Tell me if you love someone else
I will leave without saying a word
But I will always be here when you need me.
Even if I seem like a fool
Even if this is a painful love
You are still my everything.
-shinayawaara
***
Dear Diary,
Waaaahhhhh!!!! Kinikilig ako. Niyaya ako ni Yexel na mag date bukas. Yeah! As in yung official date na talaga. Hindi yung accidental date lang.
Honestly journal, hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta isang araw nagising na lang ako na lagi ko nang hinahanap si Yexel. Isang araw nagising na lang ako na gusto ko na pala siya. Gusto pa lang naman. Hindi pa naman mahal. Hindi ko rin naman kasi alam sa sarili ko kung capable pa ba ako magmahal ulit after naming maghiwalay ni Axel. Para kasing nakakatakot na. Nakakatakot ng sumubok ulit. Nakakatakot ng magtiwala.
Anyways, ayokong mag-isip ng malungkot. Excited na ako sa aming first date ni Yexel. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Surprise daw kasi yun. Hay! Nakakakilig talaga.
HARA : Ngayon, may kilig kilig ka pang nalalaman diyan, samantalang noon, wala akong ibang marinig sa iyo kundi kabitteran.
Syempre, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na magshare ng feelings diba? Ayoko muna magshare kay Maica kasi kakabreak lang nila ng boyfriend niya. Baka mainggit bigla ang bruha sakin. Kaya kay Hara muna ako magsheshare tutal mukhang happy naman na ang lovelife niya.
AKO : Hindi ko rin naman expected na magkakagusto ako kay Yexel eh.
HARA : Ang tanong Gwen, gusto lang ba talaga? Baka naman mahal mo na?
AKO : Mahal? Hindi pa noh! Napakabilis naman kung sasabihin kong mahal ko na si Yexel. Ano yun? Instant coffee? Instant noodles?
HARA : Okay lang naman na magustuhan mo si Yexel. Sino ba naman ang hindi magkakacrush sa kanya. Gwapo, mayaman, matalino at sexy. Bulag lang ang hindi magkakagusto sa kanya.
AKO : Eh bakit ikaw, hindi ka nagkagusto kay Yexel?
HARA : Bulag ako eh. Matagal ng bulag ang puso ko.
Ayyiiiieeeee!!! Ang cheesy! Nabatukan ko nga. Hay! Nagagawa nga naman ng pag-ibig oh. Ang dating “ice princess” kong kaibigan ay heto ngayon at ngumingiti ngiti at kinikilig na din.
AKO : Kumusta naman kayo ni DJ?
HARA : Okay lang.
AKO : Ang arte! Showbiz ng sagot. Magshare ka naman!
HARA : Wala akong isheshare sayo. Sakin na lang yun. Iyang lovelife mo ang intindihin mo.
AKO : Ang damot mo!
Well, naiintindihan ko naman siya. Minsan, may mga bagay tayong gusto nating sarilinin muna. Kumbaga, ifeel ang kilig sa sarili natin.
HARA : Advice lang Gwen, huwag mo munang ibigay ang puso mo. Gwardyahan mo muna. Kilalanin niyo muna ni Yexel ang isa’t isa. Kung tutuusin mas gusto ko si Axel para sayo, pero sa nakikita ko kasi sayo parang mas gusto mo si Yexel.
AKO : Hindi naman kasi seryoso si Axel sa pakikipagbalikan sakin eh. Pinagtitripan niya lang ako.
HARA : Hindi mo kasi siya pinaniniwalaan eh.
AKO : Paano ko naman kasi paniniwalaan ang lalaking sa tuwing makikita ko ay may ibang babaeng kasama?
Hindi na lang nagsalita si Hara. Ah basta wala akong pakialam kay Axel. Masaya ako para sa date namin ni Yexel.
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
