Gwen,
Happy birthday! Ang tanda mo na! Joke lang. Huwag kang mahigh-blood sakin. Ikaw din lalo kang tatanda niyan.Siya nga pala, bakit magkasama kayo ni kuya Yexel? Anong relasyon niyong dalawa?
- A.S.
***
Birthday ni Gwen ngayon. Inimbitahan ako ni Hara para sa party na inihanda nila para kay Gwen. Dumaan muna ako sa department store para bumili ng regalo para kay Gwen. Medyo nahirapan nga ako mamili kaya tinawagan ko si Hara para magpatulong. Ang kaso, sinungitan lang ako nung babaeng iyon.
Hara : Hay naku Axel Sebastian! Bahala ka sa buhay mo! Huwag mo akong guluhin at busy ako sa pagluluto.
Sabay baba ng telepono. Ang sungit talaga!
Wala tuloy akong choice kundi ang mamili mag-isa. Mabuti na lang at tinulungan ako nung sales lady na pumili ng regalo.
***
Nagulat ako nung dumating si Gwen sa bar ni Hara ay kasama niya si Kuya Yexel. Alam kong boss ni Gwen si kuya pero hindi ko ineexpect na magkasama sila. Kailan pa sila naging close dalawa? Bakit sila magkasama? Anong relasyon nila?
Saka ko lang naalala na birthday din pala ni kuya Yexel ngayon. Wala akong biniling regalo para sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Mayaman naman na siya. Hindi na niya kailangan ng regalo. Saka naiinis ako sa kanya.Nakakainis itong si Kuya Yexel dahil feeling close kay Gwen. At mas lalo akong nainis kay Kuya Yexel nung yakapin niya si Hara. Anong karapatan niyang yakapin yung bestfriend ko? Oo. Bestfriend ko si Hara. Sabi ko. Para sa akin.
Naiinis din ako kay Gwen kasi halata sa mga tingin niya kay Kuya Yexel na type niya si Kuya. Saka halatang nagseselos siya kina Hara at Yexel na mukhang ang saya saya. First time kong nakitang ngumiti si Hara ng ganun. Samantalang ako never niyang nginitian. Puro simangot at pagsusungit.
Mayamaya lang ay mukhang natapos ding mag-usap sina Hara at Yexel. Naupo si Hara sa tabi namin ni Paul samantalang si Yexel naman ay sa tabi ni Gwen naupo. Muntik ko ng ibato yung tinidor na hawak ko nung makita kong lumapit ang mukha ni Yexel kay Gwen para bumulong. Gumanti naman ng bulong din si Gwen. Para silang may sariling mundo.
Hara : Huwag kang gumawa ng eskandalo dito Sebastian.
Napatingin ako kay Hara nang magsalita siya sa tabi ko. Nagtataka ang tinging ibinigay ko sa kanya.
Ako : Anong ibig mong sabihin?
Hara : Alam kong hindi mo gusto ang nakikita mo. Pero birthday ni Gwen ngayon. Birthday din ng kuya mo. Higit sa lahat nasa teritoryo kita kaya huwag na huwag kang manggugulo dito kung ayaw mong ipasipa kita palabas sa mga bouncer ko.
Bumuntong-hininga naman ako at pilit na ikinalma ang sarili ko.
Ako : Wala naman akong balak na mageskandalo.
Hara : Dapat lang dahil wala ka din namang karapatan.
Ako : Ang sakit mo talaga magsalita. Para namang hindi tayo magkaibigan niyan. Nakakainis ka din dahil kung makipagngitian ka kay kuya akala mo ngayon ka lang nakakita ng gwapo. Samantalang nandito naman kami ni Paul. Kung saan saan ka pa tumitingin.
Paul : Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo.
Binigyan ako ng kakaibang tingin ni Hara. Iyong tipo ng tingin na animo ay insekto ako sa paningin niya.
Hara : Nababaliw ka na? Nagagawa nga naman ng selos.
Ako : Selos? Sinong nagseselos? Hindi ako nagseseslos uy! Mas gwapo naman ako dun sa kuya ko.
Hara : Oo na. Sabi mo eh.
Hindi naman talaga ako nagseseslos kaya! Naiinis lang ako. Magkaiba iyon.
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Chick-LitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.