X - Cry, I'm here to wipe your eyes.

1.1K 30 30
                                    

Gwen,

Huwag ka naman magpakalasing ng ganun. Napakavulnerable mo. Muntik na akong matukso sayo. Sa susunod huwag kang maglalasing kung alam mong hindi mo naman pala kaya.

P.S.

Okay sorry aaminin ko na. Hinalikan kita.

-A.S.

***

Katatapos lang ng meeting ko sa bago kong kliyente ng tawagan ako ni Hara. Pinapapunta niya ako sa bar niya. Kasalukuyan daw na naglalasing sina Maica at Gwen.

AKO : Ano namang magagawa ko kung gusto nilang maglasing? Hayaan mo silang mag-enjoy.

HARA : Inuubos na nila ang alak ko. Hindi naman nagbabayad ang dalawang ito.

AKO : Yun lang ang pinoproblema mo?

HARA : Lasing na si Gwen. Walang maghahatid sa kanya pauwi. Si Paul tinawagan ko na din para sunduin si Maica.

AKO : Bakit ako ang tinawagan mo para maghatid kay Gwen? Break na kaya kami.

HARA : Pupunta ka ba ngayon dito o ipapashoot to kill kita sa mga bouncer ko?

Ang lakas din makapagbanta nitong babaeng ito.

AKO : Oo na. Pupunta na ako. Give me thirty minutes.

HARA : Make it ten minutes.

AKO : Ten minutes?!!!! Aba Hara! Hindi flying car ang kotse ko. Sa Edsa palang kulang na ang ten minutes.

HARA : K. Bye.

Ang sama talaga nung babaeng iyon. Bigla na lang akong binabaan ng telepono.

Naghanap na ako ng U-turn para pumunta sa bar ni Hara.

***

Bakit nga ba napakabait kong exboyfriend para ihatid sa bahay niya ang exgirlfriend kong iinom inom hindi naman pala kaya?

Napakunot noo na lang ako nang makita kong nakayukyok na sa lamesa sina Maica at Hara. Halos sabay lang kaming dumating ni Paul.

HARA : Iuwi niyo na nga ang dalawang pasaway na babaeng iyan.

PAUL : Anong nangyari sa mga ito?

AKO : Huwag mong sabihing may pinaghuhugutan ang dalawang ito?

HARA : They decided to celebrate.

AKO : Hindi ka kasali?

HARA : I don't drink while working.

Hara may not be the showy person like the others but you can trust her to take care of you. Alam nito na walang magbabantay sa dalawang kaibigan nito kaya hindi ito uminom ng alak.

HARA : Iuwe niyo na ang dalawang iyan.

AKO : Ang sweet mo talaga kahit kelan Hara.

Natutuwa ako sa pagiging poker face niy kaya hindi ko napigilang kurutin ang mga pisngi niya.

HARA : I know.

Sabay kurot sa kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

Naiiling na natatawa na lang naman si Paul bago hinalikan sa pisngi si Hara at buhatin na ang lasing na si Maica.

MAICA : Hey yosh! Gushto ko phang uminom!

Mukhang malakas na nga ang tama ng alak kay Maica dahil hindi na din normal ang paraan ng pagsasalita nito. Samantalang si Gwen naman ay tulog na tulog na.

PAUL : No! You are drunk already. We gotta go Hara. Take care.

Sabay na kaming lumabas ni Paul ng bar ni Hara. Pareho naman kaming may dalang sasakyan kaya naghiwalay na din kami.

***

Tulog na tulog pa din si Gwen habang bumibyahe kami sa kahabaan ng EDSA. Siraulo talaga itong babaeng ito. Paano na lang kung hindi siya dun sa bar ni Hara uminom? Paano na lang kung may bastos na lalaking magsamantala sa kahinaan niya? Tignan mo nga at halos bukas na ang butones ng uniporme na suot niya. Nakikita ko na halos ang dibdib niya.

Naiiling na inayos ko na lang ang pagkakabutones ng damit ni Gwen at nilakasan ang aircon ng sasakyan. Para akong nainitan bigla.

AKO : Hay naku Gwen ano bang gagawin ko sayo? Daig mo pa ang nangaakit ng tukso sa ginagawa mo.

Itinabi ko muna ang sasakyan sa gilid at tinitigan ang mukha ni Gwen. Marahan kong inayos ang buhok niyang tumatabing sa mukha niya.

AKO : Alam mo ba kung gaano kita namiss? Miss na miss na kita. Halos mabaliw baliw ako nung unang taon ko sa ibang bansa sa kakaisip ko sayo. Pilitin ko man ang sarili ko na magmahal ng iba ikaw pa din ang hinahanap ng puso ko. Tatlong taon Gwen pero ikaw pa din ang mahal ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinintalan ko ng halik ang mga labi ni Gwen na tila nag-aabang ng halik ko. Marahan lang. Dampi lang. Baka bigla siyang magising at sapakin ako.

Pinaandar ko na muli ang sasakyan matapos ilagay ang jacket ko kay Gwen para hindi siya lamigin at hindi na rin ako matukso.

***

Mayamaya lang ay nagising na si Gwen. Halatang nagulat siya nang makitang magkasama kami sa loob ng kotse ko. Agad niyang kinapa ang sarili niya. Iniisip siguro niya na may ginawa akong hindi maganda sa kanya.  #Assuming

AKO : Assuming ka Gwen. Wala akong ginawa sayo.

Ang sama ng naging tingin sa akin ni Gwen.

GWEN : Bakit nandito ka? Bakit nandito ako sa kotse mo? Nasaan si Maica Reign Domingo at si Harabella Gomez?!

AKO : Tinawagan kami ni Hara. Nagrereklamo na yung kaibigan niyo. Inuubos niyo daw ang alak niya. Sa susunod daw sisingilin na niya kayo. Si Maica hinatid na ni Paul sa kanila.

Kahit na medyo high pitch na ang boses niya ay sinubukan kong maging kalmado sa pagsagot sa kanya.

GWEN :  Bakit tinawagan ka pa niya? Pwede namang si Paul na ang maghatid din sakin. Madadaanan naman ang bahay ko papunta sa bahay ni Maica.

AKO : Masyado ng late kung ihahatid pa kayong dalawa ni Paul and besides may tiwala sakin si Hara kaya sakin ka niya ibinilin.

Minsan mahirap din paliwanagan itong si Gwen lalo na kung ayaw niyang makinig. Kaya nagtaka ako nang hindi na siya magsalita ulit. Para tuloy may dumaang anghel sa pagitan naming dalawa.

AKO : May problema ba Gwen?

Hindi siya nagsalita. Tinalikuran lang niya ako at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

AKO :  Gwen, galit ka pa rin ba sakin?

Hindi pa rin siya nagsalita. Mukhang kakarerin niya talaga ang pandededma sakin. Hindi bale na alam ko naman na naririnig niya ako.

AKO : I'm sorry Gwen kung nasaktan man kita. Believe me hindi ko gustong masaktan ka. Dumating lang talaga sa point na may gusto akong patunayan sa sarili ko and feeling ko hindi ko maabot iyon kapag kasama kita. Pero Gwen, sobrang pinagsisihan ko nung nakipaghiwalay ako sayo. Kung pwede ko lang sana ibalik ang nakaraan. Hinding hindi kita iiwan. But three years was long enough para umasa pa ako na sana bumalik tayo sa dati. Alam ko naman na nakamove on ka na. Ayoko ng guluhin pa ulit ang buhay mo. Pero gusto ko lang malaman mo na ikaw lang ang babaeng minahal ko ng sobra.

Hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa labas ng bahay nila. Bumaba si Gwen ng sasakyan. Hinatid ko muna siya hanggang makapasok siya sa loob ng bahay bago ako umalis.

Ang bigat din ng pakiramdam ko. Habang nagmamaneho ay naramdaman kong tumutulo na ang luha ko.

Mahal ko pa rin si Gwen but I guess kailangan ko na rin siyang palayain.

***

A/N:

Bwisit ka Sebastian! Ang dami mong arte sa buhay!

-shinayawaara

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon