XX - Finale

1.1K 39 36
                                    

To the mother of my child,

the most lovable woman,

and the girl who I want to spend my whole life.

Will you marry me?

-A.S.

***

Ako : Please Hara, I badly need your help.

Hara : What is it?

Kasalukuyan kaming nasa nursery at nakasilip sa tulog na tulog na baby ko. Napakacute tignan ng munti kong anghel. Parang napakapayapa ng kanyang pagtulog na tila walang pakialam sa magulong mundo.

Ako : I asked Gwen to marry me.

Hara : And so?

Ako : Hindi siya sumagot.

Hara : That means she's not interested. She doesn't want to marry you.

Ako : But that's not what I want. I want to marry her lalo pa ngayon na may baby na kami.

Hara : Don't use the baby as an excuse to marry someone. And you should consider, may I remind you Sebastian na hindi lang ikaw ang magpapakasal. Dalawa kayo ni Gwen. If Gwen doesn't want it wala kang magagawa. Hindi mo siya pwedeng pilitin.

Ako : Kaya nga kailangan ko ng tulong mo. Please Hara. Alam kong mahal pa rin ako ni Gwen. Nakausap ko na din si TOP kanina at sinabi niya na sa akin ang lahat. Wala talaga silang relasyon ni Gwen.

Hara : Close na kayo ni TOP?

Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

Ako : Hara naman eh! Tulungan mo na ako.

Nakakastress din itong si Hara. Ang hirap pakiusapan!

Hara : Ano ba kasi ang gusto mong mangyari?

Ako : Gusto kong maikasal kami ni Gwen bago pa man sila makalabas sa ospital na ito.

Hara : Baliw lang Sebastian? Ano ito shotgun wedding? Baka gusto mo munang ipaalam ito sa mga magulang mo at kay Yexel. Sa part ni Gwen since ulila na siya dun ka sa tita niya at sa pinsan niyang si Harley magpaalam.

Ako : I'm old enough to get married Hara. Hindi ko na kailangan ng parental consent. Pero natawagan ko na si Mommy kanina. I already told her na may baby na ako. And guess what, she is so excited to see her grandson. Pupunta daw sila agad ni Daddy dito once na nakapagpabook sila ng flight pauwi ng Pilipinas.

Hara : Eh di hintayin mo na sila bago ka magpakasal.

Ako : But I can't wait.

I know that I am being impatient and unreasonable base na din sa pagkakakunot ng noo ni Hara pero ano nga bang magagawa ko? Baka tuluyan na akong layuan ni Gwen.

Hara : Gusto ko lang ipaalala sayo Sebastian na hindi ako si Darna. Lalong hindi ako genie that can grant your wishes three times.

Ako : I know you can help me Hara. Ikaw lang ang maaasahan ko. Kukunin kitang Ninang ng baby ko.

Hara : Huwag kang tanga Sebastian. Kahit hindi mo ako kuning Ninang, for sure kukunin naman ako ni Gwen.

***

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Hara ay bumalik na ako sa kwarto ni Gwen. I want to see her badly. I want to spend my days with her.

Lumapit ako sa hospital bed niya at naupo sa silya.

Ako : I love you Gwen. Kayo ng baby natin.

Gwen : Axel---

Hinawakan ko ang kamay niya at marahang hinalikan.

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon