Hi,
When I first met you, it seems like everything around me stops. You casually tie your hair without care kung magulo man o maayos ang pagkakatali mo. I want to talk to you but you are busy reading your class schedule I guess.
Nalingat lang ako sandali pero wala ka na sa pwesto mo sa ilalim ng puno.
Sayang.
Sana makita kita ulit.
***
I guess this is a lucky day for me. Nakasalubong kasi kita sa admin building. Nag-isip ako ng paraan kung paano kita malalapitan at makakausap.
Ang cliche nga ng reason ko. Tinanong kita kung saan ang way papuntang registrar office. You even offered na samahan ako kasi dun din ang pupuntahan mo. Hindi ka lang pala maganda. Mabait ka din.
Kapag hindi ka nakatingin ay tinititigan kita. Nakakatuwa ka kasing tignan.
Nagulat ka kasi alam ko ang pangalan mo. Mind reader kasi ako. Hindi. Joke lang yun. Nakita ko kasi sa ID mo.
Gwyneth Salazar.
Gusto ko lang sabihin sayo na crush kita.
-A.S.
+++
PAUL : Uy! Tara na! Nagyayaya sina Michael basketball daw
Napatingin ako kay Paul nang kalabitin niya ako. Basketball na naman! Istorbo sa pagsasight seeing ko.
AKO : Sunod ako
PAUL : Sino bang tinitignan mo diyan?
Nakitingin din ang loko sakin.
Nag-iisa na naman si Gwyneth dun sa ilalim ng puno. Lagi nalang siyang nag-iisa. Wala ba siyang kaibigan?
AKO : Nakikita mo ba yung babaeng nakaupo sa ilalim ng puno?
PAUL : Sino dun? Madami sila.
Napatingin tuloy ako. Madami na ngang kasama si Gwyneth. May friends naman pala siya. Akala ko loner siya eh.
AKO : Yung nakatali ang buhok
Si Gwyneth lang naman ang nakatali ang buhok sa kanila.
PAUL : Oh? Anong meron sa kanya?
AKO : Crush ko
PAUL : Talaga? Anong pangalan?
AKO : Gwyneth
Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Paul. Bigla na lang siyang sumigaw.
PAUL : Gwyneth crush ka daw nito!
Tarantadong Paul iyon! Buti nalang at mukhang hindi yata siya narinig ni Gwyneth. Kaso yung isang kasama niyang babae napatingin sa amin. Nakasimangot.
PAUL : Ayan na nasabi ko na na crush mo siya. Basketball na tayo.
Bwisit na Paul iyan! Dahil sa basketball ibinubuking pa ako! Lagot ka sakin mamaya. Pakakainin kita ng bola!
***
A/N:
Ola!
First chapter of the book 2.
Share us your comments guys!
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.