XIV- Big News

997 29 12
                                        

Gwen,

Hindi ko alam kung may galit ba sa atin si Kuya Yexel kaya pinaghihiwalay niya tayo. Tama ba namang ngayon niya pa talaga itaon ang pagpapadala niya sayo sa Isabela kung kailan naman nagkabalikan na tayo. Nakakabadtrip talaga siya! Hindi pa rin siya nagbago. Panira pa din siya sa buhay ko!

Hindi bale isang buwan lang naman iyon. Nagawa nga nating hintayin ang bawat isa ng tatlong taon isang buwan pa kaya.

Pagbalik mo dito sa Manila pakakasalan na kita!

-A.S.

***

Ang sabi nga nila ay hindi lahat ng kwento may happy ending. Hindi sa lahat ng panahon masaya ang tao. Kung minsan kung kailan sa tingin mo okay na ang lahat biglang may susulpot na problema at sisirain ang masayang parte ng buhay mo.

"Buntis ako at ikaw ang ama"

Tila isang bomba ang bumagsak sa harapan naming mag-anak ng gabing iyon. May family dinner kami ngayon nang biglang sumulpot si Amy sa bahay namin at sabihin na buntis siya at ako ang ama ng batang dinadala niya.

Ako : What kind of bullshit are you saying?! Paanong ako ang magiging ama ng dinadala mo samantalang wala namang nangyayari sa atin?!

Amy : May nangyari sa atin nung gabi ng party and I have all the evidence to prove that something happened to us.

Mula sa envelope na hawak niya ay naglabas siya ng mga litrato naming dalawa sa loob ng hotel suite. Mga larawang nagpapatunay na may nangyari nga sa amin dahil pareho kaming hubad sa mga litrato.

Bigla namang nahimatay ang Mommy ko pagkakita sa mga litrato.

Ibinato ko naman ang mga litrato sa harapan niya.

Ako : Fvcks*ht! Hindi ako iyan! Pwede bang huwag kang gumawa ng kwento dahil hindi ka nakakatuwa!

Amy : Hindi ako gumagawa ng kwento! Nasa harapan mo na ang proof! Don't you ever deny it dahil ikaw ang daddy ng baby ko!

Bigla na lang akong sinapak ng daddy ko. Dahil hindi ako handa ay agad akong bumagsak pagkasuntok sa akin.

Daddy : Wala ka ng dinalang matino sa pamamahay na ito. Puro ka nalang sakit ng ulo at problema!!!

Hawak ang pangang sinuntok ng daddy ko ay tumayo ako. Nalasahan ko pa ang dugo sa labi ko.

Ako : Ako ang anak niyo pero hindi niyo man lang ako mapakinggan?

Masama ang loob ko dahil hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon ng sarili kong ama na idepensa ang sarili ko. Nahatulan na agad ako.

Binalingan ko si Amy na nakatingin lang sa amin.

Ako : Kahit na ano pa ang sabihin mo hindi ako ang ama ng anak mo. You can lie all you want but I won't believe you.

Amy : Kapag hindi mo ako pinakasalan ikakalat ko ang mga litrato natin at sisirain ko ang pangalan niyo. My dad is a big investor of your company and he won't like it when his only daughter is pregnant without a husband. Gugustuhin niyo ba na malugi ang kumapanya niyo dahil sayo?

Ako : I don't care about this fvcking company! I don't love you so I won't marry you. Iisang babae lang ang pakakasalan ko at hindi ikaw iyon!

Hinding hindi ko talaga pakakasalan si Amy kahit na ano pa ang mangyari.

Daddy : Amy, mag-uusap muna kami ng anak ko. But I will assure you na hindi ka maaagrabyado. Yexel, ihatid mo na muna si Amy sa kanila.

Yexel : Yes Dad.

Nakaalis na sina kuya Yexel at Amy subalit nanatili kaming walang imikan ni Daddy. Nahimasmasan na din si Mommy at nagising. Ngayon nga ay pareho silang nakatingin sa akin. May pang-uusig ang mga mata.

Ako : Mom, Dad, mahal ko po kayo at ginagalang ko kayo. Pero hindi ko po talaga kayang pakasalanan si Amy dahil alam ko po na walang nangyari sa aming dalawa. Sana paniwalaan niyo po ako.

Mommy : But she has proof na may nangyari sa inyo.

Ako : Maaari pong photoshop lamang ang mga litratong iyon. Napakadali ng gawin iyon Ma.

Biglang hinampas ng daddy ko ang kamay niya sa lamesa.

Daddy : It doesn't matter whether you are the father of the baby or not o kung may nangyari man sa inyo o wala. But the fact na ikaw ang itinuturo ni Amy na ama ng anak niya. Sa ayaw o sa gusto mo ay pananagutan mo siya dahil ayokong maging dahilan ang kalokohan mo para masira ang samahan ng pamilya natin at ng pamilya ni Amy. Mayaman at maimpluwensya ang pamilya nila Amy kaya hindi makakabuti para sa atin ang makalaban sila.

May hinanakit na tumayo at tinignan ang mga magulang kong kinain na ng kayamanan nila.

Ako : Pera na lang ba talaga at negosyo ang mahalaga sa inyo? Paano naman ang sarili kong kaligayahan?

Mommy : Amy is a wonderful woman Anak. Matututunan mo din siyang mahalin.

Ako : No Mom. Kahit kailan hindi ko magagawang mahalin si Amy dahil may mahal na akong iba. Kung dati ay hinayaan ko kayo na patakbuhin at diktahan ang buhay ko, hindi na ngayon. I have my own life at ako naman ang magpapatakbo ng buhay ko at hindi na kayo.

Daddy : Kapag sinuway mo kami ng Mommy mo ay itatakwil ka namin bilang anak!

Ako : Then do it! Wala naman akong pakialam sa kayamanan niyo. I must admit na dahil sa pera niyo ay nabuhay ako ng maayos kumpara sa ibang tao. Pero may mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera. Hindi niyo na ako kailangang takutin na itatakwil niyo ako. Dahil ako mismo ang magtatakwil sa pamilyang ito!

Pagkasabi ko noon ay padabog na tinalikuran ko ang mga magulang ko at lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta habang nagmamaneho. Basta ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa lugar na iyon.

Idinayal ko ang numero ni Gwen at tinawagan.

Gwen : Hello Babe! Bakit ka napatawag?

Ako : Babe, I'm sorry. I'm so sorry! Sana mapatawad mo ako. Basta tandaan mo lang na kahit anong mangyari ikaw lang ang mamahalin ko.

Gwen : Hello Axel? Hindi kita marinig. Choppy yung line.

Ako : Mahal na mahal kita Gwen.

Gwen : Axel? Hello? Tawag ka nalang mamaya sakin. Hindi rin kita maintindihan eh. May meeting lang ako okay? Sige na bye! I love you!

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin ngayon ni Gwen. Bakit ganun ang buhay? Kung kailan maayos na ang lahat sa relasyon naming dalawa saka naman maguguho ulit ang mga pangarap namin.

Bakit tila ayaw kaming bigyan ng kasiyahan ng tadhana?

***

A/N:

Ang mga susunod na chapters ng kwento ni Axel ay ang karugtong na ng mga huling chapters sa kwento ni Gwen. Malalaman na natin ang magiging kahinatnan ng lovestory nilang dalawa.

Magkaroon kaya sila ng happily ever after o mananatili silang....

WALANG FOREVER!

*insert.evil.laugh*

-shinayawaara

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon