DEAR DIARY;
Nagpunta kami ni TOP sa bar ni Hara. Infairness kumpleto ang barkada. Nandun din sina Paul, DJ at Yexel. Tinanong ko si Hara kung may idea ba ang mga kasama namin na aalis na ako. Ang sabi niya ay wala daw.
AKO : Eh paano mo sila napapunta dito ngayon?
HARA : Friday ngayon diba? Alam mo namang every Friday ay nagkikita kita tayo.
Oo nga pala. How could I forget that. Sabagay magmula ng maghiwalay kami ni Axel at nalaman ko na buntis ako ay hindi na ako masyado nagpupunta sa bar ni Hara. Bawal magpuyat eh.
HARA : Bawal ka uminom ah. Juice lang sayo.
Pinakilala ko si TOP sa mga kaibigan ko. Nang-iintriga nga ang tingin nila sakin.
AIRA : Oy bru! Sino yan? Bagong Papa mo?
MAE : Nakamove on ka na kay Axel agad?
ALLIE : Infairness mas gwapo siya kesa kay Axel ah.
DIANNE : Trulalu! Mas yummy pa.
ELLA : Hi, my name is Ella.
Nahila ko tuloy ang buhok ni Ella
Talande! Ikakasal na lang ay lumalandi pa.
AKO : Magtigil nga kayo. Kaibigan ko lang si TOP okay.
MAICA : Oo nga. Magkaibigan lang sila. Hindi niya type si Gwen. Maski nga ako hindi niya type, asa ka pa Ella na matatypepan ka niya. Si Harabella ang type niyan.
Natawa ako nang pandilatan ni Hara ng mata si Maica. Baliw na Maica iyan. Kasama kaya namin si DJ.
AKO : TOP, mga kaibigan ko nga palang baliw. Sina Allie, Aira at Dianne, single pa iyang mga iyan. Pwede kang mamili sa kanila. Si Ella at Mae, may mga jowa na iyan. Nameet mo na sina Hara at Maica diba?
PANDA : Yup. Hello. Nice to meet you. I'm TOP.
ELLA : Bakit TOP ang pangalan mo?
PANDA : Ahmmmm.... 'Cause I'm always on top?
Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ni TOP pero bigla nalang naghagikgikan ang mga bruha kong kaibigan. Pati yung mga boys natawa din. Tapos pagtingin ko kay TOP nakangisi siya.
AKO : Ahh hello??? Anong meron?
MAICA : Huwag na nating pansinin si Gwen, slow iyan eh.
ELLA : Bakit parang green ang naisip ko sa sagot ni TOP?
AIRA : Eh kasi green minded ka.
ELLA : Ako lang ba? Eh tumawa din kaya kayo. Mga green minded din kayo.
ALLIE : Ang funny mo TOP ah. I like you.
PANDA : Thank you.
AKO : Ewan ko sa inyo. Pinagtutulungan niyo na naman ako. Siya nga pala, TOP, sina Paul, DJ at Yexel. Mga kaibigan din namin. Si DJ ang boyfriend ni Hara.
DJ : Finally we meet Pare. Naikwento ka na ni Bella sakin.
PANDA : Nice to meet you. So you are the lucky guy. Don't worry hindi ko aagawin ang girlfriend mo. Crush ko lang siya.
DJ : I guess I am a lucky guy. I'm not worried. May tiwala ako sa girlfriend ko and naiintindihan kita. Sa ganda ba naman ng girlfriend ko.
Nakakatuwa lang dahil akala mo ay matagal ng magkakakilala ang mga ito dahil as ease si TOP sa kanila. Kalog din naman kasi iyang si TOP kaya hindi na nakakapagtaka iyon.
***
Palihim na kinausap ni Hara si TOP. Inintriga niyang mabuti at hiningi din niya ang address dun sa resthouse nila TOP.
HARA : Ingatan mo si Gwen ah. Kapag may nangyaring masama diyan kahit saang lupalop ka pa ng mundo hahanapin kita.
PANDA : Sweet! Don't worry I will take care of Diyosa. If you want pwede ka din namang pumunta dun at dalawin siya. Or mas better kung dun ka na din tumira.
HARA : Tigilan mo ako kung ayaw mong ipabugbog kita sa boyfriend ko.
PANDA : Nah! Your boyfriend won't do that. He seems like a nice and gentle guy.
HARA : Sabagay tama ka. Sa mga bouncer ko nalang ikaw ipapabugbog.
PANDA : Sabi ko nga tatahimik na ako.
Ang dalawang ito at mukhang close na close na yata?!
Bago matapos ang gabi ay niyakap ko muna ang lahat ng kaibigan ko. Matagal bago ko sila ulit makita. Medyo naguguilty ako na hindi ko sinabi sa kanila ang lagay ko pero mas mabuti na din siguro iyon.
Mamimiss ko silang lahat.
Mamimiss ko kayo.
***
A/N:
One more!
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Chick-LitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
