DEAR DIARY,
One hour before six o'clock ay nasa bahay ko na si Yexel. Sobrang aga naman niya. Six kasi ang usapan
namin na susunduin niya ako. Mabuti nalang at nakaayos na ako. Nagpunta kasi sina Maica at Ella sa bahay para ayusan ako. Then nung malapit ng dumating si Yexel ay umalis na sila. Pupunta daw sila sa bahay ni Hara. Maglalasing daw sila.
Suot ko yung damit at sapatos na bigay ni Axel sakin. Napansin ko na natuwa naman si Yexel sa nakita niya.
YEXEL : You look dazzling tonight.
Oha! Dazzling daw ako.
Tama nga si Axel na sa party kami pupunta. As per Yexel, taon taon daw ginaganap yung charity ball na yun organized by his mom. Iba na talaga kapag mayaman. May charity ball pang nalalaman samantalang kapag simpleng mamamayan lang ay volunteer works ang ginagawa para makatulong sa charity.
Sobrang gentleman si Yexel. Iningatan talaga niya ako. Todo alalay pa nga siya sakin. Ipinakilala din niya ako sa Mommy niya.
YEXEL'S MOM : Nice to meet you Hija. You look familiar. Have we met before?
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero dahil ayoko namang magsinungaling ay nagsabi ako ng totoo.
AKO : Nagmeet na po tayo once nung graduation ni Axel.
Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ko nalang sinabi na ipinakilala ako ni Axel bilang girlfriend niya.
YEXEL'S MOM : Really? You know my younger son too? Nasaan na nga pala yung kapatid mo Yexel?
YEXEL : I don't know Mom. Hindi ko pa po siya nakikita simula kanina.
YEXEL'S MOM : Oh siya, I will leave you two na. I will just greet my amigas there.
At iniwan na kami ng Mommy ni Yexel upang salubungin ang iba pa niyang bisita. Tama nga si Axel. Halatang mga mayayaman ang bisita sa party na iyon. May nakita pa nga akong artista.
Okay na sana ang gabi ko dahil hindi naman ako pinabayaan ni Yexel. Inasikaso niya ako. Ang kaso may hadlang.
May lumapit sa aming babae. Sa pagkakatanda ko ay siya yung babaeng kasama ni Axel noon na nagpunta sa opisina namin. Yung babaeng hipon na nakalimutan ko na ang pangalan.
Axel...Axel...Axel!
Puro nalang Axel! Si Yexel ang kasama mo Gwen uy! Nang-aano ka eh!
YEXEL : Hello Amy. Nice to see you here.
Ahhh... so Amy pala ang pangalan niya. Akala ko hipon eh.
AMY : Nice to see you too Yexel. I went to your office last time but I wasn't able to meet you there.
Ang arti arti naman magsalita! Ang nakakaloka pa ay bigla niyang hinalikan si Yexel sa labi at sa harapan ko pa! Hindi na nahiya!
Pakunswelo ko nalang siguro yung pagkagulat ni Yexel. Hindi niya rin siguro ineexpect na hahalikan siya nung babaeng hipon.
YEXEL : May meeting kasi ako outside that time. Sinabi nga sakin ni Axel na nagpunta ka nga.
Ahhh so nakakaintindi naman pala ng Tagalog ang babaeng hipon.
Mukhang sa wakas ay naalala din ni Yexel na kasama niya ako dahil ipinakilala niya ako sa babaeng hipon.
YEXEL : Amy, meet Gwen, my date. Gwen, this is Amy, a family friend.
Hindi ko gusto ang naging tingin sa akin nung babaeng hipon kasi tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Chick-LitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
