DEAR DIARY:
One week nalang Christmas na. Medyo mainit pa din dito sa Isabela. Normal na yata na ganito ang temperature dito. Medyo hindi ako nakapagsulat sayo lately dahil madami kaming ginagawa sa site. Pagod na ako kapag nauwi kaya hindi na ako nakakapagsulat.
Unti unti na din naman akong nasasanay. Araw araw ay nagtatawagan naman kami ni Axel. Paminsan minsan ay tinatawagan ako ng mga kaibigan ko. Kapag wala lang silang magawa o di kaya magkakasama sila at trip nila akong inggitin. Mga baliw!
Siya nga pala, nagkita kami ni Panda. Nakasalubong ko siya sa hotel lobby. Thank God at hindi pa pala siya nagpakamatay. Kinabahan talaga ako. Nginitian niya ako nung makita niya ako tapos niyaya niya akong magkape. Since Sunday naman at wala kaming pasok ay pumayag ako.
PANDA : Thank you Diyosa for listening to me the other night even though we are both strangers.
AKO : Wala iyon. Ganun talaga. Sabi nga nila minsan mas nakakapag-open tayo sa taong hindi natin kilala dahil alam natin na hindi nila tayo huhusgahan. Saka pambawi ko na din yun sa nangyaring insidente sa eroplano.
PANDA : Don't mind it. That was an accident. Don't blame yourself.
AKO : Hindi naman sa pang-iintriga pero ano ng plano mo ngayon?
PANDA : Honestly, I don't know.
AKO : Pwedeng magbigay ng advice?
PANDA : Sure.
AKO : Siguro ang unang bagay na dapat mong gawin ay kausapin ang girlfriend mo. Makipagbreak ka na sa kanya. Not unless may balak kang maging kabit.
PANDA : I don't have plans to be a kabit but I don't know if I have the courage to talk to her.
AKO : Ano ka ba?! Kalalaki mong tao naduduwag ka. Yung jowa mo na nga ang may kasalanan tapos ikaw itong natatakot na kausapin siya.
PANDA : I don't want to hurt her feelings.
AKO : Pero yung feelings mo okay lang masaktan? Masokista ka din eh.
PANDA : I just love her so much. I already planned my life with her. I went here to propose to her. I want her to be my wife and the mother of my children. And I don't know where to start again.
AKO : Well, you can start by speaking Tagalog. Kanina pa ako nanonose bleed sa kaka Ingles mo. Tagalog only okay?!
PANDA : Sorry.
AKO : Alam mo kasi minsan may mga bagay talaga na kahit nakaplano na kung hindi iyon ang nakatakda ay hindi natin iyon makukuha. Minsan nga kahit hawak mo na nakukuha pa din ng iba. Walang permanente sa mundo. Matuto kang mag-adjust.
PANDA : Talking like an expert of love.
AKO : Hindi naman ako expert. Medyo heavygatz din kasi ang mga pinagdaanan ko sa buhay pero kita mo naman nakasurvive pa din ako. Kaya I'm sure makakasurvive ka din. You just have to know where to start. At sabi ko nga sayo, magtagalog ka. Limited lang ang baon kong English.
Tapos tinawanan ako ni Panda. Ang gwapo niya pala lalo na kapag nakatawa. Masyado kasing seryoso ang mukha niya.
In the middle of our conversation ay tinawagan ako ni Axel kaya naman nag-excuse muna ako kay Panda.
AXEL : Babe, I have a good news for you.
AKO : Ano yun?
AXEL : Diyan ako magsecelebrate ng Christmas and New Year kasama mo. Namimiss na kasi kita.
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.