at binati pa nga niya yung boyfriend ni Maica eh tapos bigla siyang tumingin kay Hara. Nakita ko sa mata ni DJ na parang natuwa siya na nakita niya si Hara pero si Hara ni hindi man lang siya talaga tinapunan ng tingin. Kasungit na babae!
Talagang inoobserbahan ko ang bawat galaw nila kasi di pwedeng pumalpak ang plano namin ni Yexel.
Ang kaso may dalawang bagay lang ako na hindi yata napaghandaan.
Biglang dumating si Axel at kasama niya si Paul.
Una, bakit nandito si Axel? Ang ackward nun! Paano ako makikipaglapit kay Yexel kung nandito ang exboyfriend ko who happens to be his brother?
Pangalawa, bakit nandito din si Paul? Paano namin mapapaglapit sina Hara at DJ kung nandito si Paul? Syempre itong si Hara ay kay Paul na sasama niyan dahil mag best of friends yung dalawang iyon!
Panira naman talaga ng moment itong dalawang lalaking ito! Bakit kasi nagpunta punta pa dito eh!
Pasimple kong kinausap si Yexel nung nagpunta siyang kusina. Ako naman ay kunwari ay nagpuntang restroom at sinabi ko ang concern ko about kay Paul. Hindi ko sinabi yung tungkol kay Axel. Baka kung ano pa ang isipin niya. Ang sabi ni Yexel ay siya daw ang bahala. Diskartehan nalang daw namin.

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Genç Kız EdebiyatıAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.