# 40 Hara's birthday part 2

1.6K 51 62
                                    

DEAR DIARY,

Shocked!

Windang!

Tuliro!

Iyan ang mga naging reaksyon ko nang pagbuklat ko sayo ay ibang sulat kamay ang nakita ko. Dudugtungan ko na sana ang naputol kong sinusulat sayo nang makita kong may ibang gumalaw ng diary ko.

Bakit ka ba naman kasi pakalat kalat? Ayan tuloy! May nakabasa na sayo! Pero mabuti nalang at si Hara iyon. Hindi masyadong nakakahiya.

Pero ang mas ikinagulat ko ang mga nabasa kong sulat ni Hara. Hindi ko kasi alam na ganun na pala ang inis niya sa amin. Kunsabagay kung ako man siguro ang nasa kalagayan niya ay maiinis din ako.

Pero teka! Hindi pa rin tama na sinulatan ka niya! Nagsorry pa naman ako sa kanya iyon pala may ginawa na siyang ganti sakin. Iba talaga gumanti ang isang Harabella Gomez!

Anyways, hayaan mo at kakausapin ko si Harabella. Pagagalitan ko siya kasi sinisira niya ang penmanship ko dito sa journal ko.

To be continue tayo.

Pagkatapos kong magwalk out dun sa magkapatid ay kinausap pala sila nang mga kaibigan ko. Nagsorry na din sila kay Hara sa ginawa nilang gulo pero mukhang mainit ang ulo ni Harabella dahil nagkulong lang siya sa kwarto at ayaw niyang lumabas. Anong silbi ng party namin kung wala naman ang celebrant? Kaya ayun pinagalitan tuloy nila Maica sina Yexel at Axel. Sinermunan sila ni Maica. Buti nga sa kanila. Ayoko din kasi silang kausapin. Kahit anong gawin nilang pagkausap sa akin ay iniiwasan ko sila. Instead ay nilapitan ko si DJ at kinausap ng sarilinan.

Sinabi ko kay DJ ang mga nabasa ko sa diary ko na sinulat ni Hara. Siguro naman ay okay kong sabihin kay DJ iyon since isinulat ni Hara iyon sa journal ko kung saan pwede kong mabasa syempre. Tingin ko kasi ayaw lang ni Hara na sa kanya manggaling ang mga salitang isinulat niya kaya ipinadaan niya sa akin.

Nagulat si DJ sa mga sinabi ko. Akala daw niya ay okay na sila ni Hara. Sabi ko ay maraming namamatay sa maling akala. Halata sa mukha niya na parang nanlumo siya. Well, hindi ko na problema iyon. Nagawa ko na ang part ko.

After kong kausapin si DJ ay kinausap naman ako ni Yexel.

YEXEL : I'm so sorry Gwen for acting like a jerk. I guess I just lose my control.

AKO : Wala na iyon Yexel. Medyo nakakainis lang kasi party ni Hara ito tapos ako pa ang dahilan kaya nagkagulo. Saka medyo nagulat lang ako na pinatulan mo pa talaga si Axel. You are better than that Yexel.

YEXEL : I know. It's just that, that stupid brother of mine always brings the worst part of me.

Ewan ko pero parang bigla akong nainis kay Yexel nung tinawag niyang stupid si Axel. Para kasing hindi tama dahil kahit ano pang mangyari ay kapatid niya pa rin si Axel.

YEXEL : I'm really really sorry Gwen. I hope you can forgive me.

Pagkatapos akong kausapin ni Yexel ay tinawag ako ni Maica para mag-ayos sa party ni Hara. Ang kaso bigla namang sumulpot si Axel sa kusina.

AKO : Anong ginagawa mo dito?

AXEL : Gwen, seesaw ka ba?

Muntanga si Axel. Alam niyang badtrip ako sa kanya babanatan niya ako ng pickup line.

Oh well...

AKO : Bakit?

AXEL : Kasi kapag wala ka.....down ako.

Nung una ay hindi ko pa nagetz kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya.

AXEL : Uy! Tawa ka naman dyan. Mukha akong tanga dito.

Nung nakuha ko na ang ibig sabihin ni Axel ay bigla akong napangiti.

AKO : Ang corny mo ah!

AXEL : Ang slow mo pa rin hanggang ngayon.

Naalala ko nung kami pa ni Axel ang hilig niya din akong banatan ng pickup line kapag nagkakatampuhan kami o nag-aaway. That's Axel's way of saying sorry. Hindi pa rin siya nagbago. At tama siya hanggang ngayon slow pa din ako.

AKO : Bakit mo ginawa iyon Axel? Hindi mo dapat inaway si Yexel. Kuya mo pa din iyon.

AXEL : I know. But I'm not sorry for what I did. He deserves it. Akala mo kung sino siyang Mr. Perfect.

Hay! Mukhang malala na ang tama ng magkapatid na ito. Bakit ba ako naipit sa gitna nila?

AXEL : Alam ko naman na mali na sinuntok ko si Kuya. Pero kasalanan mo kasi iyon Gwen.

AKO : Excuse me?? Ako pa ang may kasalanan?

AXEL : Oo. Pinagseselos mo kasi ako.

Hindi ko maintindihan si Axel. Bakit ko naman siya pagseselosin?

AXEL : Alam ko sinabi ko na okay lang sakin kung ligawan ka man ni Kuya. Sabi ko okay lang sakin kapag naging kayo. Sabi ko wala na akong pakialam. Sabi ko masaya ako para sa inyong dalawa. Pero paksyet! Hindi okay sakin lahat ng iyon! Because deep inside I'm hoping na ako pa rin. I'm hoping that you would still choose me. But seeing how cozy you two with each other makes my heart burn with jealousy. Lalo na nung narinig ko ang mga kaibigan mo na balak mo nang sagutin si Kuya. Hindi ko pala kaya Gwen. Hindi ko kayang mapunta ka sa ibang lalaki.

Mula nang maging kami ni Axel hanggang sa magkahiwalay kami ay never kong narinig na nagsalita si Axel nang mga ganitong bagay kaya naman nagulat talaga ako. Aside from the fact na nakakagulat ang mga sinabi niya.

AKO : Aren't you being selfish Axel? You can't love and yet you don't want me to love other guys? Anong trip mo? Iburo ko ang sarili ko sa one sided na pagmamahal ko sayo?

Biglang hinawakan ni Axel ang kamay ko.

AXEL : No Gwen. I love you. I still love you. Can we start over again? Will you give me another chance?

Jusmio journal bakit naman ang haba ng buhok ko?!

Sino ngayon ang pipiliin ko?

Si Second Chance?

o

Si New Chance?

***

A/N:

Kayo sino ang pipiliin niyo?

-shinayawaara


Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon