# 62 Comfort

1.4K 36 10
                                        

DEAR DIARY;

Nagresign na ako sa trabaho. Nagsend nalang ako ng email sa supervisor ko at kay Yexel na din. Hindi ko din magawang harapin ang mga kaibigan ko. Ewan ko ba mas gusto kong magkulong lang sa kwarto ko. Hindi ko sinasagot ang mga text at tawag nila sakin.

I guess doon na nagtatapos ang relasyon namin ni Axel. Ang sakit lang dahil buong akala ko ay okay na kaming dalawa.

Wala din akong ganang kumain. Pakiramdam ko kasi ay sinusuka ko lang ang lahat ng kinakain ko. Sumasakit din ang ulo ko at hindi maganda ang pakiramdam ko.

***

Nagulat ako ng tinext ako ni Panda. Nasa Manila daw siya ngayon at tinatanong niya kung pwede daw ba kaming magkita. Nireplyan ko siya na hindi maganda ang pakiramdam ko. Nagulat naman ako ng tumawag siya sakin.

PANDA : Why? May sakit ka ba Diyosa?

AKO : Oo. Sakit sa puso.

PANDA : What????!!!! May sakit ka sa puso? Mamamatay ka na ba?

AKO : Huwag kang OA dyan TOP. Brokenhearted lang ako.

PANDA : Hey! You called me TOP. So, no more Panda anymore? Can I call you by your name now?

AKO : Bahala ka.

PANDA : Hmmm... I still prefer Diyosa. Mas bagay sayo. Wait, did you just say na brokenhearted ka?

AKO : Oo. Paulit ulit. Unli?

PANDA : Why? What happened?

AKO : Nagbreak kami ng boyfriend ko.

PANDA : Ha? Bakit naman?

AKO : Nakabuntis eh.

PANDA : Ouch! Are you okay now?

AKO : Mukha ba akong okay?! Saktan kaya kita diyan!

PANDA : Hey! I'm not your boyfriend! Yung boyfriend mo ang saktan mo.

AKO : Correction. Ex boyfriend.

PANDA : Whatever! So, where are you now?

AKO : Sa bahay. Tinatamad ako lumabas. Nagresign na din ako sa work ko.

PANDA : Tindi mo. Ano address mo?

AKO : At bakit?

PANDA : Pupuntahan kita. I want to see your ugly face.

AKO : Ewan ko sayo! Babye na!

PANDA : Hey! I'm serious. Pupuntahan nga kita.

AKO : Bakit nga? Isang ugly face mo pa dyan sasapakin na talaga kita.

PANDA : Well, hindi mo ako masasapak kapag hindi mo ako nakita. Kaya ibigay mo na sakin ang address mo para masapak mo na ako.

AKO : Ang kulit mo din noh? Pero sorry ka nalang dahil hindi ko ibibigay sayo ang address ko. Baka mamaya masamang tao ka pala at nakawan mo pa ako.

PANDA : Wow! Brokenhearted ka ba talaga? Ang talas ng bibig mo magsalita. Masama ka palang maging brokenhearted.

AKO : Ganito talaga ako.

PANDA : Don't worry Diyosa, hindi kita nanakawan. Mas mayaman ako sayo. Mahirap ka lang diba? Hindi mo nga kayang bilhin ang painting ko.

AKO : Ewan ko sayo.

In the end hindi ko pa rin ibinigay ang address ko kay Panda. Pero nakakatuwa lang dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang makausap ko siya. Kahit papaano in his own insulting ways ay nakaramdam ako ng comfort.

***

A/N:

Huwag na huwag mong masubukang agawin si Panda sa akin Gwen at matutuluyan ka talagang magkaroon ng sakit sa puso! Akin lang si Panda! Akin lang siya!!!

-shinayawaara

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon