<Harabella Gomez>
"Hindi nga ako nagseselos" mariing sabi ko kay TOP. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang itong sumulpot sa bahay ko. Rather, hindi ko alam kung bakit alam niya kung saan ako nakatira.
"Hindi daw nagseselos kaya pala kanina pa lukot iyang mukha mo. Bakit kasi hindi mo sila nilapitan kanina eh di sana naliwanagan ka." Pang-aasar pa sa akin ni TOP.
Nakita ko kasi ang boyfriend ko at ang kaibigan ko na magkadate sa Mcdonalds at naikwento ko iyon kay TOP na naging dahilan para asarin niya ako ngayon.
Magkasama lang kumakain, magkadate na agad? Hindi ba pwedeng nagkasabay lang? <Authornim>
"Bakit ko naman sila lalapitan? Nakaistorbo pa ako. Tigilan mo nga ako TOP sa pang-aasar mo. Wala ako sa mood."
"Okay sige. Sorry na. Smile ka na. Papangit ka niyan. Hindi ka na magiging kasing ganda ng mga bulaklak na ito" tukoy niya sa flowers na dala niya.
"Bakit mo ako binibigyan ng bulaklak? Hindi ako mahilig sa bulaklak." Nakataas ang kilay na tanong ko.
Nginitian naman ako ng alangan ni TOP.
"Hindi ka ba mahilig? Sorry ah. Actually para kay Gwen sana iyan. Balak ko kasi siyang dalawin sana sa bahay nila kasi nakalabas na siya ng hospital. Kaya lang naisip ko na baka pagselosan pa ako ni Axel. Mukhang mainit pa naman ang dugo nun sakin. Kaya ayun hindi na lang ako tumuloy sa kanila" alanganing sambit ni TOP.
"Ginawa mo pa akong second choice."
"Sayang naman kung itatapon ko lang diba?"
"Oo na. Thank you kahit na hindi naman talaga iyan para sakin. Mahal ang bulaklak ngayon. Sayang kung itatapon nga. Ilalagay ko na lang sa vase sa kusina."
Nang dumating si DJ ay nagpaalam na rin si TOP na uuwi na.
"Nice flowers. Galing kay TOP?" Pansin ni DJ sa bulaklak na nasa ibabaw ng mesa.
"Yeah" tipid na sagot ko naman.
"I thought you don't like flowers?"
"I love flowers. Every girl loves flowers."
"Huh?"
Actually hindi ako ang tipo ng babae na mahilig sa bulaklak. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko kay DJ na gusto ko ang mga ito. Siguro dahil naiinis ako sa kanya at naalala ko na araw araw niya noon na binibigyan ng bulaklak si Maica nung nililigawan niya pa ito.
Ang sabi sakin ni DJ ay may surprise siya sakin kaya niyaya niya akong lumabas ngayong gabi. Pero dahil wala ako sa mood ay nagpumilit ako na sa bahay na lang kami magstay.
Medyo nagkaroon din kami kasi ng pagtatalo dahil tinanong niya ako kung nagseselos daw ba ako kay Maica at tinanong ko siya kung nagseselos ba siya kay TOP. Parehong hindi ang sagot namin.
Ngayon alam ko na parehong matigas ang ulo namin.
***
Halos umangat ang kilay ko na kasing taas ng Mount Everest nang makatanggap ako ng text mula kay DJ nang makauwi siya ng bahay nila.
Binabati niya ako ng Happy Anniversary!
Abnormal yata ang boyfriend ko dahil hindi naman namin anniversary ngayon. Bukas pa! Masyado siyang advance!
Pakiramdam ko tuloy lalong uminit ang ulo ko sa kanya. Lalo akong naasar dahil nakalimutan niya ang mismong araw ng anniversary namin!
***
Tawa ng tawa si TOP nang ikwento ko ang nangyari sa amin kagabi ni DJ.
"Ang cute niyong dalawa. Magbreak na kasi kayo. Para tayo na lang dalawa." Pang-aasar ni TOP sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/46184832-288-k571577.jpg)
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.