DEAR DIARY,
Tama nga ang hinala ko dahil nagtrending agad ang ginawa kong proposal kay Axel. Malupit mang aminin pero mukhang ako nga yata talaga ang nagpropose sa kanya.
Bukod sa ginawa kong proposal ay nagtrending din ang ginawa kong duet with Equinox. Ang saya saya ko lang. Imagine first time na nakapagperform ako with the hottest band in the country. Pero syempre mas masaya na after three years ay kami na ulit ni Axel.
Pagdating ko sa opisina ay inulan ako ng tukso ng mga kaopisina ko. Maging ang mga kaibigan ko ay hindi rin ako tinigilan sa panunukso. Nung makasalubong ko si Yexel ay binati niya ako at sinabi na masaya siya para sakin.
YEXEL : Kapag sinaktan ka ni Axel sabihin mo sakin at bubugbugin ko siya ulit.
AKO : Huwag na. Baka mabawasan pa ang kapogian niyong dalawa.
Nung uwian naman ay sinundo ako ni Axel. As usual inulan kami ng tukso ng mga katrabaho ko. Well sorry nalang sila dahil ang haba yata ng hair ko.
AXEL : Saan mo gustong kumain?
AKO : Friday ngayon diba? May meet up ang barkada.
Naging tradisyon na sa amin na magkita kita tuwing Friday dinner. Nagkataon kasi na iyon ang schedule na available kaming lahat. As usual sa bar ni Hara ang meet up place.
AXEL : Oo nga pala. 8pm pa ang meeting time diba? Medyo maaga pa naman. Gusto mo bang manood muna ng sine?
AKO : Gustuhin ko man baka malate tayo. Mapagalitan pa tayo nila Maica at Hara. Maglibot libot nalang siguro tayo sa mall.
AXEL : Oo nga. Nakakatakot pa naman yung mga kaibigan mo kapag nagalit. Lalo na si Hara. Tatahitahimik pero kakaiba kung magalit.
AKO : Kaya ikaw umayos ka diyan. Huwag mo na akong sasaktan ulit kung ayaw mong kulamin ka na ng mga kaibigan ko.
AXEL : Hindi ko maipapangakong hindi kita masasaktan Gwen. Hindi ko naman hawak ang panahon. Ang maipapangako ko lang siguro sayo ay hindi kita sasaktan intentionally. O kung masaktan man kita I will see to it that I will make it up to you.
AKO : Alam mo nagiging cheesy ka na ngayon ah. Dati rati hindi ka naman vocal sa nararamdaman mo. Epekto ba iyan ng madaming babaeng pinormahan mo?
AXEL : Ay grabe siya! Hindi naman ako babaero. Ikaw lang ang babaeng minahal ko. Kasalanan ko ba kung lapitin ako ng babae? Pero promise ko sayo mula ngayon ikaw nalang talaga ang babae sa buhay ko.
AKO : Talaga?
AXEL : Oo naman.
Tapos hinalikan niya ako nung nag red light ang stoplight.
***
Sa may malapit na mall sa bar ni Hara nalang kami nagpunta ni Axel. Sa kalilibot namin ay naisipan ni Axel na bumili ng bagong damit. Matagal na daw mula nung huli siyang nakapagshopping. Hindi ko daw kasi siya sinasamahan. Talagang nangunsensya pa ang mokong.
Ako ang namili ng mga damit na bagay sa kanya. Baliw nga yung lalaking iyon dahil nung sinusukat niya ang damit sa fitting room ay niloloko pa talaga niya ako. Pinapakita niya ang abs niya sakin! Bwisit na lalaking iyon at inaakit ako!
AKO : Ang landi mo! Umayos ka nga dyan! Mamaya may makakita sayo.
AXEL : Makikita lang naman nila. Pero ikaw lang ang makakahawak.
Tarantadong lalaki talaga itong boyfriend ko! Kung makapagbiro ng ganun sa akin ay parang nang-aasar pa talaga! Samantalang sa pitong taon naming magkarelasyon ay wala namang nangyari sa amin.
Tinalikuran ko nalang siya at sinabing tapusin na ang pamimili niya dahil malapit nang mag alas otso. Pero ang totoo nun ay nag-iinit na kasi ang mukha ko.
Ang lakas mang-akit ng mokong!
Quarter to eight kami dumating sa bar ni Hara. Akala nga namin ay kami pa lang ang nandun pero nandun na din ang iba naming kaibigan at take note may mga bitbit silang plus one.
Nandun si DJ of course.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nandun sina Nigel at Killian. Silang dalawa lang at hindi nila kasama ang ibang myembro ng Equinox. Ordinaryong mamamayan lang daw sila ngayon.
Huling dumating si Ella at may bitbit siyang lalaki. Ipinakilala niya sa amin yung lalaki na si Nicolo. So iyon ang fiancee pala ni Ella. Hindi na ako updated sa lovelife niya kaya wala na akong balita kung ano na ang nangyari sa nakatakda niyang kasal.
AKO : Himala wala yata si Paul?
Kapag may meet up kasi kami always present iyong si Paul kaya nakakapagtaka na wala siya ngayon.
HARA : Brokenhearted.
AKO : Ha?? Brokenhearted si Paul? Kanino? Sayo?
Kibit balikat lang ang isinagot sakin ni Hara.
Nakakaloka ang naging dinner namin dahil syempre inulan kami ng asar ni Axel ng mga kaibigan ko.
ALIE : May pahiwalay hiwalay pa kayong nalalaman magiging kayo din pala ulit. Ginulo niyo lang ang utak namin.
MAICA : Hoy Axel huwag na huwag mo ng paiiyakin iyang si Gwen kundi ipapabugbog ka na namin talaga sa mga bouncer dito sa bar ni Hara.
AXEL : Hindi na. Mahal na mahal ko kaya ito.
Tapos niyakap niya ako sa harap ng mga kaibigan ko. Pinagbabato naman nila kami ng nadampot nilang mga nuts.
AKO : Girls salamat sa suporta niyo ah. Kaya mahal na mahal ko kayo eh.
MAE : What are friends are for.
Itinaas ni Alie ang hawak na baso at tumayo.
ALIE : Syempre una na sa lahat gusto kong batiin sina DJ at Hara dahil sabi nga nila First love never dies, syempre sina Axel at Gwen sa pagpapatunay that Love is sweeter the second time around, sina Ella at Nicolo sa kanilang nalalapit na kasal, si Maica sa pagkakaroon niya ng bagong boyfriend kahit na masakit sa puso ko at higit sa lahat si Mae na may hawak ng korona ng kagandahan ngayon at gusto kong sabunutan dahil ang haba ng buhok. Cheers!
Lahat kami ay nagtaas ng baso at sumigaw ng cheers. Nakalimutan ko palang sabihin na si Mae pala ang special someone na tinutukoy ni Nigel. Eh di wow! Haba ng hair! Pero mas naloka ako nung nalaman ko na may bagong boyfriend na si Maica dahil walang sinasabi sakin ang bruha.
MAICA : To forever!!!!
ALIE, AIRAH & DIANE : Walang forever!!!!
Natawa nalang kaming lahat. Palibhasa sila na lang halos ang natitirang single sa grupo kaya ang bibitter.
Well, hindi na ako kasama sa kanila dahil may forever na din ako.
***
A/N:
Akala mo lang meron...
Pero wala...wala...wala!
Walang Forever!
-shinayawaara
(isa sa mga bitter)
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Romanzi rosa / ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
