DEAR DIARY;
Nakahanda na ang lahat ng gamit na dadalhin ko papuntang Sagada. Sa Sabado na ang alis ko. Nakausap na daw ni TOP yung caretaker nila para ipaalam na pupunta kami doon at mag-i-stay. May ospital naman daw doon kung saan ako pwedeng manganak sabi ni TOP. Actually medyo nag-alala nga ako kasi paano ang trabaho ni TOP sa Canada? Ang sabi niya noon ay ayaw niya pang umuwi. Pero syempre hindi naman pwede na siyam na buwan niya akong sasamahan sa Sagada.
PANDA : I quit my job in Canada.
AKO : What????!!! Ang sabi mo lang sakin tinatamad ka pa bumalik kasi gusto mong maglibot sa Pilipinas pero hindi ko alam na nagresign ka na pala.
PANDA : I got bored. Saka pwede pa din naman akong work kahit homebased.
AKO : TOP ginagawa mo ba ang lahat ng iyan para sakin? Huwag ganun. Sobra sobra na nga ang tulong mo sakin.
PANDA : Hindi ko ginagawa iyon para sayo. I'm doing this for myself. Gusto ko ng bagong environment.
Medyo hindi ako satisfied sa sagot at paliwanag ni TOP pero sabi niya huwag na daw ako kumontra dahil nagdesisyon na siya.
***
Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay si Yexel ang nabungaran ko. Kaaalis lang ni TOP nun. Mabuti at hindi sila nagpang-abot.
YEXEL : Kumusta ka na Gwen?
AKO : Okay lang naman. Ikaw kumusta? Ang tagal nating di nagkita ah.
Mula kasi noong insidente sa bar ni Hara ay hindi ko na ulit nakita pa si Yexel.
YEXEL : I'm fine. Are you sure you're okay? Parang nangayayat ka yata? May kinakain ka pa ba?
AKO : Ang OA naman nito. Syempre meron. Saka nagpupunta naman dito si Hara. Dinadalhan ako ng pagkain lagi nun. Alam mo na wala akong trabaho.
Hinawakan ni Yexel ang kamay ko.
YEXEL : I'm so sorry Gwen. Hanggang ngayon nagiguilty pa din ako sa ginawa sayo ng siraulo kong kapatid.
AKO : Wala ka namang dapat ihingi ng sorry. Wala kang kasalanan. Kumusta na pala ang preparation sa kasal ng kapatid mo?
Masokista nga yata talaga ako dahil tama bang itanong ko pa iyon? Sinasaktan ko lang sarili ko. Masaya na si Axel sa piling ng ibang babae! Dapat kong tanggapin na iyon.
YEXEL : Well, my brother is still refusing to marry Amy. Ang sabi niya ay pananagutan niya ang bata pero hindi niya pakakasalan si Amy.
AKO : At bakit naman? Tama lang naman na panagutan niya ang ina ng magiging anak niya.
YEXEL : You know what Gwen, Axel maybe stupid and jerk but I know that he really loves you. Kung alam kong hindi ka niya talaga mahal ay hindi kita isusuko sa kanya. He loves you Gwen at kaya siya tumatangging pakasalan si Amy ay dahil ikaw lang daw ang babaeng pakakasalan niya.
***
"He loves you Gwen at kaya siya tumatangging pakasalan si Amy ay dahil ikaw lang daw ang babaeng pakakasalan niya."
Nakaalis na si Yexel pero paulit ulit pa ding tumatakbo sa isip ko ang sinabi niya.
Kung mahal niya talaga ako at ayaw niyang pakasalan ang bruhildang babaeng iyon ay bakit nakita ko silang naghahalikang dalawa sa labas ng bahay nila?
Hindi ko na alam kung ano bang papaniwalaan ko.
Sa totoo lang wala din naman akong ibang pinangarap kundi ang pakasalan si Axel. Pero sadyang ganun yata talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin makukuha natin. #hugot
Hay grabee! Namiss ko tuloy ang humugot!
Nagagawa nga naman ng brokenhearted oh!
***
Tinawagan pala ako ni Hara. Pumunta daw ako sa bar niya bukas at isama ko si TOP. Kakausapin daw niya at magpapadespedida party daw siya para sakin. Pero syempre secret lang iyon sa iba naming friends. Dalawang araw na lang pala at aalis na ako.
Aaminin ko hanggang ngayon mahal ko pa rin si Axel. Hindi na yata basta bastang maaalis iyon. Hanggang ngayon medyo nasasaktan pa ako pero wala eh. Ganun talaga ang buhay parang gulong. Minsan nasa ibabaw, kung minsan naman nasa ilalim. #hugotsabaul
***
A/N:
Two more updates!
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
