DEAR DIARY;
Sinubukan pa rin ni Axel na kausapin ako pero hindi ko pa rin talaga siya kinakausap. Yung mga kaibigan ko at si Yexel pinuntahan ako sa bahay pero pinaalis ko din sila. Wala ako sa mood makipagusap.
Hindi nga maganda ang pakiramdam ko nung magising ako. Suka ako ng suka hanggang sa pakiramdam ko ay wala na akong isusuka.
Bigla akong natigilan. Hindi pa pala ako dinadatnan ng buwanang dalaw. Imposible naman na may nabuo sa amin ni Axel sa unang beses lang?
Hindi nga pala kami gumamit ng proteksyon nang may nangyari samin. Inalis ko nalang sa isip ko ang mga posibilidad. Baka hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko.
Para makasiguro ay ipinasya ko na pumunta sa may kalapit na drugstore upang bumili ng gamot. Ang kaso hindi ko naman akalain na pagbukas ko ng pinto ay ang nakangiting mukha ni Panda ang bumungad sakin.
PANDA : Gotcha! Nalaman ko ang address mo.
AKO : Paano mo nalaman ang bahay ko?
PANDA : I asked Alyna. Hindi ko siya tinigilan hanggat hindi niya ibinibigay ang address mo sakin.
Napakamot nalang ako ng ulo. Ibinigay ko nga pala kay Alyna ang address ko dahil sabi ko ay kapag naisipan niyang pumunta ng Manila ay puntahan niya ako.
Balak ko pa sanang awayin si Panda nang may naamoy ako na hindi ko gusto. Agad akong nagtatakbo papuntang banyo upang sumuka. Agad namang sumunod si Panda sakin.
PANDA : Diyosa okay ka lang ba?
Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Panda pero ewan ko ba imbes na matuwa ako sa concern niya ay inaaway ko pa siya.
ANO : Ano ba iyang pabango mo?! Ang sakit sa ilong!
Inamoy naman ni Panda ang sarili niya.
PANDA : Okay naman ang pabango ko ah. Heto pa rin naman ang gamit ko.
AKO : Ayokong maamoy iyan!
Muli ay sumuka na naman ako. Nagulat na lang ako ng bigla akong buhatin ni Panda at isakay sa kotse niya. Siya na din ang nagdala ng bag ko at nagsara ng bahay ko.
AKO : What do you think you're doing?!
PANDA : Saan ba may malapit na clinic dito? Ipapacheck up kita.
AKO : Hindi mo ako kailangang ipacheck up. Wala akong sakit.
PANDA : Kumain ka na ba?
AKO : Wala akong ganang kumain.
PANDA : Bakit ka nagsusuka? Kung wala ka naman palang kinain.
AKO : Dahil nakakasuka ang amoy mo! Buksan mo nga itong pinto. Bababa ako.
PANDA : Stay there Diyosa. Magpapacheck up ka whether you want it or not.
Sa isang private clinic kami nakarating ni Panda. Panay naman ang reklamo ko pero nanatiling bingi si Panda sa mga reklamo ko. Siya na din ang nakipagusap sa nurse na nakatalaga sa clinic.
Kung ano ano ang test na pinakuha sakin. May urine at blood test. Mga isang oras din kaming naghintay para sa result.
Pagkakuha namin sa result ay kinausap na namin yung doctor.
DOC : Congratulations! It's positive.
AKO : Ano po Doc??
DOC : Positive ang result mo. Congratulations! You're pregnant.
Para akong nabingi sa narinig kong sinabi ng doktor.
AKO : Pregnant? Ako?
DOC : Yes. As per your pregnancy test result it's positive. Base on your LMP you are two weeks pregnant but we still need to have a transvaginal ultrasound examination to be sure. I'll give you vitamins to take para maging healthy si baby and may mga test ka pa na dapat macheck like HIV, CBC, VDRL, etc.
Windang! Iyon ang reaksyon ko!
DOC : Mister, alagaan natin si Misis ah. Ang first trimester ang pinakadelikadong stage dahil nabubuo palang si baby kaya dapat mag-ingat. Eat healthy foods and iwasan ang mastress.
Mukhang napagkamalan pa yata ng doktor si Panda na asawa ko.
PANDA : Don't worry doc. We will follow your instructions.
Hanggang sa makalabas kami ng clinic at makarating sa sasakyan ay tulala pa din ako. Si Panda na nga ang nagbayad sa clinic.
PANDA : I'm gonna be a daddy!
Iyon ang tila nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
AKO : Baliw! Daddy ka dyan! Hindi mo anak ito!
PANDA : Sorry nadala lang ako. Akala ko magkakababy na ako.
AKO : Paano mo magiging anak ang anak ko eh wala namang nangyari satin. Baliw ka din.
PANDA : Malay ko ba kung may sa Immaculate Conception ka pala.
AKO : Pwede ba TOP huwag mo na munang guluhin ang isip ko. Nawiwindang pa rin ako sa nalaman ko.
PANDA : Sorry na. Pero what are you going to do now?
AKO : Hindi ko alam TOP but one thing is for sure. Bubuhayin at aalagaan ko ang baby ko.
Kahit na medyo naguguluhan pa din ako sa naging takbo ng pangyayari ay malinaw pa rin sa isip ko na dapat akong maging matatag alang alang sa batang nasa sinapupunan ko ngayon. Bahala na bukas!
***
A/N :
Belated happy hearts day mga babies!!! Kumusta naman ang Valentines niyo?
-shinayawaara

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.