# 67 Where do broken hearts go?

1.4K 36 24
                                        

DEAR DIARY:

Pumayag na si TOP.

Sabi niya ay may bahay daw sila sa Sagada. Tanging caretaker lang daw ang nakatira doon. Ang sabi ko naman sa kanya ay kahit hanggang makapanganak lang ako. Sabi naman ni TOP kahit daw dun na ako tumira habang buhay okay lang daw.

Naisip ko lang yung sinabi ni Hara. Parang unfair naman yata na bigyan ko ng obligasyon si TOP. Binata pa yung tao saka baka kung ano ang isipin ng ibang tao kapag nalaman nila na dun ako sa bahay nila TOP titira. Gustong magbago ng isip ko kaya lang kapag naiisip ko ang sakit na ibinigay sakin ni Axel bumabalik ang kagustuhan kong lumayo.

HARA : Kung gusto mo talagang lumayo kay Axel I can help you. We all can help you. Anong silbi ng mga kaibigan mo? Anong silbi ng pagiging anak ng politiko ni Allie kung hindi natin magagamit iyon sa pagtatago mo. Andyan din naman ang pamilya ni Ella, mayaman naman iyon. Matutulungan ka din nun. Nandyan din si Dianne, Mae at Aira. Mga gala yung mga iyon kaya marami silang alam na pwede mong pagtaguan na lugar. At higit sa lahat nandito kami ni Maica. Kaya naming ipabugbog lahat ng magtatakang manggulo sayo. Kailangan mo lang magsabi samin Gwen.

Niyakap ko si Hara. Alam ko namang tutulungan nila ako kapag nagsabi ako sa kanila. Pero ayoko na silang madamay pa sa gulo ng buhay ko.

AKO : I know that Harabella. Pero syempre sa inyo ako unang hahanapin ni Axel kapag nawala ako. At ayokong madamay pa kayo.

Nagulat ako nang bigla niya akong batukan.

HARA : Anong madamay ang sinasabi mo dyan. Kaibigan mo kami. Damay damay talaga ito.

Maswerte ako na nagkaroon ako ng mga kaibigang tulad nila. But this time, it's my own destiny. At obligasyon ko sa sarili ko na panindigan ang sarili kong problema.

***

Kinausap ko si TOP. Tinanong ko siya kung talagang okay lang ba na tulungan niya ako at bakit niya ako tinutulungan.

PANDA : Because you asked for my help and because I am a very generous person, I will help you.

AKO : Hindi ba ako magiging sagabal sa paghahanap mo ng forever mo?

PANDA : Huh??? What forever??

AKO : Syempre sa paghahanap mo ng bagong jowa. Baka makasagabal ako sayo.

PANDA : Ahh. Don't worry Diyosa. Hindi naman hinahanap yun. Kusa iyong darating.

AKO : Bakit mo ako tinutulungan? Hindi naman tayo ganun katagal na magkakilala.

Biglang inilapit ni Panda yung mukha niya sakin.

PANDA : It's because.......

AKO : Because what?

PANDA : .... because mabait at mayaman ako. That's why I can help you.

Nahampas ko naman bigla tuloy ang mukha niya. Baliw na Pandang iyon. Well, nakakatuwa lang isipin na parang kailan lang ay brokenhearted itong Pandang ito. I didn't expect na may itinatago pala itong aircon sa katawan niya.

PANDA : You don't have to worry Diyosa. Malinis ang hangarin kong tumulong sayo. Let's just say that for me, you are just like a lost kitten that needs my help. Maawain pa naman ako sa mga animals.

AKO : Baliw ka! Anong tingin mo sakin pusa?!

PANDA : No you're not. Mas cute ang pusa kesa sayo.

Nahampas ko tuloy ulit siya.

Baliw na Pandang iyon! Makapanlait akala mo kung sinong kagwapuhan.

Napatitig ako sa kanya na walang tigil pa din sa kakatawa. Bwisit talaga yun ang lakas mang-asar.

Pero syet! Gwapo naman talaga siya!

***

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon