DEAR DIARY;
Iyak ako ng iyak. Naubos na nga yata lahat ng tissue sa bahay ko. Infairness naman to Hara and DJ ay hindi nila ako iniwan. Even Maica and all of my friends ay pumunta sa bahay para i-comfort ako.
Hindi ko alam kung anong nangyari. Bakit ganun.
Sinabi sakin nila Hara and DJ na may nabuntisan daw na babae si Axel! Imagine?!!!
Paano nangyari iyon? Kailan??? Saan??? Sino??? Bakit???
Sinubukan akong kausapin ni Axel pero hindi ko siya kayang harapin. Ni ayaw ko ngang marinig ang boses niya.
***
Pinilit akong isama nila Maica sa bar ni Hara. Iinom na lang daw namin ang problema ko. Naiistress din daw kasi sila. Ayaw ko mang sumama ay napilitan na din ako kahit na mas gusto kong magmukmok sa kwarto ko. Besides, gusto ko ding uminom at magpakalasing.
Nandun din sa bar sina Yexel at Paul. Kinocomfort din nila ako.
Kay Yexel ko nalaman kung ano ang tunay na nangyari. Ang sabi niya ay nagulat na lang din daw sila na sumulpot yung babae sa bahay nila at sinabi na buntis ito at si Axel ang ama. Pilit daw na itinatanggi ni Axel ang akusasyon nung babae pero mismong mga magulang ni Axel ang nagsabi na dapat daw ay panagutan nito ang babae. Family friend pala nila ang pamilya ng babae at isa sa malaking business partner ng kumpanya nila. Nagbanta ang babae na kapag hindi ito pinanagutan ni Axel ay sisirain nito ang pangalan ng pamilya nila.
Noong una ay ayaw nilang paniwalaan ito subalit may mga ipinakita itong mga larawan bilang patunay na may nangyari nga dito at kay Axel.
Then nagulat nalang ako nang biglang sumulpot si Axel sa bar ni Hara. Tinapunan ko ng masamang tingin ang mga kaibigan ko.
MAICA : Mag-usap muna kayo. Gwen, pakinggan mo muna si Axel sa sasabihin niya.
HARA : Huwag kang mag-alala Gwen, kapag tapos niyong mag-usap ay nakahanda na ang nga bouncer ko na bugbugin si Axel.
Pagkatapos ay iniwan na nila kaming dalawa ni Axel.
Hindi ko siya kinakausap. Pilit niyang hinahawakan ang kamay ko pero umiiwas ako.
AKO : Kapag lumapit ka pa sakin ay ihahampas ko itong bote sa ulo mo!
Wala namang nagawa si Axel kundi ang bumuntong hininga.
AXEL : Gwen, paniwalaan mo sana ako. Walang nangyari samin ni Amy.
Amy??? Hindi ba iyon yung bwisit na babae sa party nila Yexel noon?! (A/N : Please refer to entry #29)
AKO : Huwag mo na akong lokohin pa Axel. May mga ebidensya na nagsasabing may nangyari sa inyo. Paano mo ipapaliwanag iyon?! Nakakasuka ka! Nakakadiri ka!
AXEL : Hindi totoo ang mga pictures na iyon Gwen. Oo aaminin ko na magkasama nga kami ni Amy noon pero walang nangyari samin.
AKO : Bakit kayo magkasama noon?
AXEL : It was a party organized by my parents. Iyon yung time na hindi kita napuntahan sa Isabela. Amy's family was invited too. Sa hotel na pag-aari ng pamilya nila ginanap yung party. Nagkita lang kami doon. Hindi ko nga alam kung ano nang nagyari. Nagising na lang ako na nasa hotel room na ako. I was drunk I guess pero alam ko kung may nagalaw akong babae o wala. Besides, Amy was not even there nung magising ako.
Hindi ko pa rin siya pinaniniwalaan.
AXEL : Nung bumalik ako galing Isabela nagpunta si Amy sa bahay and claiming na nabuntis ko nga siya but that's not even possible. Hindi ko siya pinaniniwalaan but she threaten us na kapag hindi ko siya pinanagutan ay ikakalat niya ang mga larawan naming dalawa. But I swear na hindi ako iyon!
AKO : Ano yun photoshop? Pwede ba Axel huwag mo na akong lokohin pa. Even the hotel's CCTV Camera shows that you and Amy enter the hotel room. Paano mo ipapaliwanag iyon? Photoshop din?! Axel naman. I'm not that stupid!
AXEL : Yeah, maybe magkasama nga kami ni Amy pero walang nangyari samin I swear! Gwen, alam mong ikaw lang ang mahal ko at hindi ko magagawang lokohin ka.
AKO : So, you mean to say that you are physically unfaithful but emotionally faithful to me?!! Bullshit Axel! Cheating is not an accident! Choice mo yun!
AXEL : I'm not cheating on you Gwen! Sana naman paniwalaan mo ako!
AKO : Sorry Axel pero hindi kita kayang paniwalaan. And I'm so stupid to gave you the chance to hurt me again.
Bumakas ang sakit sa mukha ni Axel sa sinabi ko.
AXEL : Ganyan lang ba kababaw ang pagmamahal mo sakin Gwen? Hindi mo man lang ako magawang paniwalaan man lang kahit konti.
AKO : Don't give me that kind of crap Axel. Ganyan lang din ba kababaw ang pagmamahal mo sakin para magawa mo akong lokohin?
Bigla nalang sumigaw si Axel at hinampas ang lamesa.
AXEL : Bullshit Gwen! Hindi nga kita niloko!
That was the first time na sinigawan ako ni Axel kaya naman nashock talaga ako!
Nagulat nalang ako nang bigla na lang suntukin ni Yexel si Axel. Inilayo naman ako ng mga kaibigan ko kay Axel.
YEXEL : Hindi ba sinabi ko sayo na kapag sinaktan mo pa ulit si Gwen ay bubugbugin na kita?! How dare you shout at her! Ikaw na nga ang may kasalanan. Ikaw pa ang makapal ang mukha! You asshole!
AXEL : Gago ka huwag kang makialam dito!
Nagkagulo na dahil nagsuntukan na ang dalawa. Inawat naman nila DJ at Paul sina Axel at Yexel.
MAICA : Axel umalis ka na nga!
Nagpumiglas naman si Axel mula sa pagkakahawak dito ni Paul. Bago ito umalis ay tumingin muna siya sakin.
AXEL : And here I was hoping na ikaw ang makakaintindi sakin. Nagkamali ako. Sarili mo lang ang iniintindi mo. Selfish ka Gwen! Wala kang kwenta magmahal!
Bago ko pa masampal si Axel ay naunahan na ako ni Hara. Nagulat naman kaming lahat. Even Axel. Rinig ang malakas na pagdapo ng palad ni Hara sa pisngi ni Axel.
HARA : Tumigil ka na Axel. Huwag mo ng palalain pa ang sitwasyon. Umalis ka na bago pa kita ipatapon palabas sa mga bouncer ko.
Walang nagawa si Axel kundi ang padabog na lumabas ng bar. Sinundan naman siya ni Paul.
Pagkaalis ni Axel ay para akong nauupos na kandila. Iyak ako ng iyak. Alam ko na nasaktan din si Axel sa mga sinabi ko. Pero ano bang magagawa ko. Nasaktan din ako.
Tama siya. Hindi ko nga siya kayang pakinggan. Hindi ko siya kayang paniwalaan.
Wala akong kwenta magmahal!
***
A/N:
Ola chika! Malapit na ang ending ng forever niyo! Bwahahahahaha! *evilauthor*
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Chick-LitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
