# 31 Chef Yexel

1.8K 67 17
                                        

DEAR DIARY,

Masakit ang ulo ko at masama ang pakiramdam ko. Hindi nga ako nakapasok sa office kanina. Nagtext nalang ako sa supervisor ko na hindi ako papasok. Syempre tinext ko na din si Yexel. Baka kasi hanapin niya ako.

Feelingera of the year award goes to Gwyneth Salazar!

Take note! Hindi lang ako basta hinanap ni Yexel. Nagulat ako nang bigla na lang siyang sumulpot sa bahay ko. Nagtaka pa nga ako kung sino yung kumakatok. Akala ko si Hara o si Maica. Iyon pala si Yexel. Nag-aalala daw kasi siya sakin dahil mag-isa lang ako. Ang sweet diba?

Then tinanong niya ako kung kumain na daw ba ako at uminom ng gamot. Parehong hindi pa ang sagot ko. Wala kasi akong gana eh. Pinagalitan naman ako ni Yexel at sinabing dapat daw ay hindi ako nagpapagutom.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang sinuot ang apron ko at nagkakalkal sa loob ng ref ko.

AKO : Anong ginagawa mo?

YEXEL : Ipagluluto kita ng sopas para makakain ka na at makainom ng gamot.

AKO : Huwag na Yexel. Nakakahiya naman sayo.

YEXEL : Gwen, I insist okay? I want to take care of you. Kaya ang mabuti pa ay magpahinga ka na lang dyan. Kaya ko ito. Mabuti naman at may mga stock kang pagkain dito.

AKO : Weekly ay pinupuntahan ako ni Hara dito sa bahay at sinasamahang maggrocery.

YEXEL : Maswerte ka sa mga kaibigan mo.

AKO : Oo naman. Kahit mga baliw yun ay mahal ko yung mga yun.

Wala na akong nagawa dahil masyadong mapilit si Yexel. Naupo na lang ako sa kusina at pinagmasdan siya habang nagluluto.

Paksyet! How could such a man looks hot and sexy by just wearing an apron?

Ang gwapo naman ng chef ko!

YEXEL : What are you writing?

AKO : Journal ko.

YEXEL : Hindi ka ba mabibinat niyan?

AKO : Hindi naman nakakabinat ang magsulat eh.

YEXEL : Patingin ako.

Pero inilayo ko kay Yexel ang journal ko. Nakakahiya kapag nabasa niya ang mga nakalagay dito.

AKO : Iyang niluluto mo dyan ang intindihin mo.

Hindi naman nagpumilit si Yexel at muling binalikan ang niluluto niya.

Masarap ang soup na luto ni Yexel. Medyo naparami nga ang kain ko. Pagkatapos kumain ay pinainom niya na ako ng gamot.

YEXEL : Magpahinga ka na.

AKO : Uuwe ka na?

Parang ayoko pang umuwe si Yexel. Gusto ko pa siyang makasama.

Nginitian naman niya ako at marahang tinapik ang ulo ko.

YEXEL : Hindi pa ako uuwe. Babantayan kita.

Napangiti din ako. Kinikilig ang lola mo eh.

YEXEL : Where's your room?

Napamulagat naman akong tumingin kay Yexel. May balak ba siyang masama sakin? Naku! Baka hindi ako makatanggi.

YEXEL : Wala akong gagawing masama sayo. Tinatanong ko kung saan ang kwarto mo para makapagpahinga ka na.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti nalang at gentleman din pala itong si Yexel.

Dinala ko siya sa kwarto ko. Iisa lang naman ang kwarto dito sa munti kong tahanan eh dahil ako lang naman ang nakatira dito.

YEXEL : Nice room.

Pinahiga na ako ni Yexel sa kama pero umupo lang ako dahil nagsusulat pa din ako. Pinagalitan tuloy ako ni Yexel at sinabing bukas ko na daw ituloy ang pagsusulat ko para makapagpahinga na ako.

Syempre dahil mabait ako, sinunod ko ang gwapo kong boss. Kaya journal bukas nalang ulit. Manlalandi muna ako. Este, magpapahinga na pala ako.

Goodnight!

***

A/N:

Hello po sa inyong lahat!

Hi @KhimCulaban thank you for reading my story. Enjoy!

And for all the readers of this story, thank you very much! I love you all <3

-shinayawaara


Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon