# 14 Bakit ngayon lang?

2.6K 82 10
                                        

DEAR DIARY,

Continuation ito nung Entry # 13 ko.

Nagulat ako nung makitang magkasama kami ni Axel sa loob ng kotse niya. Agad kong kinapa ang sarili ko kung may suot pa akong saplot sa katawan. #Assuming

AXEL : Assuming ka Gwen. Wala akong ginawa sayo.

Aba?! Mabuti na ang nag-iingat. Wala akong tiwala sa lalaking iyan.

Pero journal joke lang yun.

Alam kong walang gagawing hindi maganda sakin si Axel. Sa loob ng pitong taon naming magkarelasyon ay iginalang niya ako. Walang nangyari samin. Hanggang halik at yakap lang kami. Kaya nga sa edad kong 27 ay virgin pa din ako. Minsan nga gusto ko ding pagsisihan kung bakit masyadong naging gentleman si Axel. Wala man lang iniwan saking alaala. #MalandiKaGwen

AKO : Bakit nandito ka? Bakit nandito ako sa kotse mo? Nasaan si Maica Reign Domingo at si Harabella Gomez?!

AXEL : Tinawagan kami ni Hara. Nagrereklamo na yung kaibigan niyo. Inuubos niyo daw ang alak niya. Sa susunod daw sisingilin na niya kayo. Si Maica hinatid na ni Paul sa kanila.

Sinasabi ko na nga ba at si Hara ang may pakana nito. Hindi ko alam kung anong trip nung babaeng iyon at nagpeplaying cupid samin ni Axel. Asa naman siya na magkakabalikan pa kami.

AKO : Bakit tinawagan ka pa niya? Pwede namang si Paul na ang maghatid din sakin. Madadaanan naman ang bahay ko papunta sa bahay ni Maica.

AXEL : Masyado ng late kung ihahatid pa kayong dalawa ni Paul and besides may tiwala sakin si Hara kaya sakin ka niya ibinilin.

Hindi na ako nagsalita. Medyo #FeelingAckward din naman ako. Kahit kasi sabihin na nanatiling kaibigan ng mga barkada ko si Axel ay hindi na nagkaroon ng pagkakataon na magkasama kaming dalawa mula nung naghiwalay kami.

AXEL : May problema ba Gwen?

Hindi ako nagsalita. Tinalikuran ko lang siya at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

AXEL : Gwen, galit ka pa rin ba sakin?

Hindi pa rin ako nagsalita. Kung trip niyang mag monologue ay bahala siya sa buhay niya. Basta ako hindi ako magsasalita. Period!

AXEL : I'm sorry Gwen kung nasaktan man kita. Believe me hindi ko gustong masaktan ka. Dumating lang talaga sa point na may gusto akong patunayan sa sarili ko and feeling ko hindi ko maabot iyon kapag kasama kita. Pero Gwen, sobrang pinagsisihan ko nung nakipaghiwalay ako sayo. Kung pwede ko lang sana ibalik ang nakaraan. Hinding hindi kita iiwan. But three years was long enough para umasa pa ako na sana bumalik tayo sa dati. Alam ko naman na nakamove on ka na. Ayoko ng guluhin pa ulit ang buhay mo. Pero gusto ko lang malaman mo na ikaw lang ang babaeng minahal ko ng sobra.

Hindi ko alam kung kelan ako nakarating ng bahay namin. Basta ang tanda ko nalang ay hanggang makababa ako ng sasakyan ni Axel ay hindi ako nagsalita.

Pagpasok ko sa loob ng bahay namin ay ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko. Paksyet! Iyak ako ng iyak!

Apektado ako meeeeen!!!!

Bakit naman naisipan ni Axel na magdrama ng ganun?! Bakit ngayon lang niya sinasabi sakin na sana hindi kami naghiwalay?! Bakit ngayon pa kung kailan hindi ko na kayang magtiwala ulit?! Bakit kung kailan tatlong taon na ang nakalipas?!

Siraulo ka talaga Axel! Paksyet ka!

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon