Gwen,
Speechless!
Grabe hindi ko akalain na ganito ang mangyayari.
Tatlong taon.
Tatlong taon ang nakalipas subalit heto tayo ngayon. Tayo na ulit.
Hindi ako makapaniwala na ako ang pipiliin mo. Akala ko talaga si Kuya Yexel ang mahal mo. Kaya naman hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng sabihin mong mahal mo pa din ako.
Sorry Gwen ah. Akala ko kasi kaya kitang ibigay kay kuya. Hindi pala. Hindi ko pala kayang ipaubaya ka sa iba.
Pangako Gwen.
Itong second chance na ibinigay mo sakin ay ite-treasure ko. Mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko.
Pangako.
-A.S.
***
"Kung nandito ka man ngayon at kung naririnig mo man ako ay makinig kang mabuti dahil ngayon ko lang sasabihin ito. Nakakainis ka. Nakakaasar ka. Nakakabwisit ka. Lagi mo nalang ginugulo ang isip ko. Akala ko okay na ako. Akala ko nakamove on na ako sayo. Akala ko hindi na kita mahal. Pero sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala dahil hanggang ngayon ikaw pa rin. Hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto ko. Hanggang ngayon ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko. Nasaktan man ako noon ikaw pa rin ang pinipili kong mahalin. Masaktan man ako ngayon ulit ay maluwag kong tatanggapin dahil ginusto ko ito."
Natahimik ang lahat ng tao sa loob ng bar ni Hara nang biglang magsalita si Gwen pagkatapos nilang magduet ng bokalista ng Equinox.
Maging ako ay natulala na lang din lalo na nang marinig ko ang mga sinabi niya. Alam kong para sa akin ang mga salitang iyon subalit tila nawalan ako ng boses.
Mayamaya lang ay nagulat ako nang biglang mapokus sa akin ang spot light. Malamang courtesy of Hara iyon dahil nakita ko siyang ngiting ngiti sabay turo kay Gwen na nakatayo sa ibabaw ng stage.
Gwen : AXEL DRAKE SEBASTIAN mahal mo pa rin ba ako? Kasi ako mahal na mahal pa rin kita!
Natahimik ang mga tao. Marahil ay naghihintay sa susunod na mangyayari. Animo mga bida kami sa isang pelikula na pinapanood ng mga tao.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at gamit ang lahat ng lakas ko ay nagsimula akong lumakad papunta sa stage. Sinusundan naman ako ng spot light habang naglalakad.
Hindi ako nagsasalita. Hindi rin ako ngumingiti. Subalit hindi ko rin inaalis ang tingin ko sa babaeng nagmamay ari ng puso ko hanggang sa makalapit ako sa kanya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at tinitigan.
Ako : Mahal parin kita. Mahal na mahal pa rin kita.
Tapos bigla ko siyang hinalikan sa harap ng maraming tao na nagsigawan naman.
Nakakatuwa dahil biglang tumugtog ang Equinox kaya nagkaroon kami ng background music.
Tumingin ako kay Hara para sumenyas ng thank you. Ngiting ngiti naman siya. Alam kong masaya siya para sa amin ni Gwen at masaya din ako para sa kanila ng boyfriend niya.
Muli kong tinignan si Gwen na punong puno ng pagmamahal. Pakiramdam ko nga ay naiiyak na ako. Niyakap ko siya ng mahigpit at wala na akong pakialam kung madami man ang nanonood sa amin. Proud akong ipakilala si Gwen sa buong mundo. Siya lang ang nag-iisang babaeng mamahalin ko buong buhay ko.
***
Naabutan ko si kuya Yexel sa bahay na nag-aalmusal pagkagising ko kinabukasan. Mukhang papasok pa lang siya sa trabaho. Naupo na rin ako upang kumain. Wala kaming imikang dalawa habang kumakain. Animo may dumaang anghel sa pagitan namin.
Ako : Kami na ni Gwen.
Ako na din ang bumasag sa katahimikan sa pagitan namin. Gusto ko din namang sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Gwen. Lalaki sa lalaki.
Yexel : I know.
Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman. Sinabi kaya sa kanya ni Gwen?
Mukhang nahalata naman ni kuya ang pagtataka ko kaya inilapit niya ang cellphone niya sa akin.
Nagtatakang tinignan ko naman ito at nakita ko ngang nakaupload na sa youtube ang nangyari kagabi sa bar ni Hara kung saan naging kami ni Gwen ulit.
Nagtrending ang pagpopropose ni Gwen sa akin!
Muli naman akong napangiti habang pinapanood ko ang naturang video. Kung sino man ang nag-upload nito ay gusto ko siyang pasalamatan.
Yexel : Take care of Gwen. Kapag sinaktan mo pa siya ulit ako na ang bubugbog sayo.
Pagkasabi niya noon ay tumayo na siya at iniwan na ako. Kibit balikat namang ipinagpatuloy ko ang pagkain.
Masaya ako ngayon!
***
A/N:
Mabuti pa si Axel masaya, samantalang si Authornim malungkot. Iniwan na ako ni Panda :(
NP:
Haru haru by Bigbang.
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.